"C-chaeyoung?" Nakita ko si Mina na nakatingin saamin ngayon.

"Ikaw si Mina?" Tinignan naman ng masama ni Mina si Somi, hinawakan naman ako ng mahigpit ni Somi.

"Akin siya Hineral, kong maari ay bitawan mo siya dahil saakin lang siya!" Hinala naman ako ni Mina at niyakap.

"Ikaw ang prinsesa? Sayo siya? Wala namang akong nakikitang palatandaang pag mamay ari mo siya prinsesa, ako ang nakakuha ng unang halik niya, kaya sapat na iyon para sabihin kong akin siya pero... Matapang ka, kinakalaban mo ang isa sa magaling na mandirigma! Hahahaha mag sisisi ka na kinalaban mo ako!" Lumapit saamin si Somi at itinulak ako palayo, wala akong ibang nagawa kundi titigan sila. Napaka pula ng palagid at napaka dilim ngunit nakikita ko padin kong ano ang nangyayare.

Nakita kong tumulo ang mga dugo galing sa dibdib ni Mina. "M-mina!" Biglang naging puti lahat ng paligid, napaka liwanag, nakakasilaw. Bigla akong nakarinig ng isang mahinang tawa. Nakita ko namang hinugot ni Somi ang espada mula sa dibdib ni Mina.

Bumagsak sa lupa si Mina at pinuntahan ako ni Somi. "Ngayon ay saakin kana Chaeyoung, wag kang mag alala mamahalin kita higit pa sa ginawa ng prinsesa." Palapit palang si Somi ay agad akong lumapit sa katawan ni Mina na unti unti ng nawawalan ng hininga.

"M-ahal k-k---"

Bago pa matapos ang sasabihin ni Mina ay bigla kong nakita ang mukha ng aking Ina. "Mahal kong Chaeyoung, matuto kang mag pata--"

"Chaeyoung!" Rinig kong sigaw ni Momo.

"Momo?! Nasaan ka! Buhay si Ina!" Tumingin ako sa katawan ng aking hinahawakan ngunit wala na akong nakita.

"Chaeyoung! Huwag!"

"Anong huwag?!" Andito ang ating Ina! Gusto ko siyang makasama!

"Chaeyoung!!!!" Nagulat ako ng makita ko si Momo, Mina at Dahyun na halos umiyak na.

"Chaeyoung!" Sigaw ulit ni Momo at niyakap ako.

"H-huwag mo akong iwan!" Naguguluhan ako? Anong nangyare?

"Huwag ka munang sumama kay Ina, hindi ko kakayanin..."

Umiiyak na si Momo ngayon, ito palang ang pangalawang beses na nakita ko siyang umiyak, ang una ay noong namatay si Ina.

"Anong??"

"Kanina kapa nag sasalita habang tulog.... Kanina mo pa sinasabing kasama mo ang iyong ina." Nagulat naman ako sa sinabi ni Mina.

"Huwag muna ngayon Chaeyoung, hindi ko kakayaning mawala kapa."

"Huwag kang mag alala Momo, hindi ako mawawala, hindi kita iiwan. Tandaan mo yan..." Tumango naman siya at mas niyakap ako.

Ibig sabihin panaginip lang lahat ng iyon? Ibig sabihin nanaginip akong pinatay ni Somi si Mina? At nakita ko si Ina saaking panaginip, may sasabihin siya pero hindi niya ito naituloy, anong ibig sabihin noon? Ang mapula at madilim na paligid?

"M-mag ayos kana Chaeyoung, babalik na tayo kila Somi." Tumayo naman siya at pumunta na sa labas ng bahay.

Tumayo na din ako para ayusin ang mga gamit ko ngunit hindi ko iyon makita.

"Ito, inayos ko ang mga gamit mo, mag iingat kayo sa daan." Kinuha ko naman ang mga gamit ko, lalabas na sana ako ng silid pero agad naman siyang nag salita agad.

"Bakit pati ang aking pangalan ay isinisigaw mo?"

"Hindi ko alam, nakita ko din si Somi. Aalis na kami."

Hindi ko na siya nilingon at lumabas na din ng bahay, nag simula na kaming mag lakad ni Momo.

"Mahal mo padin?" Tanong ni Momo sakin.

"Bakit mo natanong?"

"Dahil binabanggit mo ang kaniyang pangalan kaninang nananaginip ka."

"Kalimutan mo na muna iyan, naka tanggap ako ng balita kanina galing sa isang tagabantay ng nag lakad lakad ako sa gubat, buti nalang at malayo siya galing sa abandonadong bahay, may mga tao daw na nag lilibot sa bayan na hindi nila kilala, baka sila Jeongyeon iyon."

"Hindi nila mahahanap ang mag pinsan wag kang mag alala."

"Si Jihyo ang taga utos naalala mo ba? Dahil siya ang hineral, dalawa sila ni Daniel." Ipinapaalala ko lang sakaniya kong sino ang kalaban.

"Oo, si Tzuyu at Jeongyeon naman...."

"Ang taga pana..." Pag papatuloy ni Momo.



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Devil's Angel || michaeng ||Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt