Chapter 3. Devil's Game

8.8K 273 41
                                    

NOTE: So, tapos na ang sembreak, balik School Stuffs ulit ako. Baka mabagalan ang next updates. :( But oh well, before school resums, here's an update guys! :) Thank you sa lahat na nagbabasa nito. Pansin niyo sa isang chapter ang dami nang nangyayari? So, don't expect na medyo mahaba ito. Fixed na ang ending, hindi ko lang alam kung paano ko gagawin ang pasikot-sikot ng storya. Haha.

I'll promote din my other story na, "Trouble". For me, unique po ang plot niya. To make it short the story is about, "Two Queens. One Fight." No romance, pure bitch fights. :)

But anyway, heto na po ang Chapter Three ng Deadly Sins. ENJOY. :)

***

"Tiyo Lando..." Mahinang sambit ni Yvonne, nang makita ang kanyang tiyo na nakatayo sa kanyang pinto. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa utak ni Tiyo Lando na magbisita ito sakanya. Gusto niya itong sampal-sampalin at patayin dahil sa ginawa nito sakanya noon.

Kahit medyo madilim na dahil sasapit na ang gabi, nakita niya parin ang isang nakakalokong ngiti sa mga labi ng kanyang Tiyo Lando.

Meron itong inihagis na isang bag sakanya, na agad niya naman nasalo. Napakunot ang kanyang noo, dahil sa ginawa nito. Bilugan ang laman nito, medyo may kabigatan, at may masangsang na amoy. Agad naman siya nagtaka kung ano ang laman nito.

"Ano kailangan mo?" Matapang na tanong niya sa kanyang Tiyo. Agad siya napaatras nang humakbang ito papunta sakanya.

"Mayroon lang akong ibabalita sa iyo. Buksan mo na yang bag. Para malaman mo kung ano ito."

Hindi na si Yvonne sumagot, at dahan dahan binuksan ang bag. Napatawa naman si Tiyo Lando nang makita ang tumutulong luha na galing sa mga mata ni Yvonne, pagkatapos makita kung ano ang laman nito.

"Hayop ka! Wala kang awa!" Walang pagdadalawang-isip si Yvonne na sugurin si Tiyo Lando. Pinagsusuntok niya ang dibdib nito, pero tila walang epekto iyon sa kanyang Tiyo Lando.

Agad napaupo sa sahig si Yvonne nang itulak siya nito. Nahulog naman ang bag, at gumulong sa sahig ang laman nito. Hindi kaya ni Yvonne makita kung ano iyon. Hindi niya kaya makita ang gumugulong na pugot na ulo ng kanyang ina!

"Hayop ka! Demonyo!" Mariin na sigaw ni Yvonne sakanya. Pero hindi sumagot ang kanyang Tiyo, sinampal lang siya nito, dahilan para mawalan din ng lakas si Yvonne.

"Oo, Yvonne. Isa akong demonyo! Pero ginawa ko iyon para hindi ako makulong! Nalaman kasi ng haliparot mong nanay ang ginawa namin sayong pambababoy! Kaya ayon, pinatay ko nalang siya. At pumunta ako sayo para ibalita sayo na wala na ang haliparot mong nanay!" Tila baliw na kwento ng kanyang Tiyo sakanya. Sinubukan niyang tumayo, pero hindi na niya talaga kaya.

"Naalala mo pa ba nung hiwalayan ako ng aking kasintahan na si Wendy?! Hiniwalayan ako non dahil sa nanay mo! Binantaan niya si Wendy para layuan ako. Bakit? Dahil yang nanay mo, mahal na mahal ako! Hindi bilang isang kapatid, kundi mas higit pa doon! Pinilit niya akong makipagtalik sakanya, kung hindi ko iyon ginawa papatayin niya raw ako, pati na rin si Wendy!" Naiiyak na paliwanag nito sakanya. Alam na niya na nawalan na ito sa tamang pag-iisip. Alam na niyang nababaliw na ang kanyang Tiyo.

Deadly SinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon