Chpater 4: fghij

1.1K 17 6
                                    

"Ha? Papanong nandiyan ka?"

"Hindi ko alam"

"Anong hindi mo alam? Natulog ka lang, tapos pag-gising mo isang umaga nandiyan ka na? Ipaliwanag mo nga panong na teleport ka diyan."

"Hindi ako Nagteleport. Itinapon ako dito." tinignan ko naman yung paligid. Kainis! Asar talaga eh.

"Ha? Tinapon? Ano??"

"Khalil-- Khalil-- Khalil. Kahit kailan Slow ka talaga." reklamo ko.

"Pero paano na yung? Alam mo na."

"Tsss. Yun nga ang Problema eh."

"Naku Kathryn. Naghihintay si Tita Malou at Miss V sa'yo. Alam mo naman na matagal na nilang plano sa'yo yun diba?" Pakonsensya ka Khalil eh.

Nilipat ko sa kabilang tenga ang Phone. Ang init kasi bigla. Halos 20 minutes na kami magka-usap ni Khalil tungkol sa progress nila ni Sofia. Kala ko pa naman kakamustahin niya ako. Wala! Mas importante talaga ang Lovelife.Ang tagal bago niya ako kinamusta. Kaya nga ngayong gulat na gulat siya sa ibinalita kong nasa probinsya na ako.

"Basta gawan mo muna ng Excuse. Gagawa ako ng paraan para pumuslit every weekends. Basta. Bahala na!"

Ilang minuto din nagpaalam na din kami sa isa't isa ni Khalil. Kahit na ipinagpalit niya ako sa Lovelife niya Namimiss ko rin yung taong yun. 

Napabuntong hininga ako.

Dami ko na ngang iniisip. Dami ko pang Problema. Ano baa!? Tsss. Kung sana hindi ako tinapon ni Mommy dito sana wala 'tong problema na 'to eh. Ngayon lagot ako kay Miss V. Alam ko Madidisappoint ko yun. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya.

Gusto ko pa naman na matuloy yung..

"Kath. Kakain na." Tawag ni Daddy sa labas. 

Napairap ako. Narealize ko kasi pinapansin niya lang ako basta kakain na. Mas lagi silang nagbo-bonding ni Julia. Feeling ko ako nga yung Anak sa labas eh. Pero, buti na rin siguro 'to. Ayokong maging close sa kanila. Pag dumating yung time na yun iisipin nila na pinapatawad ko na siya sa pagtalikod sa'min. At masasaktan si Mommy d'on.

May kumatok uli. Hindi talaga ako tatantanan nito pag hindi ako lalabas.

"Palabas na po." walang gana na sabi ko.

Bakit ba kasi nandito ako ngayon? Tsss.

**

"Kumusta naman ang First Day mo Kath?" tanong ni Tita Aileen na nasa tapat ko.

Ngumiti ako ng matipid. Kailangan ko na maging bait-baitan para diko madisappoint si Mommy. "Mmm. Okay lang naman po."

"Nagustuhan mo ba yung bagong School mo?"

"Mmm.."

"Opo!" napalingon naman ako kay Julia. Sa'n niya naman nakuha yang Idea na yan? "Kaibigan na nga po niya si Enrique at si Magui. Kaklase niya po si Magui." tuwang-tuwa na sagot ni Julia. "Ang saya niya po kaninang Lunch eh. Sabay kaming Apat."

Spell niyo nga ang salitang Epal? Pwede? At saka sinong masaya? Masaya ba yong Nagsisiksikan kayo sa mesa? Masaya ba yong sila lang nagkakaintindihan na tatlo at ikaw naman parang alien? Ano ba kasi talaga ang ibig sabihin ng MASAYA?

"Si Enrique?" napatingin naman ako kay Daddy. Nginuya niya yung last na sinubo niya saka nag Smirk at sinabing.. "Yung Boyfriend mo??"

"Dad!!" o__o

"Bakit? Totoo naman ah? Pumasa ba siya sa'yo para sa kapatid mo Kath?"

"Bagay sila noh?" tanong ni Tita Aileen.

"Hindi.." wala sa sariling sabi ko.

*o* Nagtaka naman ako sa mga mukha nila. Saka ko lang narealize ang sinabi ko.

"U-uhh.. I Mean.. H-hindi.. H-hindi ko alam na sila pala." Tinignan ko silang lahat wearing my innocent eyes. 

Nakita ko na masama ang tingin ni Daddy sakin. Tsss. 

Makaalis nga.

Nakakainis yong mga tao dito.

Binaba ko yung kubyertos ko at Tumalikod na. Galit nga na tinawag ako ni Papa at saan daw ako pupunta pero di na lang ako lumingon at sumagot pa. Kinuha ko na lang ang purse at ang cellphone ko. Kung bakit ba kasi sa lahat na lang ng bagay Julia.

Okay lang kay Enriaue eh, pero..

Pati ba naman si Papa?

-----------------

A/N: Hi Sorry sa late UD!

:))))

TEXTMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon