White

208 7 1
                                    

Sana's P.O.V

Dalawang araw na kaming andito sa kahariang ito at dalawang araw na din naming hinahanap si Mina at Dahyun, alam namin na nasa palasyo sila pero wala kaming mahanap na paraan upang maka pasok.

"S-sana? Sa tingin mo? Mahahanap paba natin sila?" Tanong saakin ni Nayeon, maging ako ay hindi ko na din alam pero kailangan kong mag pakatatag para sa kaibigan ko, para sa prinsesa.

"Oo naman. Siguro nga ngayon ay mag kasama na sila ni Chaeyoung eh, pero sana nasa maayos na lagay sila."

"Humanda kayo, papasok na kami nila Tzuyu, Jeongyeon at Jihyo." Nasa likod kami ng palasyo ngayon, hindi pa naman ito napapasok, naisip ni Daniel na sila nalang ang papasok dahil sanay naman sila sa mga ganong bagay.

"M-mag iingat kayo Tzuyu." Niyakap niya naman ako at hinalikan sa noo. "Oo binibini pangako iyan, babalikan kita. Babalik ako sa mga yakap mo." Binitawan niya na ako at nag simula na silang umakyat sa matayog na pader. Sana ay maligtas nila ang mga kaibigan namin.

"Mahal kita Tzuyu, kahit anong mangyare."

Umupo lang kami ni Nayeon sa damuhan, wala kaming ibang magawa kundi hintayin sila. Wala kaming maitutulong.

"Sana, pag nabigyan ka ng pag kakataong mabuhay muli, anong buhay ang pipiliin mo?" Tanong saakin ni Nayeon. "G-gusto kong mag karoon ng normal na buhay, yong hindi ko kailangang manilbihan, at gusto ko makasama si Tzuyu." Ngumiti naman siya. "Ikaw?"

"Kahit ano basta makakasama ko si Jeongyeon." Niyakap ko naman siya, ang hirap ng ganito, palaging nasa bingit ng kamatayan ang taong mahal mo.

"N-nayeon?! S-sana?!" Tumingin naman ako kong saan nanggaling ang boses na iyon. Tumakbo ako papunta sakanila at niyakap sila.

"C-chaeyoung... Ilang linggo ka na naming hinahanap, pero sa kasamaang palad... Pati ang Prinsea at si Dahyun ay nawawala." Nakita ko namang lumapit si Momo kay Nayeon. Hindi nag sasalita si Chaeyoung, "C-chaeyoung?"

Bigla akong nakaramdam ng hilo, nabitawan ko naman si Chaeyoung. "Nahihilo ako.." pero wala padin siyang ginawa.

_________________________

Nagising ako dahil sa napaka lakas na pag sabog, dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumingin sa palagid, nasaan ako?

"N-nayeon?!" Sigaw ko, dahil napaka dilim wala akong makita.

"Tulong!" Naramdaman ko namang may humawak saakin galing sa likuran.

"Huwag kang mag alala magiging maayos din ang lahat." Napaka lamig ng boses niya. "C-chaeyoung? A-anong ginagawa mo."

Tumawa naman siya at medya nasilaw ako ng paapuyan niya ang dala niyang kandila.

"Alam mo bang namatay ang aking ina? Hindi dahil sa kahariang ito, namatay siya ng dahil kay Jeongyeon,Tzuyu, Jihyo,Daniel,Mina, at Dahyun!" Sigaw niya, pinatakan niya naman ako ng kandila, napasigaw naman ako dahil s sakit na naramdaman ko. "Ahhhh!"

"Mas masakit ang mawalan ng ina Sana. Naisip kong patayin si Tzuyu, pero parang mas madali kang patayin." Nanlaki naman ang mga mata ko ng marinig ko iyon, si C-chaeyoung ba talaga toh?

"Patayin mo na ako, h-huwag mo lang gagalawin si Tzuyu." Naka tali ako ngayon, pero hindi lubid, mga kadena.

"Matapang ka." Inilapag niya ang kandila sa sahig at sinimulang kalasin ang mga kadenang naka pulupot sa kamay ko, ang sakit.

"Tara kay Tzuyu." Hinila niya ako palabas, at itinulak, napa higa naman ako sa sahig.

"N-nayeon?" Nakita ko si Nayeon na walang malay habang naka higa din. Nakita ko naman si Momo na nakangisi at nakatingin saamin.

Devil's Angel || michaeng ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon