Affair 1

54.8K 602 106
                                    


Claire:

"Ang hot nung bagong teacher natin!"

"Oo nga, balita ko'y kakagraduate lang nya at maswerteng natanggap dito sa Academy!"

"Ang yummy nya!"

"Grabe nakasalubong ko sya kanina ambango bango nya!"

"Talaga! Nako mukha syang model"

"Baka naman artista?"

Inangat ko ang ulo ko dahil sa ingay nang mga mukhang paa kong kaklase. Tiningnan ko sila nang masama at agad silang nagsi tahimik.

"Wala na ba kayong iintindihin kung hindi yang kalandian nyo?" Inis na tanong ko sa kanila. Ano nga bang pangalan nila? Well, hindi ko matandaan. Tatawain ko nalang silang 'Ang tatlong itlog'

"Grabe ka naman Claire!" Sabi nung babae sa kaliwa na may maikling buhok. Kamukha nya na sana si Dora kaso mas mukha pang tao si Dora kesa dito sa isang 'to.

"Onga!" Sabi naman nung nasa kanan. Eto mukha pa 'tong tao. Wala akong problema o galit sa mga taong may tagiyawat pero sa kaso nang isang 'to? Jusq! Nahiya ang pinipig sa dami nang tigidig sa mukha.

"Kung tutuusin ay mas malandi ka naman saamin" Sabay irap nung nasa gitna.

Well, totoo naman 'yon kaya sige hindi na ako aangal. "Oo malandi ako pero may utak naman ako 'no! Eh kayo mula pagpasok sa umaga hanggang pag labas puro kayo landi. Buti sana kung may mukha man lang kayo pero olats! Isa pa puro landi lang alam nyo, 'di ko nga alam kung may utak pa kayo."

Sabay irap ko, hindi na sila umimik at nag martsa na sila papalabas ng room. Bahala sila, akala nila ay ikinaganda nila ang pag alis nila. Wala din namang mag hahanap sa kanila sakaling hindi na sila bumalik. Bukod sa hindi naman sila importante ay wala din naman silang nai-aambag sa eskwelahan. Buti nalang at may pera sila kung hindi ewan ko nalang kung makatungtong pa sila dito sa academy.

Wait nagpakilala na ba ako? Kung hindi pa ay sige magpapakilala na ang dyosang ako.

Ako nga pala si Claire Devon, 19, nag iisang anak kaya lahat ng gusto ko ay nasasaakin na. Pero hindi naman ako maluho o aksayado sa pera. Kahit papaano alam ko kung paano ibalanse ang kailangan sa luho. Ano pa ba? Ah! Oo, hindi naman ako matarag at hindi din mabait. Sakto lang, depende sayo. Pranka at matalino, minsan tina-try ko ring maging boplaks nahihirapan kas silang mag adjust sakin kaya ako nalang. Masasabi kong kapag may gusto ako ay ginagawa ko. Hindi ako humihingi ng apruba sa iba. Wala din namang pake saakin sina Mom at Dad kaya go lang. Malandi daw ako pero sige na nga payag na. Pero h'wag ka! Pili lang ang nilalandi ko at may taste naman ako 'no.

Hindi gaya nang iba dyan na kung sino nalang ang mahila sa tabi-tabi. May kabigan ako pero hindi ko na muna sya ipapakilala, mas maganda naman ako sa kanya kaya wag na lang. Charot.

"Hoy! Devon! Tawag ka sa faculty!" Sigaw saakin nang mataba kong kaklase.

"Hoy karin baboy!" Ganti ko, agad nagtawanan ang mga kaklase namin. Oh, h'wag nyo akong husgahan, ganito lang talaga kami.

Tsaka totoo naman ang sinasabi ko, hindi ko sga nilalait. Nag dedescribe lang base sa nakikita nang mahiwaga kong mata.

"Samahan pa ba kita?" Sabi ni Maria, ang aking bitchy frenny. Aakmang tatayo na ito pero pinigilan ko na sya.

"Ako na lang, gawin mo na yang ginagawa mo. Kanina ka pa dyan, nahiya ang pagong sayo." Sabi ko, kanina pa kasi sya nag susulat. Ginagaya nya ang assignments ko. Tamad kasi sya, may utak naman kahit papano pero hindi ginagamit.

"Okay" Maikli nyang sabi. Umalis na ako pagkatapos.

Sa dami nang gustong kaibiganin ako ay si Maria lang ang tumagal a ugali ko. Hindi sya gaya nang ibang kakabiganin lang ao dahil sa kagustuhan nilang sumikat.

Hindi 'man sa pagmamayabang ay sikat ako sa academy. Hindi ko din naman pinapansin 'yon dahil hindi naman yon mahalaga. "Raven! Yung ex mo oh!"

Rinig kong sabi nang makasalubong ko ang magbabarkadang mga ugok. Yup, ugok dahil bukod sa hindi naman sila kagwapuhan sa mga mata ko ay mga mayayabang pa sila.

Tiningnan ko si raven, halata sa mata nyang nabigla sya dahil sa nakita nya ako. Wow! Gulat na gulat? Ngayon na lang ba sya ulit naka kita nang dyosa? Palibhasa mukhang talaba ang pinalit saakin.

"C-claire" Banggit nya sa pangalan ko. Hindi ko sya pinansin at naglakad na nang mabilis.

"Snob ka pala e!" Pang aasar sa kanya ng kabrkada nya. Kilala ko si Raven, pikon yan at mabilis magalit kaya nama agad nakatikim nang siko ang nangutya sa kanya.

"Lakas mang snob akala mo naman hindi nabaliw sakin dati" Sabi nya, agad nag 'whoaahh' ang tropa nya. Lumingon ako at tiningnan sya.

"Sino bang nabaliw sayo? Ako ba tinutukoy mo? Excuse me, hanggang ngayon nga hinahabol habol mo ako. At FYI never akong nabaliw sa kagaya mo, 'di ka naman ganong kawalan" Sabay irap ko.

Totoo naman 'yon, hindi sya kawalan. Dahil ang gaya nyang lalaki dapat hindi iniiyakan. Imbes, dapat pinapalitan.

Kumatok muna ako bago pumasok. "Ms. Devon, andyan kana pala." Sabi nung matandang teacher namin.

Ay wala pa! Tsk!  "Yup dito na meh" Sabi ko, napailing nalang si tanda. