PART X

3.8K 137 2
                                    

"Goodmoring sabrina!" napabalikwas ako dahil sa gulat, pinagmasdan ko sila. si miguel, oli at dustin ay nasa loob ng kwarto ko at may dala silang pag kain. napahawak ako sa ulo ko dahil sobrang sakit nito.





"Mag breakfast kana" saad ni dustin at tiningnan ako diretso sa mata at ibinaba ang tingin sa suot ko. inilapag ni miguel ang maliit na lamesa sa harapan ko.





"Ako ang nag luto nyan, masarap yan. specialty ko yamg pancake, pag natikman mo iyan ay makakalimutan mo ang pangalan mo" ngumiti ako sa kanila at hinawakanang ulo ko, hinanap ng mata ko si adrian ngunit wala talaga siya.



siguro ay hiyang hiya sa kagaguhang ginawa niya saakin. lintek siya! kala ko ba ay kasintahan niya si jewel ngunit bakit niya ako hinalikan at bakit niya ako tinawag sa pangalan ng ibang babae?







Tiningnan ko si oli, may pasa ang muka niya. nanlaki ang mata ng maalala ko na hindi na pala siya binalikan ni adrian kagabi at doon na siya naka tulog sa rooftop. "Anong nangyari sa mukha mo oli?" nag aalalang tanong ko.







"Uh, nahulog kasi sakin yung bote ng beer kagabi habang natutulog ako" natawa ako sa sinabi niya at sinimulang kumain. "Uh ok kana ba sab?" tumungo tungo ako kumuha ng grapes. masyadong maganda ang decoration nila para sa breakfast.






"Dalian mong kumain dahil papasok pa tayo, late na tayo. sabi ni Chester ay walang klase sa first sub dahil nasa hospital ang anak ng teacher natin." wika ni oli. humiga siya sa kama ko at pinikit ang mata ko.









umupo sila roon at pinanood akong kumain, hindi ko akalain na sobrang sarap nga mag luto ni miguel, natapos ang sa pag kain ko, kinuha nila ang maliit na lamesa at lumabas na para maka ligo ako.










kinuha ko ang tuwalya ko at pumasok sa CR, masakit parin ang ulo ko ngunit pinilit kong maligo, ganito pala pag may hang over, malamig na tubig ang pinaligo ko para mabawasan ng konti ang sakit ng ulo ko.





Habang naliligo ako ay narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko ngunit hindi ko lamang iyon pinansin dahil baka may naiwan lamang sila oli kaya sila bumalik, nang marinig kong sumarado ito ay na siguro kong umalis na silang muli.










tinapos ko ang paliligo ko at nag toothbrush, binalot ko ang sarili ko sa tuwalya dahil wala akong makitang bathrobe, titatanong ko nalamang mamaya kina oli kung meron pa silang malinis na bathrobe para mahiram ko dahil kailangan ko pang mag blow dry ng hair bago pumasok.








pag labas ko ng CR ay nag tungo agad ako sa cabinet para kuhanin ang uniform ko. hindi ko pa naabot ang uniform ko ay naramdaman ko ng may naka titig saakin. iginala ko paningin ko sakabuoan ng kwarto.









muntik ko ng mabitawan ang tuwalya na nakabalot sa katawan ko ng makita ko si adrian na naka upo sa kama ko at nakatingin saakin. naka uniform na siya at mukang bagong ligo. may sugat ang kanyang labi at may naka lagay na band aid sa ibaba ng kanyang kaliwang kilay.










"What the hell!" nag tago ako sa pintuan ng cabinet at sinilip kung siya ba talaga iyon. tumayo siya at lumapit saakin. napa atras ako ng malapit na siya saakin. Nang naka rating siya sa harap ko ay tumingin siya diretso sa mata ko. "I'm tired playing this game adrian, please stop!" hinawakan niya ang mag kabila kong braso. inilapit niya ang muka niya saakin kaya wala sa sariling sinipa ko siya.








Napalayo siya ngunit ilang sandali pa ay lumapit na muli siya saakin. kaya naman ay tumakbo ako papunta sa CR para ilock ang pinto. ngunit nabuksan parin niya iyon at ngumiti saakin at pinakita ang susi.









"Look sabrina, I'm sorry" masama ko siyang tiningnan, gago anong sorry lintek ka "I didn't mean to— uh, yeah, I'm really sorry"








"Ha?" kunwaring tanong ko, this is the only way para hindi na noya ako kulitin about sa nangyari kagabi. "What do you mean?"










"Please say you were just joking" walang emosyon ko siyang tiningnan, bumaba ang tingin niya sa sahig at mapaklang tumawa "What the fvck" inabot niya niya saakin ang maliit na paper bag na hawak niya, lumabas sa kwarto ko at pabagsak na isinarado ang pinto.









napa upo ako sa sahig at tiningnan kung anong laman ng paper bag na inabot niya saakin. natawa ako ng makitang pain reliever. Tumayo ako nang may marinig akong katok sa pinto ko. nag madali akong mag bihis at binuksan ito.







"Let's go?" ngumiti ako kay dustin at sinabing wait lamang para mag suklay at mag lagay ng concealer at liptint, nag dala rin ako ng suklay at kinuha na ang bag ko








bumaba kami at doon nakita ko silang nag hihintay, naka sunod lamang ako kay dustin, naka upo si miguel sa tabi ni oli at nasa malayong bahagi naman ng upuan si adrian. Nang makita nila kami ay agad silang tumayo at hinintay kaming maka baba para sabay sabay ng pumasok sa paaralan.








Dahil iisang kotselamang ang sinakyan namin dahil iyon ang sabi ni oli para daw ay mabilis at walang mahuli saamin. siya ang nag drive dahil siya palamang ang legal age, 17 palamang kaming apat at malapit ng mag birthday si miguel sa March 2. Si Dustin naman ay April 12 at ang pinka bata sa kanila ay si adrian, July 29 pa ang kaarawan niya.











natapingin ako sa dalawang katabi ko, napaggigitnaan nila ako, tumingin saakin si dustin. inabot niya saakin ang earphone niya. ngumiti ako at kinuha iyon. kinuha niya ang phone niya at inilipat sa bagong kanta.








Minamasdan kita nang hindi mo alam, Pinapangarap kong ikaw ay akin~







natapingin ako kay adrian. damn it i felt that. "Huwag ka lang titingin sa akin, At baka matunaw ang puso kong sabik~" napatingin ako kay dustin, hindi ko talaga maiwasan na hindi mapahanga sa ganda ng boses niya.









"Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling, At sa tuwing ikaw ay gagalaw. Ang mundo ko'y tumitigil para lang sayo~"  pag sabay ko sa kanta. ngumiti ako kay oli dahil tiningnan niya kami sa rear view mirror.








"Minamahal kita ng di mo alam, Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso na dati akala ko'y manhid~"  ang swerte siguro ng magiging kasintahan ni dustin. dahil pwedeng pwede nyang kantahan ang kasintahan niya.


---
Ngiti by: Ronie Liang

:)





UNCRUSH Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon