02. Just Kill Me

11K 274 44
                                    

Revised. Enjoy~

***

Hanggang ngayon ay tulala pa si Yvonne dahil sa kanyang nakita kanina. Hindi niya makalimutan kung paano siya tinitigan ng babae. Hindi niya makalimutan ang dugong dahan-dahang umaagos mula sa nabasag nitong ulo.

"Uminom ka muna, Yvonne. I already called Erica and she's on her way." Sabi sakanya ni Sir Alex at binigyan siya ng isang basong tubig.

Nandito sila ngayon sa police station upang ipaimbestiga ang nangyari. Nang makita ni Yvonne ang babae ay agad siyang pinuntahan ng guards doon at pati na rin si Sir Alex na naroon pa sa faculty room sa oras na iyon.

Hindi pa rin mawala-wala ang takot na nararamdaman ni Yvonne. Ito lang ang unang beses na makakita siya ng ganoon.

"Mr. Alexander Mcintyre?" Nilapitan sila ng isang pulis, may dala-dala itong mga papeles. Agad naman itong tinanguan ng guro.

"According to our findings, Tricia Suarez ang pangalan niya. A third year student. Unfortunately, 'yan palang yung information na nakuha namin. Sa tingin namin ay nagsuicide si Miss Suarez pero kailangan pa rin namin hintayin ang lab results para ikumpirma ito." Tugon ng pulis sakanila.

Maya't maya ay bigla na dumating ang kanyang Tita Erica. Agad siya nitong yinakap at kinamusta ang kanyang kalagayan.

"Take her home, Erica. She needs to rest. I can take it from here." Sabi ni Sir Alex sakanila kaya agad na silang umalis.

Dumiretso muna sila sa isang convenience store para man lang daw magkalaman ang tyan ni Yvonne. Doon na rin niya naramdaman ang gutom.

Umupo sila sa mga upuan sa loob ng convenience store na iyon at nagsimulang kumain. Pero tila hindi makakain ng maayos si Yvonne dahil sa bawat higop niya ng sabaw ng instant noodles na binili ng kanyang tiyahin ay pilit na bumabalik sa kanyang isipan ang itsura nung Tricia.

"Ubusin mo na 'yan Yvonne. Walang kasama si Warren sa bahay." Bilin sakanya ni Tita Erica at sinabihan siyang magc-CR muna siya. Si Warren ang nagiisang anak ng kanyang tita. Kasing edad niya lang ito pero hindi ito sa Mcintyre University nag-aaral.

Tumayo na si Yvonne sa kanyang upuan at tutungo na sana siya sa cashier upang bumili ng maiinom pero bigla siyang natigilan nang may makita siyang babae sa labas ng convenience store.

Gulo-gulo ang buhok nito at tila basang-basa ang suot nitong unipormeng katulad din ng suot niya.

Pero ang nakakapagtaka dito ay bakit basang-basa ito? Hindi naman napansin ni Yvonne na umulan ng napakalakas.

"Yvonne.." Napapitlag nalang siya nang bigla niyang naramdaman ang kamay ng kanyang Tita Erica sa sariling braso. "Okay ka lang?"

Tila tumaas ang kanyang mga balahibo nang pagtingin niya muli sa labas ay wala na iyong babae.

Napailing nalang siya.

Marahil ay pagod lang ata siya. Kaya kung anu-ano nalang yung nakikita niya.

Pero hindi pa rin maiipagkaila ni Yvonne na sa pag-alis nila ni Tita Erica niya sa convenience store na iyon ay hindi pa rin mawala ang kabigatan sa kanyang dibdib.

---

Pagkapasok ni Yvonne sa kanilang maliit na bahay ay agad niyang nakita ang anak ng kanyang Tita Erica na si Warren, na abalang-abala sa pagtugtog ng gitara nito.

Deadly SinsWhere stories live. Discover now