Chapter III

234 3 0
                                    

Chapter III

Lumabas na ang dalawa sa bar, pero may nauna na sa kanila.

Kasalukuyan siyang nakasakay sa backseat ng isang sedan at walang malay tao.

"Turn right at Manolo street..." instructed the navigation app. "Then left at the next corner..."

"Left at the next corner..." ulit ng lalaking nagmamaneho ng sasakyan.

Lumiko siya sa kanto at tumigil sa harap ng isang high rise condominium. Itinigil n'ya ang kotse sa tapat nito at lumabas ng sasakyan. Pumunta siya sa passenger seat at tinapik-tapik ang pisngi ng babaeng tulog na tulog pa rin sa likod.

"Miss?" tawag niya bawat tapik, "Miss, wake up, nandito ka na sa condo mo."

"Mmm..." ungol ng babae na napakunot ang noo. "...alarm off..."

"Miss, gising na..." sabi 'uli ng lalaki.

Dahan-dahang bumuka ang mata ng babae, sa wakas. Unti-unting nag-focus ito sa malabo'ng mukha ng lalaki sa harap niya.

"Sino...?" tanong nito.

"Ah, buti at gising ka na," sagot ng lalaki, "Nalasing ka, kaya naisipan kong ihatid ka dito sa condo mo..."

"Condo...?" tanong 'uli ng babae.

"Sir, matagal pa po ba kayo?"

Napalingon ang lalaki as guard ng condo na nakasilip sa kanila.

"Umm... pasensya na kuya... lasing kasi itong kasama ko..." sabi ng lalaki.

"Aba! Si Ma'am Dianne pala 'yan!" sabi ng guard na napangiti. "Nagpuyat nanaman po ba s'ya sa opis?" tanong nito.

"Umm... hindi ko po alam, pero, for now, lasing siya." sagot ng lalaki.

"Ha? Hindi naman umiinom si Ma'am Dianne, ha?" sabi ng guard na napakunot ang noo.

"Ganoon, po ba?" pilit ang ngiti ng lalaki na humarap sa guard. "P'wede n'yo po ba akong tulungan para mauwi s'ya?"

"Paki-tabi na lang po muna ang sasakyan n'yo, Sir, nakaharang kasi sa daanan." sabi ng guard.

"Eh, si Ma'am Dianne po," nakitawag na rin siya sa pangalan ng babae, "Patulong po para mailabas ko s'ya."

"Naku, pasensya na po," sabi 'uli ng guard, "Naka break pa po ang kasama ko, nag-iisa lang ako dito ngayon, at kailangan ko pang alalayan ang ibang sasakyan na papasok." tinuro niya ang tatlong sasakyan na naghihintay sa likod ng sedan ng lalaki. "Ayan nga po, o, dumadami na sila!" dagdag ng guard.

"Haay..." napabuntong hininga na lang ang lalaki, "Okay, sige, itatabi ko muna ang sasakyan ko."

"Salamat po sir, sa kaliwa po ang visitor's parking."

Bumusina ang mga sasakyang naghihintay sa likod. Kumaway sa kanila ang lalaki, humingi ng paumanhin, at saka sinarang muli ang back seat bago bumalik sa likod ng manibela.

"Miss, bangon na!" sabi n'ya sa babae, matapos mai-park ng maayos ang kotse.

"Mmm..." muli itong umungol, "Napasa ko na ang final report..."

"Okay, sige, ngayon, kailangan mo nang umuwi sa bahay." sabi ng lalaki na marahang iniupo ang babae sa backseat. "Halika na, uwi ka na."

Inalalayan n'ya si Dianne tumayo. Sumunod ito sa kanya, bahagyang nakangiti at nakayapos sa kanyang dibdib.

"Ikaw ba ang donor ko?" tanong niya sa lalaki.

"Yep, and now it's time to go to bed." naki-ride on siya sa trip ng lasing.

Tatlong MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon