Chapter 4

6 0 0
                                    


RACE'S POV

Nanlulumo akong napasandal sa pader at hindi ko na napigilan ang mga luha ko.  Bakit kasi kailangan saakin pa mangyari ito?!

fvck this game!  I really hate it! 

Napatingin ako kay Calvin na nakatitig lamang saakin.  Walang emosyon ang mga mata nito na para bang natatakot siya na mabasa ko ang nasa isip niya.

Naaalala ko bigla ang sinabe niya kanina.

"At nung makita kitang itinago ang emosyon mo nung nasa harap ka na namin.  Ganoon ang isang Player.  Lahat ng kahinaan , ay naitatago.  That's why you can't leave the team.  Isa ka na saamin. "

Yes,  he's right.  I must hide my emotions.  Ayokong makita ng iba ang kahinaan ko o ang pagiging mahina ko.  Pinahid ko ang luha ko at tumayo ng tuwid.

"Thank you! " i said in a sarcastic tone.  Salamat sa kanya kasi lalo pa akong nawalan ng pag asa na tumiwalag sa grupo niya. 

Nakita kong napangisi ito na ikinakunot ng noo ko. 

"Tomorrow , 6 pm at the conference room.  " malamig na turan niya bago ako iwan.  Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim.

I think,  i need some fresh air.  Yeah. 

Agad akong nag lakad paalis sa College Building.  Wala na akong gagawin doon.  Mahirap Kumbinsihin ang isang Calvin Tucker.

Nang makarating ako sa Mini pond ng university ay umupo ako sa isa sa mga upuan doon.  Pumikit ako sandali pero biglang nag flash sakin ang nangyari kahapon. 

"You Miss Gonzales is the last member of team Dark Phantom."

Mula sa pagpili saakin hanggang sa mga nalaman ko.  Hanggang ngayon palaisipan saakin ang tanong na

"Bakit ako ang napili nila? "

Although nasagot na kanina ni Calvin pero alan kong may mas malalim na rason pa din doon. Sigurado ako at iyon ang aalamin ko. 

Pangalawa,  Si Chase at si Charles.  Sino ba ang mag aakala na dalawa sila?  Ang talino din ng kambal na iyon.  Halangan sila sa pagpasok para nga naman walang makakaalam na dalawa sila.  Hindi ko lang alam kong anong nararamdaman ni Charles kapag pinupuri siya gamit ang pangalan ni Chase.  I mean,  never siyang nakilala bilang Charles.  Sa mata ng iba,  siya si Chase Huntsman. 

Pangatlo,  Si mama.  Nalulungkot ako dahil alam kong malulungkot din si mama. 

Agad kong dinukot ang cellphone sa bulsa ko at kinontak si mama.  Ilang ring palang at may sumagot na. 

[Nak? ]

Napangiti ako ng marinig ang boses ni mama.  Kahit papaano ay guminhawa ang pakiramdam ko. Pero bigla din akong nilukob ng kaba ng maalalang bad news ang sasabihin ko.

"Hindi sila pumayag mama.  " malungkot na saad ko.  Totoo naman e.  Maya maya pa ay nakarinig ako ng hikbi. 

[A-Anak!  Huhuhu.  Paano ka makakatapos niyan? ]

"Pagkatapos nito ma.  Pangako tutuparin ko ang pangarap ko at pangarap mo.  "

[Huhuhu ano ba magagawa ko?  Mag ingat ka ha *sob* At please lang...  Please wag na wag mong pababayaan ang sarili mo.  *sobs* mamatay ako sa takot at hinagpis]

Medyo napatawa na ako sa kaoahan ni mama.   Nag paalam na ako sa kanya at naglakad na pabalik sa dorm.  Excuse naman daw ako e.  Tapos bukas pa ako makikipag kita kina Calvin.  I need to rest. 

The Death GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon