Chapter 5. A Sign of the Past.

8.2K 247 17
                                    

As I promised, another update. Bibilisan ko ang pagsulat ko nito. Haha. Enjoy reading <3

Chapter 5 of Deadly Sins. Enjoyyy

***

Pagkamulat ni Hillary ng kanyang mga mata, bumungad sakanya ang mga nag-aalalang mukha nina Jillian, Trevor at Heather. Walang ibang tao sa silid kundi silang apat lamang.

"Thank God! You're awake." Isang malungkot na ngiti lamang ang kanyang naibigay dahil sa sinabi nila Jillian.

Nadatnan kasi nila si Hillary na nakahandusay sa may Art Room. Sobra din silang nataranta, dahi sa nakita nila ang mga sugat na nasa kanyang leeg, kaya napagdesisyunan nila na dalhin ito sa ospital.

"Ano ba kasi nangyari?" Tanong sakanya ni Trevor. Pinagmasdan siya ng kanyang mga kaibigan na tila naghihintay ng isang paliwanag mula sakanya.

Bigla naman si Hillary nanginig nang maalala niya ang nakakahilakbot na mata nung babae. Parang hindi niya ito makakalimutan.

"N- nakita ko s-siya." Nauutal na sagot ni Hillary sakanila.

"Sino?" Nakakunot-noong tanong ni Jillian sakanya. Agad naman siya binigyan ni Hillary ng isang makahulugang tingin.

"Siya." Sagot nito. Tila nakuha naman ng magba-barkada ang taong tinutukoy ni Hillary. Agad sila kinabahan, at nataranta.

Pero bigla silang natigilan nang tumawa si Jillian,

"Unbelievable. For pete's sake, how many times should I explain to you guys that, we didn't kill her!" Mahina pero madiin na sambit ni Jillian sakanila.

"But still, Jillian. Tayo parin ang dahilan kung bakit siya namatay." Sagot ni Heather, na hindi rin napigilan ang sariling umiyak.

"Oh, c'mon! Okay, let's say that we're the reason kung bakit siya namatay, pero what do you guys think? Isa siyang multo na maghihiganti sa'tin?" Natatawang tanong ni Jillian sakanila.

"Hindi nalang sana natin ginawa 'yon." Napalingon sila sa kanina pang tahimik na si Trevor. Tila nakatingin ito sa kawalan, at parang may malalim na iniisip.

----

Napasinghap si Yvonne habang naglalakad siya papunta sa kanilang bahay. Kanina pa siya nakarating sa Sorsogon, at heto siya ngayon, pauwi na sa kanilang pamamahay upang bisitahin ang kanyang tatay.

Nadaanan pa nga niya yung lugar kung saan siya ginahasa ng kanyang Tiyo Lando, at ang mga kaibigan nito. Mabuti lang talaga na agad na iniaresto ang mga ito, at patay na ang kanyang tiyo. Hindi talaga siya makapaniwala na magagawa iyon ng kanyang Tiyo Lando. Ilang taon din kasi niyang nakasama ang kanyang Tiyo, kaya hindi niya rin maisip na mangyayari iyon sakanya.

"Pacing Delgado." Pagbabasa niya sa tarpaulin na nakalagay sa may lugar nila. Marami rin ang dumalo sa libing ng kanyang ina, dahil ito na rin ang huling araw ng pwede ito bisitahin. Halos karamihan din sa dumalo ay kaibigan ng kanyang nanay.

Pagkarating niya roon, ay agad siyang pinagtitinginan ng mga tao. Pero sigurado na hindi siya ng mga ito hinuhusgahan, dahil alam na nila ang katotohanan.

Agad siya nilapitan ni Aling Stella, ang matalik na kaibigan ng kanyang ina, at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap.

"Patawad sa mga panghuhusga namin sayo. Sana mapatawad mo kami. At patawad din sa pagkakawala ni Pacing. Tumulong nalang kami sa gastusin dito sa libing, para magsilbing pagpapaumanhin namin sainyo. At syempre mga kaibigan din kami ni Pacing, kailangan din namin kayo tulungan." Saad nito sakanya, at humingi ng pasensya sakanya. Nagsisisi rin ang mga tao sa kanilang lugar sa panghuhusga sakanya.

Deadly SinsWhere stories live. Discover now