KABANATA 35

Start from the beginning
                                    

At dahil sa sagot niyang yun ay napamura ako sa'king isipan. Hindi ko talaga matandaan na pumayag ako na may mangyari samin. alam kong marupok ako pero..




Paano si bria? paano kung nalaaman niyang niloko ko siya? paano kung masaktan ko siya? paano kung-..




Napatigil ako sa aking pag-iisip ng bigla kong matandaan na wala na nga pala kami ni bria. Eh ano naman kung nalaman niyang may nangyari samin ni devon? hindi naman magagalit yun.





"Tapos na akong magbihis? bakit hindi kapa nagbibihis?" Muling lumantad si devon sa'king harapan.





Tumayo ako at hindi pinansin ang kakaibang tingin ni bria sa'king hubad na katawan. tsaka pumunta sa cr para duon na magbihis.




Matapos kong magbihis ay bumaba na ako dahil hindi kona nakita si devon sa kwarto ibig sabihin nasa kusina lang ito.





"Oh hey let's eat muna." ngiti niya agad ang sumalubong sa'kin pagkababa ko.





Sandali akong napatitig kay devon. mabait siya at maganda nasa kaniya na ang lahat ng hinahanap ko pero kung nagtagal pa siguro kami hindi ko makikilala si bria edi sana hindi ako masasaktan ng ganito.




"Tch! I know uno, I know na maganda talaga ako kaya stop that" sabay palo niya saking braso dahilan ng paghiwalay ko ng titig dito.





Umupo na kami at nagsimulang kumain tahimik lang kami habang ako ay iniisip pa rin kung anong gagawin ko sa sitwasyon namin ni devon, Paano kung may hindi inaasahang pangyayari?.




"Ahm.. Uno? Okay ka lang ba?" Mula sa tahimik ay binasag ni devon ang katahimikang namumuo sa'min. ewan parang lalo lang nadagdagan ang pagkailang ko kay devon lalo na may nangyari pa sa'min.





"Oo naman" maikli kong sagot sabay ngiti ng pilit sa kaniya.




"By the way? Sinisigaw mo yung pangalan ni- nevermind kain na lang tayo" Bigla akong napatingin sa kaniya.





Hindi kona lang siya kinulit kung anong dapat siyang sasabihin, ang dami kong iniisip yung samin ni devon at higit sa lahat si bria.




Wala eh kahit anong gawin niyang pananakit sa'kin siya pa rin talaga sabihin niyo nang marupok, tanga wala na akong pake basta ang alam ko sa sarili ko na mahal ko talaga si bria. meron lang talagang mali sa sitwasyon naming ito.




Hindi pa man ako tapos kumain ay tumayo na ako dahilan para mapatigil sa pagkain si devon.




"Wait? Aalis kana agad? hindi ka pa tapos kumain." Tumayo na din si devon medyo lumayo lang ako ng konti.





"May kailangan lang akong gawin" pagdadahilan ko sa kaniya.





Nakita ko sa mga mata niya ang pagkadismaya pero agad ding nawala yun at napalitan ng mapang-akit na tingin sa'kin.




Lumapit ito sa'kin habang may mapaglarong ngiti sa kaniyang labi. kaya naman napa atras ako.





"I think.. Hindi kita papayagang lumabas unless..." hindi ko inaasahan na hihilain niya ako palapit sa kaniya kaya wala akong nagawa kundi ang magpa ubaya.




Mapupusok na mga halik ang binibigay sa'kin ni devon pero ako parang na stroke lang at walang pake sa ginagawa niya





Ilang sandali pa ay tumigil ito't tumingin sa'kin na para bang sinasabi na halikan ko siya pabalik pero umiling lang ako.





"Fuck!" nagulat ako ng nagsisigaw ito at napaupo sa sahig.





"Dev" Bigla tuloy akong na guilty sa ginawa ko. dahil sa'kin nagkaganito si devon.





"Ganun ba'ko kahirap mahalin? Ha uno?" Mahinang tanong niya sakin agad naman akong umiling bilang sagot.






"Kung ganun, bakit hindi ako ang piliin mo? bakit siya pa rin kahit masakit na? bakit?" Nagsimula ng umagos ang kaniyang mga luha kaya lumuhod ako para magpanfag kaming dalawa.







"Devon.. Hindi ko alam ang isasagot sa mga sinasabi mo pero dev, ayaw kitang masaktan-" Nagulat ako ng tumayo ito at tumingin sa'kin ng masama.






"Idiot! You hurt me already!" Pabalang niyang sabi sakin at ayan nanaman yung mga luba niyag ayaw tumigil.







Nasasaktan ako sa nakikita ko, isang babae na umiiyak dahil sa'kin? dahil sa pagbibigay ko ng pasakif sa kaniya. pero wala akong magagawa alam kong may taong nakalaan para sa kaniya at hindi ako yun.







"Devon,-" Hindi pa man ako tapos magsalita ay pinutol na agad niya ito ng isang tanong.






"Now tell me? Siya pa rin ba? siya pa rin ang pipiliin mo?" nakaya pa niyang magtanong kahit pumipiyok na siya at yung mga luha niya.








At sa tanong niyang yun ay para akong matatanggalan ng hininga sa oras na mali ang isasagot ko.





"Hindi mo-" Umiling ito at marahang pumikit habang pinupunasan ang mga mata sabay tingin ulit sa'kin.






"Don't deny it uno! Alam kona ang sagot" Iling na sabi pa nito at tumawa ng pagak.





"I'm so stupid, Bakit ba kasi pinakawalan pa kita? edi sana akin ka pa hanggang ngayon, at ang tanga ko lang din para bumalik sayo pero ito ka! May mahal nang iba at alam kong hindi ako yun" Mahabang sabi niya.







Ilang sandali pa ay tumango tango pa ito "Leave me alone please" Paki-usap niya sa'kin pero para akong tanga na hindi nakinig sa sinabi niya





"I said leave me alone... please" pasigaw na niyanv sabi sa'kin.







"Pero dev hindi kita pwedeng-" Isang nakakatakot na titig ang ipinakita nito kaya wala na akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya.







Pagkalabas ko ay narinig ko na may nabasag at kasunod nun ang malakas na sigaw na nangagaling sa bahay ni devon. Tikom ang bibig na umalis ako sa lugar na yun.





































•••

Happy halloween! peps!!!

kailangan happy din yung mga readers ko dito💖

Dahil hindi ko kayo matiis mga babes ayan nag ud na ako, syempre alam ko kung paano maghintay ng matagal tapos wala pala. btw mag enjoy sana kayo sa pagbabasa kung hindi wapakels djk lang😂



Road to end HAHAHA.

Kung nasiyahan kayo sa pagbabasa. iclick niyo lang si starla bilang boto HAHAHA k bye 😘

𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪Where stories live. Discover now