Chapter 8

3 0 0
                                    

Chapter 8

Napapikit sa sobrang frustration si Race sa kadahilanang isang linggo na niyang tinatrabaho ang dalawang misteryosong university.

Halos lahat ng kaya niyang gawin ay ginawa na niya pero bigo siya.  Masyadong mahirap sirain ang security ng dalawang eskwelahan kaya naman naiisip na niyang gawin ang isa niyang plano. Ayon sa pagkakalkyula niya, maaring hindi gumana ito but this is the last thing she can do to know and get the list of members of the remaining university.

At isa maaring hindi pumayag ang grupo niya.  Kaya naman gumawa din siya ng Plan B.

Plan A

Kinaka bahang lumalakad si Race patungo sa Conference room.  Inayos niya ang pagkakasukbit ng bag niya at binilisan ang paglakad.

Nang makarating ay walang katok katok na binuksan niya ang pinto.  At hindi nga siya ngakamali.  Sina Sir Christian at ang iba pang guro ay naroon. Natuon sa kanya ang atensyon ng lahat.  Inaasahan na niyang wala ang 4 niyang ka grupo doon dahil may training ang mga ito. 

"What brings you here Ms.  Gonzales? " it is Sir Christian. Nakakunot ang noo nito,  halatang nag tataka.

"Ahm—" lumapit siya sa pwesto nila,  ay hindi sa harap nilang lahat.

"Bigyan niyo ako ng 3 linggong bakasyon.  Gusto kong makasama sina mama bago ako lumaro.  " and yeah that is her plan.  Pero kasinungalingan lang iyon.

"Hindi pwede.  " walang pag aalinlangang sagot ng dean.  Tiningnan siya ni Race kung seryoso ba ito. 

"Why? " sa pagkakataong iyon kay mam ame na siya nakatingin. 

"Malay niyo,  mamatay ako sa mismong laro.  Gusto ko munang makasama ang pamilya ko. At base sa rules.  College student ang bawal patayin.  Hindi isang thirdyear highschool. "

"Wala namang nakakaalam na isa kang Junior High Ms.  Gonzales. "-
mam ame.

'Mukhang hindi yata gagana ang plano ko. '

Kaya naman umakto na siya kagaya ng plano niya kung hindi magtagumpay ang una. 

Pinahid niya ang luha na sunod sunod na tumulo mula sa kanyang mga mata.  Akmang lalabs na siya nang may marinig siyang isang boses.

"Fine.  3 weeks.  "   napangisi siya sa narinig.  Hindi kita ng mga guro ang mapaglarong ngisi sa labi ng mga dalaga. 

Humarap muli siya pero sa pagkakataong iyon wala na ang kanyang ngisi.  Isang maamong mukha maskara  na muli ang suot niya.

"Salamat po.  Pangako pagbalik e mag po focus na po ako sa training.  " at doon?  Doon na nag start ang binuo niyang plano. 

RACE'S POV

"Salamat. " masayang bati ko kay Lucas.  Tinulungan niya akong mag sagawa ng mga pekeng dokumento para sa pagpasok ko sa Moon West University.

Yes.  That's my plan.  Ang mag transfer sa eskwelahang iyon.  Pinag isipan ko nang mabuti lahat ng gagawin.  Mula sa mga dokumento na kailangan hanggang sa mga taong kasabwat ko.  Iisang tao lang ang katulong ko mula dito sa University.  Pero karamihan ay outsiders na lalo na ang dati kong eskwelahan sa Quezon.

Hindi ko pa nababanggit ang tungkol sa mga eskwelahang kasali sa DeathGames. Nakapaloob ito sa isang malaking isla; Ilang milya ang layo sa bansang Pilipinas.  Ang sabi ng karamihan ay iba't ibang nationality ang naninirahan dito.  Isa pa sa pinaniniwalaan na walang nakakalabas sa islang ito kung hindi ka College graduate. At kung nagbabalak kang pumunta dito ay makakalimutan mo ang daan pabalik.  Tanging ang mga mandaragat lamang ang may saulo sa pasikot sikot ng buong isla at paalis ng isla.  Pero kahit ganoon,  hindi lang eskwelahan meroon ang isla.  Para itong isang Siyudad dahil sa 'Urbe Island' . Isang Latin na kung isasalin sa ingles ay City Island. Literal na City Island.  Marami rin ang populasyon dito pero kadat taon ay nababawasan dahil sa mga College Graduate na umuuwe sa mga sarili nilang bansa. 

"Bukas na ang alis mo.  Magingat ka ha. " malumanay at masuyong bigkas sa akin ni Lucas.  Actually,  We are not that close.  Pero kaklase ko siya na matagal nang may gusto sa akin.  Kagaya ko isa rin siyang Computer Freak.  Mas pro nga lang ang mga galawan niya saakin.

"Nakikinig ka ba? " nagangat ako ng tingin kay Lucas. Ngumiti ako bago tumango.

"Thank you ulit.  "

"Nah,  don't mention it.  " natatawang wika nito.  Nagusap pa kami ng matagal bago kami mag hiwalay ng landas.  Sinikap ko rin na wag kausapin ang apat sa buong maghapon. 

K I N A B U K A S A N

3:56 AM

"Damn, Please Race be safe! " napairap ako dahil nag pi feeling Close na naman si Lucas. Pasalamat siya may utang na loob ako sa kanya.  Tumango ako at niyakap siya.  Para kumalma siya.

"Yes.  Yes.  I promise. " pagkatapos non ay umalis na ako.  Nag laan sila saakin ng sasakyan at Driver para ihatid ako sa bahay namin. 

Although,  hindi ko din sinabe kay mama na pauwi ako at wala akong balak sabihin.

"Tara na po.  " paalam ko sa driver at umupo sa Passenger Seat.  Isang oras din ang naging byahe bago makarating sa amin.  Tahimik pa ang kapaligiran.  Tulog pa sila mama. 

Nag kunware akong papasoksa bahay namin—kasi alam ko na pinapanood pa ng driver ang ginagawa ko.  Pero nang marinig ko ang ugong nang papapalyong kotse ay agad akong kumaripas ng takbo at kinuha ang Cellphone ko.

"Cyan.. " banggit ko sa pangalan ni Cyan ng makontak ko ito.  Patuloy pa rin ako sa paglakad at pilit inaaaninag ang dinadaanan ko.  Masyado pa kasing madilim.

"Where are you? " tanong nito. Mukhang kanina pa niya ako inaabangang dumating.

"Parating na ako.  Just wait for me.  "

"Yeah. Yeah.  You're such a demanding woman.  Eh hindi mo nga ako inintay non. " napairap ako ng tukuyin nito pag ang pagpunta ko sa islang ito. Pinagako ko kasi na sabay kami kaya nga lang nang may mag ampon sa akin ay nauna na ako dito at hindi pa ako nakapag paalam. 

Pinatay ko ang tawag at binilisan ang takbo.  Hinihingal akong tumigil sa harap ng malaking mansyon.  Bahay nina Cyan. 

Medyo malapit ito sa bahay ni namin pero No Choice. Siya lang naman ang mapag kakatiwalaan kong kaibigan dito sa labas.

Inakyat ko ang Gate kahit may kataasan.  Alam ko naman kasing kahit mag doorbell ako ay hindi bubuksan ng tubol na iyon ang Gate. 

Nang makarating ako sa Maindoor ay kusa itong nagbukas.  I mean—may nag bukas. 

"What took you so Long? " tanong nito na sinagot ko lang ng irap.  Pumasok ako sa loob at nag diretso sa kwarto niya sa taas.

"Feel at home ah? " tudyo niya saakin dahil sa ginawa ko.

"Naayos mo na ba talaga?  Hindi dapat ako mag sayang ng oras.  I only have 3 weeks to do my task.  " ngumiti naman ito ng matamis. Tumango ito at tumabi saakin ng higa. 

"I miss you Best friend. " tumango na lamng ako at pumikit.  Gusto ko munang matulog bago ko simulan ang gagawin ko.

-----

Nagising ako na wala na si Cyan sa Kwarto.  Liwanag na rin sa labas.  Nilingon ko ang WallClock at nakitang mag aalas siete na.  Bumangon ako at nilinis ang kwarto bago ginawa ang mga Morning Routines ko.  Tutal ay mga bago naman siyang gamit sa banyo na para talaga sa Bisita. 

Pagkababa ko ay nakahain na ang pagkain sa lamesa.  Kumakain na rin si Cyan at naka uniform na rin. 

"Hindi mo manlang ako ginising.  " naka nguso kong sabi na ikinatingin niya.  Ngumiti ito na palagi niyang ginagawa.

"Sorry,  tulog na tulog ka kasi e. Btw,  yung uniform mo nasa taas.  Dumating yon kanina.  Kumain ka na tas magbihis ka na.  " tumango ako at nagsimula nang kumain.

------

"Hindi ka ba galit saakin? "

"Bat ako magagalit?  Nag aaral lang ako para makaalis dito sa Isla.  Wala naman akong pinapanigang eskwelahan.  Wala ako pakealam kung mag patayan sila.  Pero nung sinabe mo na kasali ka.  I didn't think twice to help you with this.  Kung kaya ko nga lang ibigay ang pangalan nila nagawa ko na.  Pero alam mo naman ang posibleng mangyari.  " huminga ako ng malalim bago mag isip.  Tama naman siya e.  Hindi naman bawal ang ginagawa ko.  Dahil sa pag kakaalam ko meron din namang espiya sa CSU. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Death GamesWhere stories live. Discover now