Chapter 13: Alice

1K 83 1
                                    


"Dito ka lang,Yvonne."

Pakiusap ko kay Yvonne,tumango naman ito at ipinagpatuloy ang pagkagat ng tinapay.Tumayo ako at tumingin sa yapak nagmula sa hagdan.Nakasuot ito ng sumbrerong matulis ang dulo,nakabutas at may maikling palda.Napakunot ang aking noo kung paano magdala ng damit ang mga middle class ang antas.Hindi ba sila mahihipuan diyan? Napailing nalang ako sa aking naisip.

"Dito ka lang,Yvonne.Wag kang mag-alala may proteksiyon naman itong bahay ko if may masamang nilalang ang magtangkang pumasok."

Pagkarating niya sa aking harapan,inayos ang suot nitong sumbrero.Sinuklay ang buhok na may haba hanggang bewang gamit ang kanyang mga daliri.

"Tara na."Tumango ako at sinundan siya papuntang pintuan.Pagdating namin sa pintuan saktong pagbukas ay maraming mga kawal ang nagkalat sa paligid.Waring may hinahanap na delikadong immortal o kaya'y may hinahabol ang mga ito sa sobrang bilis ng kanilang mga kinikilos.

"Anong meron?"Mahina kong tanong.Lumingon sa akin si Nestle habang nakakunot ang noo.

"Mukhang may kaguluhang naganap pero hayaan mo na sila."

Lumabas siya ng bahay at sumunod ako.Pinagmasdan ang mga kawal habang nagsitakbuhan at balisa.Napailing na lang ako sa aking nakita at sinundan si Nestle nasa bandang unahan na.

Pagdating ko sa kanyang tabi doon ko lang nakitang may dala siyang uri ng papel.May mga marka itong nakalagay at mga linya.Tinitigan niya ito habang binabaliktad-baliktad kung saan -saang sulok.

"Ano yan?"Tanong ko.Lumingon siya habang nakanguso.

"Mapa ang tawag nito at gosh,nakalimutan ko na kasi ang daan patungo kay Tandang bruha.Hay naku,pero wag kang mag-alala mahahanap ko rin yun at matandaan.Hehehehehe."
Napakamot ako sa aking daliri sa narinig.Mukhang gagabihin kami dito sa daan.

Marami kaming nakasalubong na nilalang.May mga ibat iba ang mga wangis galing sa Alvarie Kingdom. May suot na sumbrerong kagaya ni Nestle at mga may kaliskis sa bandang mukha at balikat.May nakikislapang mga perlas sa kanilang kasuotan.

' Mga Sirena.'

May matutulis na tenga at mahahabang buhok.Mga kasuotang hanggang talampakan at may dalang palasong nakasabit sa kanilang likod at bitbit ang pana sa kaliwang kamay.May dala din ang ibang engkantada na basket habang may lamang prutas at gulay.

May mga immortal ding may tatak sa noo,balikat at brasong hugis bituin at kalahating buwan.

May immortal ding normal lang ang wangis subalit mabangis kapag nagpalit ng anyo.Napalinga-linga ako sapagkat wala akong makitang bampira.Wala bang bampira dito?

Sa aming paglalakad,nasalubong namin ang mga sirena at engkantada habang ito'y may pinag-uusapan.Nang sila ay malapit na sa amin,narinig ko ang kanilang binibigkas.

"Kalat na sa buong Elementum Kingdom."

"Ganon ba?Ano kayang nangyari?"

"Kaya pala ang daming mga kawal sa paligid."

"Nasaan kaya ang prinsepe?"

Napahinto ako bigla sa aking narinig,nilingon ko ang engkantada sa bandang likuran namin.Patuloy parin silang nag-uusap tungkol sa prinsepe ngunit pumukaw ang aking pandinig sa nagkukumpulang mga nilalang sa kabilang dako.Sila din ay may pinag-uusapan ngunit iba ang paksa.

Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon