Chapter 10

46.1K 1.7K 250
                                    

Nilagpasan ko lang sina Yasmine at agad na dumiretso sa Dorm.

Nadaanan ko pang parang may nagkukumpulan sa may entrance ng dorm mabuti na nga lang, nakadaan pa ako.

Pero agad rin naman akong napatigil nang marinig ko ang pangalan ni Faye.

"Sa tingin mo ba magugustuhan ka ni Kian? You're just a commoner, idagdag pang you're just a nerd. Don't dream too high Faye, masyadong masakit kapag na-realize mong akala mo yung pinanghahawakan mo ay hindi pala totoo. So better back off now you b*tchy nerd." Sabi ng isang babae.

"Ano ba! Pake mo ba sa kung ano ang meron sa kanila ni Kean? Ha?" rinig kong sagot ni Hamira.

"Well let me introduce myself then, I am Grace Francisco, fiancee ni Kean. I think you know naman kung gaano ka-close ang mga Garcia at Francisco. Kami ang nakatakda para sa isa't isa. I'm just advising her to cut off her imagination nang hindi siya masyadong masaktan. I'm just a concern citizen here, baka kasi maging obligado pa si Kean sa oras na mag-iiyak iyan dahil sa nasaktan siya sa mapait na katotohanan." sagot naman uli nung Grace raw.

"Wala kaming relasyon o ano pa man Grace, no need to over react. Sayong sayo si Kean." rinig kong sagot ni Faye pero pansin kong naiiyak ito.

Kaya naman napailing nalang ako saka tuluyang umalis at nagsimulang maglakad papuntang room namin.

Nakita ko pa uli ang 'Grim' na pakanta kanta.

Baliw talaga.

Napatingin naman ako sa kabilang dako nang makita kong parang may maliwanag na pigura sa may likod ng hagdan. Ang opposite ng 'Grim', si 'Hope'.

"Hope" bulong ko at nakita ko namang kumuway ito sa akin.

Nakita ko namang napatigil si 'Grim' at napatingin kay 'Hope'.

Umiling pa siya saka tuluyang nawala.

'Duwag'

"Kamusta ka na?" tanong niya sa akin na nasa tabi ko na.

"Okay lang." sagot ko.

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko ulit.

Nagkibit balikat naman si 'Hope'.

"Pinababantayan ka ni Master sa akin, umaaligid daw kasi sayo si 'Grim' kaya nandito ako ngayon." sagot niya.

"H'wag na kayong mag-alala. Hindi naman ako masasaktan ni 'Grim' at ng Master nito. Sadyang hobby niya lang talagang inisin ako kasi palagi ko siyang pinapakialam sa trabaho niya." sagot ko at nakita ko naman siyang tumango.

Kagaya ni 'Grim' ay parang isang pigura lang ito na nakasuot ng mahabang cloak, ang kaibahan lang ay ang kay 'Grim' at sa Master nito ay Black habang kay 'Hope' at sa Master niya ay White.

"Sige, babalik nalang ulit ako. Kitakits, Kath. Pakisabi nalang kay 'Grim' na nag-hi ako sa kanya. Umalis kasi kaagad." sabi ni 'Hope' saka tuluyang naglaho.

Sino ba kasi ang may sabi na umalis talaga si 'Grim'?

Oo umalis siya pero bumalik rin naman siya agad, nakasunod pa nga siya sa amin eh.

Nang makarating na ako sa room namin ay nilingon ko si 'Grim'.

"Kawawa ka naman baby 'Grim'. Hindi mapansin-pansin ang crush. Kaiyak. Ay oo nga pala sabi niya Hi raw. Na-torpe ka raw kasi kaya pinapasabi niya nalang." sabi ko and I heard him scowl.

Napatawa tuloy ako.

Pikon.

Magical Elite Academy: The Anonymous (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon