Chapter 5. A Sign of the Past.

Start from the beginning
                                    

Agad niya ito nginitian, at pumasok na sa bakuran ng kanilang bahay. Nakita niya naman ang mga bisita, at pati na rin ang kabaong ng kanyang ina. Tila nakasara ito dahil ayaw nila ipakita ang kalunos-lunos na nangyari dito.

Kahit gusto na niyang umiyak, pinigilan niya parin ito. Tanggap na niya ang pagkakawala ng kanyang ina, dahil sigurado naman siya na nasa ligtas na ito na lugar. Sa kalangitan.

Agad siya nagpalinga-linga, at hinanap ang kanyang ama. Nakita niya ito nakaupo sa tabi, tulala, at umiiyak.

Nilapitan niya ito, at yinakap. Mas lalong humagulhol ang kanyang tatay.

"Wala na siya. Wala na ang iyong nanay." Matigas na bulong nito sakanya. Wala magawa si Yvonne, kundi pakinggan ang hinaing ng kanyang tatay.

"Ano ba kasi ang pagkukulang ko bilang asawa sakanya?" Patuloy nito.

Hinayaan lang niya ang kanyang ama na umiyak sa kanyang balikat. Ito lang ata ang kaya niyang maibigay dito. Ang kanyang presensya.

Nang tumahan na ito, agad siya pumasok sa kanilang bahay upang ayusin ang kanyang gamit. Nilapag niya ang kanyang bag sa lamesang pinagkakainan nilang pamilya. Nakuha naman ng kanyang atensyon ang mga larawan ng kanyang ina na nakapatong sa may mumurahin nilang aparador. Pinagmasdan niya lang ito, habang may mga luha nang tumutulo sa kanyang mga mata. Pero agad niya itong pinahid. Wala naman mababago kung umiyak pa siya.

Ilang oras din ang lumipas, sumapit na ang gabi. Tapos na rin ang libing ng kanyang ina. Hindi nga rin maipaliwanag ni Yvonne at ng kanyang ama, ang sakit ng kanilang nararamdaman habang ibinabaon sa ilalim ng lupa ang kabaong nito. Pero nangyari na ang nangyari. Wala na silang magagawa dito.

Pakahiga ni Yvonne sa banig, na nakalatag sa sementado nilang sahig, ay nakita niya naman na lumabas ang kanyang tatay. May dala nanaman itong alak, at makikipag-inuman nanaman sa mga kumpare nito. Kahit kelan talaga ay hindi parin nagbabago ang kanyang tatay.

----

"Tulungan mo ako." Rinig na rinig ni Yvonne ang tinig na iyon. Sinusubukan niyang buksan ang kanyang mga mata, pero hindi niya ito magawa.

"Pinatay niya ako. Parang-awa mo na. Tulungan mo ako." Hindi ni Yvonne maintindihan ang sinasabi ng babae. Palakas ito ng palakas, habang may imahe ng isang babae ang nabubuo sa kanyang isipan. Iyon yung babaeng nagpakita sakanya noon. Yung babaeng nakaputing bestida, at umiiyak ng dugo. Pero ngayon naging mas malinaw pa ang mukha nito. At ngayon nakita niya na kung sino iyong babae. Kilala niya iyon. Pero ano ang kailangan nito sakanya? Ano ang sinasabi niya? Bakit sakanya pa ito humihingi ng tulong? Ano ang koneksyon niya kay Yvonne? Hindi talaga niya maitanggi na ito ang babaeng nakita niyang nagpakamatay sa girls' CR ng unibersidad nila. Si Tricia!

------

Papunta na sana si Sir Alex sa faculty office nang may isang estudyanteng babae ang humila sakanya. Ang kanyang kasintahan. Tila napangiti siya nang makita ang kamay nito hila-hila ang kanyang kamay.

Nakarating sila sa isang abandonadong silid na ginawang bodega. Walang estudyante ang dumadaan roon dahil medyo sa dulong parte na ito ng unibersidad nila.

