Chapter 21: Duel Battle cont.

1K 52 0
                                    

Natahimik ang mga immortal malapit sa amin at ang  nakapansin.Ako'y napalunok ng tumayo si Nestle,sinalubong nito ang prinsepeng walang ganang naglakad papunta sa aming kinaruruonan.Binigyan ng walang buhay na mata ng prinsepe ang babaeng umuusok ang ilong sa kanyang harapan.Napatayo ako bigla ng sinigawan ni Nestle ang prinsepe at ito'y kanyang tinutukan ng wand sa mukha.

"IKAW!Bakit mo ginawa yun hah?Porket isa kang prinsepe,gagawin mo na yun hah?Tignan mo ang ginawa mo sa damit ko,walanghiya kang hambog ka.Gagawin talaga kitang palaka,apoy ka."Hinihintay ko ang gagawin ng prinsepe subalit tinignan lang niya ito mula ulo hanggang paa.Tumaas ang kilay ng prinsepe at umangat ang gilid ng labi habang walang buhay niyang tinitigan si Nestle.Pagkatapos ay humakbang  ng isang beses paatras at nilampasan niya si Nestle na may kasamang pagbangga sa balikat.Napaatras si Nestle sa ginawa ng prinsepe at lumingon sa likod ng prinsepe habang namumula ang mukha sa galit.Nakita kong napayukom ang kamay ni Nestle na may hawak na wand,sa isang iglap ay tumilapon sa intablado ang prinsepeng kalmang naglalakad kanina.Hindi makapaniwalang tiningnan ko si Nestle na may ngiti sa labing waring nasisiyahan sa kanyang ginawa.

Napalinga ako sa arena nang aking napansing tumahimik ang buong paligid.Walang mababakas na ingay mula sa mga ito,kagat labi akong tumingala sa ere na kung saan ang mga maharlika nakaupo.Makikita sa kanilang mga mukha ang gulat at pagkamangha,napatayo ang ibang prinsesa habang nanlalaki ang mata at napahawak sa kanilang bibig.Ang ibang prinsesa naman ay napataas ang kilay at matalim na sumulyap kay Nestle.Napabaling ang aking tingin sa mga prinsepeng nakaupo habang nagpipigil tawa at ang iba'y napahalakhak na.

Ngunit ang aking mga mata'y napatingin sa magkatabing prinsepe,nakadikwatro ang isa habang walang buhay tumingin sa intablado na kung saan si Prinsepe Feno ay nakatayo habang pinalibutan ng usok.Kunot noo namang tinignan ng isang prinsepeng nakasandal sa upuan at mga kamay nito ay nasa dibdib.Napabalik ang aking atensiyon sa intabladong narinig ko ang malutong na mura galing sa prinsepe.

"Fuck."Kasabay nito ang paglingon niya sa aking kaibigan na nakatayo parin habang napataas ang kilay nitong sinalubong ang nag-aalab na mga mata ng prinsepe dahil sa galit.

"You witch, how dare you to do that me,huh?"

"You apoy,how dare you too to do that to me,huh?"Umuusok naman ang ilong ng prinsepeng marinig ang salita mula kay Nestle na nakapamiwang at inikot ang kanyang dalang wand sa harap ng mukha.

"Fuck you,mangkukulam ka."

"Sorry hindi ako pumapatol sa isang hambog at walanghiyang prinsepe eh."Susugod na sana si Prinsepe Feno nang lumitaw sa kanyang likuran si Prinsepe Caelum at hinawakan ang kwelyo nito sa likuran.

"Stop that bullshit,Quanfir.You're disgusting."Usal nito gamit ang malabangkay na boses,nakita ko namang nanlaki ang mga mata ni Prinsepe Feno at lumingon sa prinsepeng humawak sa kanyang kwelyo sa likuran.Bago ito magsalita ay nawala sila parang bula sa intablado.Napatingin ako sa mga maharlikang nakaupo sa lumulutang na mga upuan,nagwawala si Prinsepe Feno sa kanyang upuan habang ito'y hawak nina Prinsepe Caelum at Prinsepe Alasdair,pilit makawala sa hawak ng dalawa.Napailing naman ang iba sa nangyari.

Lumingon ako sa babaeng nakatayo parin at nakataas ang kilay,lumapit ako sa kanya at binalewala ang mga tinging nakamasid sa amin.Sa aking paglapit sa kanya ay mabilis ko itong hinawakan sa kamay at hinila papunta sa aming iniupuan.

"Bwiset talaga yung lalaking yun,imapakto,hambog,pangit, dragon."Maktol ng aking katabi at pinapalo-palo ang kanyang hita.Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya at lumingon sa akin.

"Ano?"tanong nito sa akin,napailing naman ako sa kanya at ngumiti.Muling tumingin sa intablado dahil magsisimula na ang Duel Battle.

"Ang tapang mo,Nestle."Mahina kong usal na sapat lang niyang marinig.

"Aayy dapat lang noh,sa mukong na yun?Di ako papatol?Heh,neknek niya."Pansin ko lang?Bakit galit na galit ito kay Prinsepe Feno?

"Good morning ladies and gentlemen and now,we will start our first day of Duel Battle.Once I call your name,please proceed in the stage immediately.And now,the lucky names who will first show off their capacity and determination to become a great warriors in stage are Anne Piqur vs. Crisel Collin, an elf vs. vampire."

Pumunta sa intablado ang dalawa,may pana't palaso ang babaeng elf habang ang kanyang kalaban ay nakaitim at naka-pusod ang buhok.Sa kanilang pagdating sa intablado,sila ay may destansiya sa isat-isa,nang tumunog ang maliit na kampana'y agad napahigpit ang hawak sa pana ang elf at kumuha ng palaso sa likod.Ang bampira naman ay namumula ang mga mata at mabilis tumakbo papuntang sa elf.Pinaulanan naman ito ng palaso habang iniwasiwas na parang hangin ang sarili upang hindi madakip ng bampira.Mabilis ang katawan ng bampira,madali niyang naiwasan ang mga palasong lumilipad papunta sa kanya. Pagdating niya sa harap ng elf ay hinawakan niya ito sa leeg ngunit agad siyang sinipa sa bandang tiyan,tumilapon sa kabilang banda ngunit agad ding tumayo't tumakbo papuntang elf habang pinahaba ang mga kuko.Tumalon ang elf sa ere nang sinubukang dakpin na naman siya ng bampira,napaluhod siya sa intablado ng siyang dumapo,akala ko'y matatalo siya dahil mabilis kumilos ang bampira sa kanyang likuran upang siya'y sunggaban ngunit agad niyang naisaksak ang matalim na nasa dulo ng kanyang pana sa tiyan ng bampira.Bumagsak ang bampira sa kanyang likuran at siya'y tumayo,tiningnan niya ang bampirang nakahiga na sa intablado at hinawakan ang pana at yumuko.Nagsilapitan naman ang mga mang-gagamot kadalasan ay galing sa Agua Kingdom at Atreia.

"Wow,ang galing talaga nilang humawak ng pana."Bulalas ng aking katabi.Hindi ko akalaing may ibubuga pala ang mga Elf subalit sila kung titigan ay mahinhin.

Umabot ng gabi ang Duel Battle ngunit hindi pa tinawag ang aming mga pangalan.Nasa bayan parin kami ni Nestle kasama ang iba galing sa arena,kami daw ay kakain muna bago uuwi sa Aestherius.Luminga ako sa paligid upang pagmasdan ang mga immortal na naglalakad at mga kabahayang pinalibutan ng mga alitap-tap.May mga poste sa magkabilang gilid ng daan,malayang nagliliparan ang mga night fairies sumasabay sa amin at sinag ng buwan ang nagbibigay liwanag sa buong paligid.

Tumungo ulit kami sa Alfr Restaurare,ang pagkainang nagpapakunot noo sa akin.Sinundan si Nestle habang ito'y nagpalundag-lundag kakalakad waring ang saya-saya niya ngayong gabi.Sa aming pagpasok,madami ng immortal ang kumakain,nahihirapan kaming maghanap ng bakanting upuan sapagkat halos ay may nakaupo na.Malaking pasasalamat ang aming nagawa dahil may nakita kaming bakanti sa sulok ng pagkainan,may pagitan ito sa mga ibang mesa at walang kasama.Sa kadiliman ito ng bahagi ngunit sinawalang bahala nalang namin at kami ay dumiretso doon.

Lumapit naman agad ang engkantado sa amin nang kami ay nakaupo,inilista ang aming nais na kainin sa hawak niyang dahon at ito'y lumisan sa aming harapan.Tumungin ako kay Nestle na ngayon ay naghuhuni sa aking harapan habang ang mga daliri nito'y nasa mesa at iginagalaw-galaw.

"Nestle."Kuha ko ng pansin sa kanya,lumingon naman ito sa akin habang nakataas ang mga kilay at naghihintay sa aking sasabihin.

"Bakit parang ang laki ng galit mo kay Prinsepe Feno?"Sumama naman ang mukha niya sa aking tanong at bumusangot.

"Hay naku,sa totoo lang talaga darling,kaya ayaw ko sa kanya kasi napakayabang at ah basta ayaw ko sa kanya,period."Pagkatapos niyang sabihin yun ay dumating din ang engkantado dala-dala ang aming pagkain.Inilagay niya ito sa mesa at yumuko sa amin.Ngumiti kami sa kanya bago siya umalis.

Matapos naming kinain ang nakalatag sa mesa ay lumabas agad kami.Sa aming paglabas, marami paring immortal ngunit nakaagaw ng pansin sa aking mga mata ang nasa malapit sa puno.Hindi ko alam kung ano ang kanyang ginawa,may kapa siyang suot at may tabon sa kanyang mukha.Hindi ko alam kung nagmamalikmata lang ba ako o guni-guni ko lang ba na ito'y nakatingin sa aming pwesto,hindi ko alam kung sino ang kanyang tinitigan ngunit ramdam ko ang kanyang kakaibang titig na nagdulot sa akin ng kaba katulad nung ako'y nasa beranda.Napaatras ako ng kunti dahil napansin kong ako nga ang kanyang tinitigan.

"Ooyy,ayos ka lang?"Napalingon ako kay Nestle at ito'y nakakunot ang noo.Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.Sa aking paglingon sa banda na kung saan ang immortal ay wala na akong nakitang pigura o anino.

Sino yun?Banta ba siya o hindi?

Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon