Chapter I

577 3 0
                                    

Chapter I

"Okay, so, may tatlong babaeng pumasok sa bar..."

"Bar joke nanaman?!"

"Bago to!"

"Ay nako pare, lasing ka na!"

"Basta, makinig kayo!"

"O, sige na nga, go!"
"So, pumasok nga sa bar ang tatlong babae, yung isa bata at sariwa, yung pangalawa, mukha nang nanay pero may asim pa, yung huli, matandang matrona. Tapos tinanong nila nung bartender...

'Magkano beer?'

Sagot ng bartender, '120 pesos po per mug.'

Nagulat yung bata, sabi 'Mahal naman kuya! Sa fave bar ko, 180 pesos ang draft, buy 3 take one!'

Sabay singit ng mukhang nanay, 'Sa favorite bar ko, okay na yung sa bote, 85 pesos lang, buy one take one.'

Nagpasikat naman 'yung matrona, 'Naku, wala 'yan!' pagyayabang nito, 'Gusto n'yo, bottomless beer? Libre lahat! May romansa pang kasama!'

Nagulat ang bartender, 'Ho? Saan po 'yun?!' tanong n'ya.

Napangiti yung matrona, 'Sa bahay ko, sama ka?' sabay kindat sa bartender na kinilabutan sa itsura niya!

"Nya-ha-ha-ha!" pilit na tumawa ang magkakaibigang nag-iinuman.

"Korni mo talaga 'tol!" sabi ng isa.

Habang nag-iingay sila sa isang tabi, may tatlong babae ngang pumasok sa loob ng bar. Hindi sila magkakasama, ni hindi magkakakilala, nagkataon lang talagang nagkasabay ang pasok nila. Lahat sila ay may hinahanap, pero hindi pa nila alam kung ano iyon.

Ang unang pumasok ay mukhang 'barely legal'.

Masyado pa'ng bata ang itsura nito, kahit may katangkaran, with her thick lashes and pouty lips, pero may dala siyang ID na nagpapatunay na 18 na siya. Sexy siya, sariwa, mukhang single and ready to mingle. Mahaba ang buhok niyang itim, diretso ang bagsak lampas sa balikat niyang nakalabas sa suot niyang off-shoulder one piece dress na hanggang kalahati ng hita. Tumingin-tingin s'ya sa paligid, umiindak sabay sa maingay na tugtog at dumiretso sa bar.

Alam n'yang sinusundan s'ya ng mga mata sa paligid, and that's exactly how she wants it. Hindi n'ya tinawag ang bartender para umorder, sa halip ay lumingon-lingon s'ya na parang may hinahanap. Nahuli ng isang lalaki ang tingin n'ya at bahagya s'yang nginitian nito. She smiles back, playfully, then looks away.

Ang pangalawang babae ay bata-bata pa, siguro nasa late 20's to early 30's. May itsura s'ya, nakapusod ang brownish na buhok at nakasuot ng navy business suit. Mukhang mas gaganda pa siya kung mag-aayos siya. Dumiretso s'ya sa bar, hindi tumingin sa kung saan man, at agad omorder ng gin with tonic.

Ang ikatlong babae ay mukhang naliligaw. Napatingin s'ya sa grupo ng magkakabarkadang nagtatawanan sa tabi at napa kunot ang noo. Naghanap s'ya ng libreng upuan at nang walang nakita ay tumingin sa may bar. Nagdalawang isip s'ya bago lumapit dito at naupo sa gitna ng dalawang babaeng nauna sa kanya.

She's the type you wouldn't give a second glance, until you see her face. Maganda siya kahit walang makeup, at lumalabas iyon kahit medyo magulo ang buhok n'ya'ng nakatali at makapal ang salamin na tumatakip sa malalaki niyang mata. Simple lang ang kan'yang gray blouse at slacks at flat shoes .

"So, what will you be having?" tanong sa kanya ng bartender.

"Umm..." napatingin ang babaeng nakasalamin sa cocktail menu sa harapan n'ya. "Sandali kuya ha, pipili lang ako..." sagot niya. "Hmm... ano bang masarap..."bulong niya sa sarili.

Tatlong MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon