PROLOGUE

77.5K 1.1K 114
                                    

Madiin ang pagkakahawak ko sa tinidor habang kumakain kami sa isang restaurant. Hinihintay namin ang Apo ni Yaya Chedeng na magiging kasama ko habang pinagdudusahan ko ang punishment sa'kin ng parents ko.

Ngayon pa lang bibigyan ko siya ng bagsik ng pagiging Maldita ko.
I can't imagine na titira ako sa bahay ng mga hampaslupa sa mga taong Java sa mga Exotic people. Grrr!

"Ayusin mo ang sarili mo Fritzie." Sabi ni Mommy.

Hindi maipinta ang mukha ko sa inis. "I hate you Mom."

Tinitigan ako ng masama ni Mommy. Kapag hindi mo inayos ang mukha mo makakatikim ka sa'kin ng sampal at sabunot infront of crown people. Dare?" Nakataas pa ang kilay niya.

Nagpupuyos ako sa galit ngunit wala akong magawa kung hindi ang magpanggap na okay. Ngingiti kahit asar na asar na. Kilala ko si Mommy, gagawin niya ang sinabi niya.

"Why you do this to me Mom? It's unfair."

"Wag kang masyadong over acting pareho kayo ng kuya mo na binigyan ko ng punishment."

"Pero bakit si Kuya John Axle nasa mansiyon ako wala."

"Gusto mo ba sa ilalim ng tulay tumira?"

Umiling ako. "No, Mommy."

"Be good to him okay?"

"Him? Lalaki ang kasama ko sa bahay? Mommy naman! Nasisiraan ka na ba ng bait? Gusto mo akong tumira na kasama ang lalaki? Sa sobrang ganda ko, sexy, hot at mayaman, baka kung anong gawin niya sa'kin."

"Don't worry safe ka sa kaniya." Pinagpatuloy ni Mommy ang pagkain.

"How did you know Mom? Halos lahat ng lalaki pinapangarap ako. Ayokong tumira sa lalaking sinasabi mo. Over my Goddess beauty and sexy hot body."

Tumaas ang kilay ni Mommy. "So what?"

"Mommy!" Maktol ko.

"Nandiyan na siya be good to him." Sabi ni Mommy.

Diniinan ko ang pagkakahawak ko sa ketchup at hinintay na makalapit ang ponsopilatong sinasabi ni Mommy.

"Good morning Ma'am Ally."
Narinig ko sabi sa likuran ko.

Tumayo ako at ibinuhos ko sa ulo ng lalaki ang ketchup habang nakatalikod siya sa'kin. "Bagay 'yan sa'yo!"

"Fritzie Hanna!"

Nameywang ako habang nakataas ang kilay kong inaabang siyang lumingon.

"It's okay Ma'am Ally." Pagkatapos lumingon siya sa'kin.

Natulala ako sa nakita ko. He's not ugly creature. He's handsome pero siyempre hindi ko ipinakitang gwapo siya sa paningin ko.

"Rafael, sorry sa naging ugali ng anak ko." Kinuha pa ni Mommy ang tissue upang punasan ang buhok ng lalaki.

"Fritzie Hanna, say sorry to him."

Tumaas ang kilay ko. "Fyi it's not my intention. It's an accident." Alibi ko.

"Wag ninyo na po pilitin na humingi ng sorry ang anak ninyo Ma'am Ally, alam ko namang masama ang ugali niya sayang may itsura pa naman siya." Sabay tingin sa'kin.

Halos umusok naman ang ilong ko sa asar. He said may itsura lang ako? Bastard! Anong palagay niya sa'kin tae may itsura!

Gigil na gigil akong lumapit ako sa kaniya. "Bastos!" Sasampalin ko sana siya pero napigilan niya ang kamay ko.

Matalim ang tingin niya sa'kin. "Kaya nga binibigyan ng punishment kasi sobrang sama ng ugali mo!" Pinisil niya ang kamay ko.

"Mommy! Sinasaktan niya ako."

"Maiwan ko muna kayong dalawa." Parang walang narinig si Mommy.

"Mommy!"

"See kahit Mommy mo suko sa ugali mo!" Sabay bitaw niya sa kamay ko. Muntik na akong matumba.

"Bastard! Isusumbong kita sa mga kuya ko!" Tumalikod ako sa kaniya upang umalis ngunit muli niyang hinablot ang kamay ko.

"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko.

Halos sa'min na nakatingin ang mga tao sa loob ng fast food chain.

"Sino nag sabi sa'yong umalis ka?"

"Who the hell are you! Wala kang pakialam sa'kin. Help! Help!" Sigaw ko.

Bigla niyang binitawan ang kamay ko. dahil papalapit sa'min ang security guard. Nagkatitigan kaming dalawa.

Pang-asar akong ngumiti sa kaniya.
"You have no right to stop me. you're just a poor guy." Kumukha ako ng pera sa wallet ko at hinagis ko sa kaniya. "Eat my money bastard!" Sabay  tawa ko ng malakas habang naglakad ako palabas.

November 3 2019

Senyorita Malditah (THE LAST SANTIAGO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon