I-3: Alas-dos

3.4K 273 96
                                    


***

"Ano 'yang dala n'yo?" Nakasunod ang tingin ko sa bitbit nina Nasus at Greg nang mapagbuksan ko sila ng pinto.

Seryoso ang mukha at mabigat ang siguradong mga hakbang na pumasok sila sa kuwarto. Hinatak ni Greg ang upuan sa study table ko at alertong naupo roon. Si Nasus naman ay sa tagiliran ng kama ko.

Isinara ko ang pinto. Ano kaya'ng iniisip ng dalawang 'to at ganito ka-Biyernes Santo ang mukha?

"Panangga 'tong bitbit namin," sabi ni Greg. Inilatag niya sa study table ko ang isang manikang walang mukha, isang bilog na medalyon na may mga ukit, at isang maliit na music box na siguradong hindi niya alam na haunted item.

Ipinatong naman ni Nasus sa kama ang isang prayer beads ng mga monghe at isang nakaikid na buntot pagi. Wala ang rosaryong sinasabi niya... maliban kung rosaryo ang tawag niya sa prayer beads.

Kinurot ko nang maliit ang braso ko para pigilan ang halakhak na hindi ko maipit sa lalamunan. I shouldn't laugh. It's not wise to laugh. It's childish to laugh but...

Dalawa silang sumimangot nang bumulanghit ako ng tawa. Masikip ang tiyan ko sa adobong ulam ng hapunan. It made laughing difficult.

"Nabaliw na yata si Sibyl, Nasus," sabi ni Greg. " 'Kala ko, sabi mo, okay pa naman siya nang mag-usap kayo kanina?"

Umiling lang si Nasus habang nakatingin sa 'kin. "Ewan ko diyan."

Ilang minutong tumatawa lang ako. Habang tumatagal ang paghihintay nila sa dapat ay pagtigil ko, lalo silang napapasimangot. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang ibalita sa kanila na walang silbi ang mga dala nila sa kumakatok sa 4F. At na nagyayaya sila ng aswang at iba pang multo kaysa gumagawa ng depensa.

"Hoy, babae, ano na?" untag ni Nasus. "Baka masamid ka sa sarili mong laway, 'oy."

Sobrang posible no'n dahil komedyante sila. Hindi ko in-expect.

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. "Una sa lahat... gamit ng mangkukulam ang manikang bitbit mo, Greg." May charge iyon ng parehong positibo at negatibong enerhiya pero hindi iyon makatutulong kaninuman sa amin ngayong gabi. Mas okay kung makukumbinse ko siyang i-discard na lang 'yon. "Ipares mo lang 'yan sa tamang kandila at gamitin sa eksaktong ritwal, certified mangkukulam ka na. Sino'ng nagbigay niyan sa 'yo?"

Pinitik ni Greg palayo sa kanya ang manika. "May nagbigay lang. Noon."

"Girlfriend? Ex-girlfriend? Buhay pa?"

Lumunok lang siya.

"Okay, don't tell me. Pero pagbalik mo sa kuwarto mo bitbit 'yan, ibalot mo sa itim na tela at itagong mabuti. It's not good to keep it near you."

Hindi siya umimik.

" 'Yong medalyon, hindi ko alam ang nakaukit pero..." wala 'yang healing o kahit defensive energies "mas safe sa 'yo kung itatago mo na lang din muna. Lastly... 'yong music box... uhm..."

Nakatuon sa 'kin ang mata nilang dalawa. Naghihintay ng sasabihin ko pa.

"Masama ang pakiramdam ko sa music box mo," sabi ko. "Parang may multo din diyan."

Alertong napatayo si Greg at lumipat ng upo sa tabi ni Nasus. Ako ang naupo sa silya sa study table at nagtabi ng mga gamit niya sa tagiliran ng mesa ko.

"Ba't... Pa'nong..." si Greg.

"Ano?"

"Ba't parang marami kang alam?" untag ni Nasus. "Mangkukulam ka nga? Espiritista? Ghost Buster?"

DORM No.4F (Strange Encounters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon