Chapter 60

31.2K 1.1K 171
                                    

Nagulat naman si Tristan ng hinigit siya ni Wade papunta sa forest ng academy.

"Teka nga muna Wade! Ano ba! Ba't dito tayo papunta?" Takang tanong niya rito.

"Basta, dalian na natin." Sagot nito kay Tristan.

Nagulat nalang siya nang madatnan niyang wala ng malay ang mga kaibigan ni Kathylina at si Prof Liza.

"Teka muna! Wade! Ano ka ba!" Sigaw niya rito pero nagulat nalang siya nang mag-iba ang itsura nito.

"Hindi ko alam na may pagka-bobo pala ang prinsipe ng Fantasia." Sambit nito saka humahalakhak.

"What the! Sino ka?" Sigaw niya rito pero umiling lang ito.

Magte-teleport na sana siya nang hinawakan nito ang leeg niya at sinakal siya.

"Acckk-bi-bitawan-ack-moko!" Sambit ni Tristan pero nginisihan lang siya nito.

"At bakit naman kamahalan?" Sagot nito sa kanya saka mas hinigpitan ang pagkakasakal sa kanya.

Nararamdaman niya pang tila ba umuusok ang buong paligid.

Umuubo-ubo pa siya, bago tuluyan mawalan ng malay.

* - *

Nagkagulo naman ang lahat.

"Nasaan si Tristan?" Tanong ng Dean sa ibang royalties.

"Hindi po namin alam, Dean. Kanina pa po namin tinatawag gamit ang mind link pero hindi po siya sumasagot." Napahinga naman ng malalim ang Dean.

"Dean! Dean! Nakita ko po ang mahal na prinsipe, hawak hawak po siya ng isang kalaban." Umiiyak na sambit ng isang estudyante.

"Saan?" Tanong niya rito.

"Sa gubat po ng MEA." Dali dali namang nagteleport ang royalties at ang Dean pero huli na ang lahat.

Nakita na nilang naging usok ang mga ito.

"Hindi ito maaari! Hawak na ni Gael sina Kathylina at Tristan!" Puno ng pangambang sambit ng Dean kaya mas lalong nanlumo ang Royalties.

Marami ng estudyante ang nasugatan at may iilan nang nawalan ng buhay.

Habang ang halos buong MEA ay sira na.

Talagang pinaghandaan ng mga Quezares ang pagbabalik nila.

"Ano na ang gagawin natin Dean?" Tanong ni Fiona sa Dean.

"Gather all the students! Kailangan nating maghanda! Baka sumalakay silang muli."

* - *

"Flynn!" Tawag ni Yannah kay Duke.

"Flynn, pinapatawag ka ng iyong ina!" Sambit ni Yannah pero hindi siya pinapansin ni Duke.

"Flynn! Kailangan mong makausap ang iyong ina! May kailangan kang malaman!" Sigaw muli ni Yannah kaya tuluyan nang napatigil si Duke.

"Ano ba Yannah! Kailangan kong iligtas si Kathylina." Sagot nito na inilingan naman ni Yannah.

"Makinig ka Flynn kailangan mo ng bumalik sa taas at kausapin ang iyong ina saka ka bumalik rito hindi bilang Duke kundi bilang Flynn na Diyos ng Kalangitan! Paano mo makukuha si Kathylina kung hindi mo kukuning muli ang kapangyarihan mo at tanggapin ang pagiging Diyos mo?" Napatingin naman si Duke kay Yannah saka napasabunot sa buhok.

"Ito lang ang tanging paraan para matulungan mo si Kathylina Flynn." Sambit ni Yannah kaya hinawakan ni Yannah ang kamay ni Duke at pumunta sa mundo ng mga Diyos.

"Flynn!" Napatingin naman si Duke sa sumigaw.

"Ina!" Pabalik niyang sigaw rito.

"Anong gusto niyong sabihin Ina?" Tanong niya rito.

"Bumalik ka na rito Duke, tanggapin mo nalang muli ang pagiging Diyos mo." Sagot ng kanyang Ina kaya napahinga siya ng malalim.

"Oo Ina, pero kailangan kong tulungan si Kathylina Ina." Sambit niya na siyang tinanguan ng Diyosa ng Kagalingan.

"Makinig ka Flynn, hindi lang reincarnation ni Alyssa si Kathylina Flynn." Ani ng Ina ni Duke kaya napatitig siya rito.

"Anong ibig mong sabihin Ina?" Gulantang niyang tanong rito.

"Binuhay ko ang anak niyo ni Alyssa at iyon ang ama ni Kathylina anak. Naging Diyos ng Kasamaan ang anak niyong si Kael." Nanlamig naman si Duke sa narinig.

'Buhay ang anak namin ni Alyssa?'

"Flynn, apo mo si Kathylina."

Magical Elite Academy: The Anonymous (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon