Chapter 3

5 0 0
                                    

January 9, 2007 Tuesday
7:54 pm

THIRD PERSON'S POV

"RAIANA CELINE GONZALES! " napabalikwas si Race sa malakas na pagkalabog ng pinto at malakas na sigaw mula sa labas ng silid niya.

Sa pag aakalang isa iyong emergency ay kaagad siyang bumangon at binuksan ang pinto.  Nawala ang taranta niya ng makita ang inis sa mukha ng kaibigan.

"Aba!  Kanina pa kita ginigising at kumakatok dito sa pinto mo.  Kung hindi ko pa isisgaw ang buong pangalan mo ay hindi ka babangon?! " napatawa naman siya sa sermon ng kaibigan slash dorm mate. 

She raise her middle finger and mouthed 'fuck you! ' Inabala nito ang masarap na tulog ng dalaga.

Agad siyang bumalik sa higaan at dumapa.  Inaantok pa siya.  Hindi niya pa kayang tumayo ng matagal.  Hindi pa siya lubos na nakakatulog ulit ng may humampas ng unan sa kanya.

Agad niyang sinamaan ng tingin ang kaibigan. 

"What?! " pagalit na tanong niya.

"Hindi ka pa ba kakain?  Mag e 8 na bes! "  mahinahong sagot ni Lurine kay Race.

Si Lurine ang Best friend niya.  Pero ika nga ng iba ay katulong daw niya.  Hindi naman kasi masaway ni Race si Lurine  sa pag gawa ng mga gawaing bahay.  Ultimong mga labahing damit niya ay si Lurine ang gumagawa.   Ang dalaga din ang nag luluto at namamalantsa.  Parang ito ang panganay na kapatid niya.  Nang mag laon ay nasanay din siya sa ginagawa nito.

Bumangon siya saka sumunod sa kaibigan nang luamabas ito sa kwarto niya.

Naupo siya sa isa sa mga silya ng marating ang hapag.  Pinakbet ang nakahain na ulam. Wala naman siyang reklamo.  Basta wag baboy ang ihahain sa lamesa.

"Kamusta?  Kalat na sa buong school na kabilang ka na sa dark Phantom. " pagbasag ni lurine sa katahimikan na bumalot sa kanila simula ng kumain sila.

Sasagot na sana siya nang marinig niya ang ringtone ng cellphone niya senyales na may natawag. 

RACE'S POV

"Ma, kamu—" napatigil ako sa akmang pangangamusta ng makarinig ako ng hikbi sa kabilang linya.  Pero sigurado ako na ang aking ina ang umiiyak.

"Ma?  Umiiyak ka ba? " napatampal ako sa noo ko nang marealize ang tinanong ko. 

You're doomed Race.  Malamang umiiyak ang nanay mo!

Hindi pa rin sumasagot si mama kaya nag tanong ulit ako.

"Ma!  Bat ka ba umiiyak?! " medyo irita na akong nag tanong.  Humihikbi lang kasi siya. Kinakabahan na rin ako dahil sa ginagawa ni mama.

["Bakit ka pumayag nak?]

Naguluhan ako sa tanong ni mama.  Anong sinasabi niya.?

"Pumayag saan ma? "

["Sinabe sakin ng Dean na kabilang ka daw sa maglalaro ng Death games!  Huhuhu. Ang usapan natin mag aaral ka d-diba?  B-Bakit k-ka s-sumali?  Huhuhu"]

Umabot na pala sa kaalaman ni mama?  Tss. 

"Hindi ako pumayag mama. Sapilitan yon.  Hayaan mo ma.  Kakausapin ko sila bukas kung pwede mag back out.  Ayaw ko din naman sumali.! " mahabang pahayag ko kay mama.  Totoo naman kasi e, ayoko sumali sa kanila.  Sana lamang bukas ay hayaan nila ako. 

Nag paalam na ako kay mama pagkatapos ng ilang kamustahan.  Agad akong bumalik sa kusina at nadatnang kumakain pa rin si Lurine.  Mukhang hinintay pa niya ako, nakakahiya naman.

The Death GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon