SI DARIO AT ASOKO

119 0 0
                                    

SI DARIO AT ASOKO
Written by DMK

Si Dario ay may isang aso, ang pangalan ay Asoko. Mula nang ibinigay ng kanyang uncle si Asoko kay Dario ay sampong taon lamang ang pamangkin, sila na ni Asoko ang magkasama araw-araw mula noon.

Nang magbibinata na si Dario, nagka-girlfriend at nakapag-trabaho sa malayong lugar, hindi na nagkikita si Dario at Asoko. Si Asoko ay nasa bahay ni Milagros (nanay ni Dario) ang kasama sa lalawigan habang nasa Manila ang anak.

Pagkaraan ng anim na buwan umuwi si Dario sa kanila dahil ang kanyang nanay ay may malubhang sakit. Hindi nagtagal pumanaw ang ina.

Dinala si Asoko ni Dario sa Manila at doon magkasama silang muli. Alagang-alaga ni Dario ang kanyang aso, mahal na mahal niya ito. Ngunit isang araw ay nagbago ang pakitungo ni Dario kay Asoko. Hindi na niya ito pinakakain at kapag lumapit si Asoko, tinatadyakan ni Dario.

Bandang huli, ikinulong ni Dario si Asoko na walang pagkain, kahit tubig ay wala. Umiiyak ang aso kapag nakaramdam na paparating na si Dario. Gusto ni Asoko ang lumapit sana kay Dario at gustong magpalambing katulad ng dating ginagawa ni Dario sa kanya, sinusuklay ang kanyang balahibo ng mga daliri ng kaibigan. 

Kung makapagsalita lang ang aso ay maaring sabihin niya ito, "Dario, akala ko ba kaibigan kita, naalaala mo ba noon, noong bata ka pa ay naglalaro tayo lagi sa ilog, binabato mo sa malayo ang maliit na sanga ng kahoy para languyin ko at ibalik sa iyo? Naalala mo ba noong may sakit ka, kasama mo ako sa higaan dahil giniginaw ka, niyayakap mo ako? Sayang ang mga araw na nagdaan Dario, sana'y nanatili kang ganoong edad, masaya ang mga araw para sa atin. Ngayon ay inaayawan mo na ako Dario. Ayaw mo na akong lambingin, dahil ba sa matanda na ako? Okay lang Dario kung ayaw mo na akong pakainin, mahal pa rin kita kaibigan ko. Handa akong mamatay kung anong gusto mo para sa akin."

Hindi maisip ni Asoko kung bakit ganoon na lamang ang trato ng kanyang amo sa kanya. Sa isip niya siguro matanda na siya at mahina na, hindi na makapaglaro kay Dario katulad ng dati. Sana ipamigay na lang ni Dario si Asoko sa ibang mag-alaga sa kanya.

Isang hapon, dumating si Dario kasama ang isang lalaki at agad lumapit sila sa kulungan ng aso. Pumatak ang luha ni Asoko dahil alam niya, kukunin na siya. Nagtatanong na lang sa kanyang sarili kung saan kaya siya dalhin?

Umiiyak si Asoko, habang pinakawalan siya ni Dario, humiga pa ang aso sa kanyang paanan at iginiwayway ang kanyang buntot. Hindi man lang hinaplos ni Dario ang kanyang aso, inabot na lamang niya ang nakataling aso sa lalaking kukuha.

Lumipas pa ang ilang araw, nagkasakit si Dario, wala na si Asoko para makatabi niya at makayakap kapag ginaw na ginaw siya sa lagnat. Napatulo ang kanyang luha dahil naalaala niya si Asoko. Nakaramdam ng lungkot at kinukurot ang kanyang puso, nagsisi at nagtanong, "Bakit ko ginawa sa iyo iyon Asoko, ngayon ko natanto, kailangan pala kita! Huhuhu."

Pagkaraan ng dalawang araw gumaling si Dario, agad hinanap ni Dario ang kanyang aso. Pinuntahan niya ang lalaking binigyan niya ngunit, wala na raw ang kanyang aso, pinulutan na. Awang-awa si Dario kay Asoko, wala na siyang magawa. Bagsak ang balikat ni Dario nang lisanin niya ang lugar kung saan si Asoko dinala.

Habang pauwi si Dario, tumawag siya sa kanyang girlfriend. Ibinalita niya ang nangyari kay Asoko. Nagalit ang girlfriend sa kanya at nakipaghiwalay. Sinabi ng kanyang girlfriend, dahil matanda na si Asoko ay ganyan na lamang ang ginawa mo sa kanya. Hindi ka makatao. Kawawa si Asoko. Sana binigay mo na lamang sa akin. Ako ang mag-alaga!

Gulong gulo ang isip ni Dario noong hapon na iyon. Wala na si Asoko, iniwan pa siya ng kanyang girlfriend.

Pagdating ni Dario sa kanyang apartment noong gabi, hindi niya namalayan na may taong sumusunod sa kanya, nasa trangkahan na siya nang tutukan siya ng baril. Hindi makakilos si Dario, hinayaan niyang kunin sa kanya ang kanyang pitaka ngunit may tumahol. Hinabol ng dalawang aso ang hold upper. Nalaglag sa kamay ng hold upper ang pitaka ni Dario. Dinampot ng isang aso ang pitaka at dinala sa paanan ni Dario,ipinatong sa kanyang paaanan at lumisan ang dalawang aso.

Ang bilis nang pangyayari, dinampot ni Dario ang kanyang pitaka, isinuksok sa kanyang bulsa at hinabol ang dalawang aso.

"Asoko bumalik ka!"

Malayo na ang dalawang aso nang matanaw ni Dario. Nagtahulan ang mga aso sa mga bahay na dinadaanan ni Dario.

May isang babaeng nakatalikod.

"Miss, may nakita ka bang dalawang asong dumaan dito?"

Medyo madilim ang kalsada nang humarap sa kanya ang babae ay, "Mary ano ang ginagawa mo rito?"

Si Mary ay ang kanyang girlfriend. Tumawa nang tumawa. Agad humakbang papalayo kay Dario na nakatayo lamang. Tatlong metro ang layo kay Dario, nagbukas ng kotse ang kanyang girlfriend, lumabas si Asoko at dahan-dahan lumapit kay Dario..

"Asoko, halika! Umupo si Dario at agad tumakbo si Asoko papalapit sa kanya, naka-gawayway ang buntot at hinihintay niya na lambingin siya ni Dario. Binuhat ni Dario patayo ang asong si Asoko, tumahol ng dalawang beses at lumabas pa ang isang aso na nasa loob ng kotse ni Mary, animoy tinatawag siya ni Asoko. Si Mary ay lumapit na rin kay Dario.

Napakasaya ni Dario noong gabing iyon. Lalo na sa kanya natulog ang girlfriend na si Mary. Si Asoko naman ay may girlfreind din. Ah! Mali po. Lalaki pala ang isa pang aso.

"Salamat Mary, pinaligaya mo ako. Hindi ko akalain na nasa paligid ka lang pala noong dinala ko si Magno sa bahay. Binili mo pala si Asoko kay Magno, ang binigyan ko noon ng aking aso."

"Dario, kalimutan mo muna si Asoko. Siako na muna ang bigyan mo ng pansin okay?"

Habang nasa kasarapan ang dalawang mag siyota sa kama, pinaglaruan ng dalawang aso ang brief at panty na nasa sahig.

TAPOS NA! ANG KWENTO, SI DARIO AT MARY AY HINDI PA.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 28, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SI DARIO AT ASOKOWhere stories live. Discover now