Hahalikan na sana ni Sir Alex ang babae nang sampalin siya nito.

"Bakit?" Kunot-noo niya itong tiningnan. Isang galit na ekspresyon ang kanyang nakita sa babae.

"A- Alex, b-buntis ako!" Bulyaw nito sakanya. Tila natigilan si Sir Alex sa sinabi ng babae.

"H-hindi iyan m-maari!" Pangtanggi nito, habang nakatingin ito sa kawalan.

"Oo! Dalawang buwan na akong buntis!" Madiin na sambit ng babae, at iniwan si Sir Alex na tulala doon sa abandonadong silid.

Hindi niya parin ito mapaniwalaan. Hindi ito maaari, dahil sigurado mawawalan siya ng lisensya bilang guro. At sigurado siya isa iyon malaking kahihiyan sa imahe ng pamilyang Mcintyre!

------

"T- tama na p-po!" Napalingon ang mga estudyante na nakapaligid kila Jillian nang marinig ang pagmamaka-awa ng isa nanamang binubully nilang estudyante. Nandito sila ngayon sa cafeteria kumakain ng lunch. Pagkatapos na magising si Hillary ay agad nila ito pinauwi sakanila, at pinagpahinga. Kaya heto ngayon sina Jillian, Heather at Trevor bumalik nanaman sa buhay nila bilang bully.

"Sorry. Pero nasisiyahan kasi kami nang makita kang nahihirapan." Kalmadong tugon ni Jillian sa babae, habang hawak-hawak ni Trevor sa magkabilang-braso nito kaya hindi ito makapalag, o makatakbo palayo. Nakabunggo kasi nito si Jillian, dahilan para sumalampak siya sa sahig, at mapahiya sa harap ng ibang estudyante. Kaya bilang reyna ng Mcintyre University, kailangan niya turuan ng leksyon iyong babaeng bumunggo sakanya. Ganito siya kademonyo, at kadamot. Hindi niya iniisip ang mararamdaman ng ibang tao.

Malakas na sinampal ni Heather ang mukha ng babae, at marahas na winasak ang blouse na suot nito, dahilan para tumumbad sa lahat ang pagkababae nito.

Agad napuno ng tawanan, at bulungan ang paligid nila. Tinatawanan nila iyong babae, o kundi naman ay pinagbubulungan nila ang kademonyohan nila Jillian. Pero wala silang pakialam dito. Iyon naman talaga ang gusto nila, e. Atensyon.

Malakas na napatawa sina Jillian, nang isinalampak na ni Trevor ang babae sa sahig. Nakita niya ang umiiyak na mukha nito, habang tinatakpan ang kanyang harapan.

Paalis na sana sila, pero biglang natigilan si Jillian nang may mahagip ang kanyang dalawang mata sa may bintana ng cafeteria. Laking-gulat niya kung sino iyon. Iyong babae nagpakita rin kay Hillary. Siya.

"Jillian, bakit?" Nag-aalalang tanong ni Trevor nang makita niyang tila natigilan si Jillian. Napapikit si Jillian, umaasang hindi totoo ang kanyang nakita.

Pero nang pagbukas niya muli ng kanyang dalawang mata, agad siya napabuntong-hininga. Nawala na iyong babae.

Diretsong naglakad palabas ng cafeteria si Jillian, habang kasunod niya sina Heather, at Trevor na nagtataka sa inasal ng dalaga.

***

Sino kaya iyong babaeng nagpapakita kila Jillian, at Hillary? Ano kaya ang koneksyon ni Tricia sa buhay ni Yvonne? Sino kaya iyong babaeng kausap ni Sir Alex? ABANGAN...

Malapit na ang patayan! :) Next chapter na ang simula ng impyerno nila Jillian. I hope hindi kayo mabigo sa mga twists ko. And after nito, ipagpapatuloy ko na ang isa kong story na Trouble. :)

Thank you for reading. <3

~vhin.

Deadly SinsWhere stories live. Discover now