Chapter 6: jklmn

599 12 2
                                    

"San ka ba galing Kathryn!? Nag-aalala na kami sa'yo ah!? higit dalawang oras ka na naming hinintay." Yan ang bumungad agad sakin pagkarating ko ng bahay ang all that blah-blah--blahs!

"Sana nagtext ka man lang.." mahinahon na sabat ni Tita Aileen. Tinignan ko siya ng masama. May plano akong barahin siya eh pero nakokonsensya ako. Buti nga't Concern DAW siya sakin.

"Sa labas lang. Nagpapalamig." kung talagang nag-aalala sila bat di man lang nila ako sinundan!? Alam niyo yun!?

"Saang labas?" tanong ni Daddy.

"Basta. Do'n.. Sige na pala mag-a-assignment na ako." sabay talikod ko sa kanila at sara ng kwarto ko.

Okay. Snob na kung snob. Mataray na kung mataray. Maldita kung maldita. So!?

Ayoko lang naman na tinatanong niya ko masyado tungkol sa nararamdaman ko eh. Hindi ako sanay mag-open up sa kanya. Oo, Daddy ko siya pero hindi talaga kami ganon ka-close eh. Saka natatakot ako baka kung masabi ko sa kanya yung loob-loob ko eh baka kaawaan niya pa ako. Siyempre ayoko non. Gusto ko yung concern niya hindi dahil naaawa siya sakin but because I am also his daughter. Ako yung panganay niya. Ako yung Unang nagbigay ng ngiti sa kanya.

Kaso parang nakalimutan niya na eh.

Parang mas mahalaga pa sila Julia sa kanya.

Okay lang. Wag ko na lang sigurong hintayin yun. Wag na lang siguro akong mag-expect na dadating yung araw na magiging okay ang lahat. Mas maiigi siguro pag ganon.. pero.. there's something in me na parang ewan ko ba.. it's like..

'I don't wanna expect anything but I'm hoping.'

Ako na yata ang pinaka-hopeless na taong nabubuhay sa mundo ngayon.

"Yoooooo! Haha! TEXTMESSAGE"

"Yoooooo! Haha! TEXTMESSAGE"

Kinuha ko naman sa bulsa yung phone ko na tumunog. Si Khalil na naman siguro. Naputol kasi yung tawag niya kanina.

[txtm8, nkauwi k n? =)

from: +639094037***]

I never done this before. Ang weird nga eh. Pero okay na rin. Atleast  may mahihingahan ako ng loob while wala dito si Khalil.

[to: +639094037***

Yep. Slmt nga pla knina.]

reply ko. Wala pang isang minuto nakareply agad siya. Aba mabilis pa sa kidlat itong taong to ah!?

[wala yun.. Anytime. Pde b akong tumawag?

from: +639094037***]

Ha? Tatawag siya? Diba nagkausap na kami kanina? bakit tatawag pa siya? Ano naman ngayon!?

[to: +639094037***

Ha? Bkit? text na la----]

Hindi ko pa nasesend yung reply ko sa kanya tumawag na siya.

HE'S SUCH A PAIN IN THE ASSS!!!! Ano bah!?

"Hey, I just met you, and this is crazy

But here's my number, so call me maybe

It's hard to look right, at you baby

But here's my number, so call me maybe "

TEXTMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon