"Ganito ba ang pag-ibig? Sa umpisa lang masarap, tapos pag umaasa ka na, bigla kang sasaksakin nang walang pasabi-sabi?!" suminghot siya. "Sana pala hindi na lang ako umibig... sana talaga nag one-night-stand na lang ako... pero... hindi ko naman inakalang mai-in love ako... kahit pa mas bata s'ya sa akin... kahit pa pinipilit kong hindi s'ya mahalin... dahil..." muli siyang suminghot, "Kung 'di 'to pag-ibig, bakit ang sakit-sakit?!" Ito ang kuwento ng tatlong babae na nagpunta sa isang bar. Ang una ay naghahanap ng aliw. Ang pangalawa ay naghahanap ng tulong. Ang ika'tlo ay wala nang paki kung anu man ang mahanap niya. Makamit kaya nila ang kanilang minimithi? (edited manuscript, 2nd pass, uncensored) *cover art taken from Paete Artists of SM Art Center