Pinatong nito ang braso sa sandalan niya. "Tss. Ikaw, Misis, ang gulo mo. Dati, wagas mo kong inisin sa kawalan ko ng abs. Ngayon namang nagkakaron na, ayaw mo na. Ano ba? Aym konpyus."

Kapag nagkaroon na ito, ano pang ipapang-asar niya rito? At isa pa, hindi naman siya fan ng mga lalaking sobrang ganda ng katawan. Johann's body is just enough. Tama lang ang built nito. "Kung gusto mo talagang maging healthy, sumama ka na lang sa'king mag-yoga class."

"Yoga?"

Tumango siya. "Mas maganda iyon. More relaxing and healthier. Come with me on Saturday. Sabay na lang tayo sa yoga class."

Nangislap ang mga mata nito. "Napapansin ko nitong mga nakaraang araw, lagi mo na kong sinasabay o sinasama sa mga activities mo. Katulad nang sinasabay mo na ko kapag namimili ka sa grocery, sinasama mo rin ako sa pag-aasikaso ng bookstore mo. Ngayon naman, sabay tayo sa pagyo-yoga!" Tinignan siya nito ng diretso sa mga mata. "Gusto ko nang isipin na masyado ka nang nagiging... Anong tawag doon? Ah! Clingy!"

Awtomatikong nagsalubong ang dalawa niyang mata. Napatayo siya at naglakad palayo. "You can say 'no' kung ayaw mo mag-yoga. Ang dami mo pang sinabi."

But she's kinda guilty of his accusation. Clingy? Is she being like that? Basta ang alam lang niya, gusto niyang laging kasama ito dahil naaliw siya sa presensya nito. And they're friends! Hindi ba ganoon ang magkaibigan? Lagi mong gustong kasama para makausap? She's too comfortable with Johann in just a span of nearly two months. Since she accepted that Johann's a friend, she does not mind being close or being too attached with him.

Hinila ni Johann ang kamay niya. "Ang hilig mong mag-walk out kapag guilty, Misis. Umupo ka nga ulit dito."

Pilit niyang binawi ang kamay pero ginamit nito ang lakas para mapaupo ulit siya sa tabi nito. Nang aksidenteng madikit ang braso niya sa hubad nitong dibdib ay agad siyang lumayo rito. She become aware of his bare upper torso. Bakit ganoon? Bakit bigla siyang nailang? Sanay naman siya na wala itong pang-itaas na palakad lakad sa loob ng bungalow nito, ah?

"O, anong nangyari sa'yo? Para kang nanigas diyan."

Umiling siya at malakas na binawi ang kamay niyang hawak nito. "Magdamit ka na nga! Huwag mo nang ipangalandakan ang katawan mo. I get it, nagkaka-abs ka na. Fine. Magdamit ka na."

"Eto naman, parang hindi ka na nasanay sa'kin. Ngayon ka na lang ulit umangal sa pagiging topless ko," natatawang sabi nito. "Sisihin mo kasi ang araw, sobrang init!"

"Maligo ka na kasi!"

"Sabay tayo?"

Nakatikim ito ng pingot sa kanya. "Stop being a pervert maniac, Mister. Maligo ka na. Bubuksan ko ang aircon sa kuwarto. Hep! Wala akong pakialam sa electric bill natin. I can pay it kahit pa electric bill ng buong subdivision. Papa-aircon ko pa ang buong bahay natin hanggang garage para lang huwag ka nang mainitan."

Ngumiti ito. Ngiting nakaka-"fall" nga daw. Kinagat pa nito ang ibabang labi para pigilan ang pagngiti pa ng todo.

"What's funny?" singhal niya rito.

"You sound so...wife-like. Handa kang ipa-aircon ang buong bahay para lang hindi ako mainitan?" Mas sumingkit ang mga mata nito sa pagkakangiti, "Sweet."

Napakurap siya. Ganoon ba ang dating ng pagkakasabi niya? "H-hindi ganoon iyon. Para lang huwag ka na maghubad, papa-aircon ko tong bahay. Kahit gumanda pa iyang katawan mo, hindi ko pa ring gusto na nakabalandra iyan sa harap ko."

Hinimas nito ang baba. "Talaga lang? Sige." Tumayo na ito at pumasok ng kuwarto. Paglabas nito ay may dalawa na itong tuwalya at pumasok na ng banyo.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedWhere stories live. Discover now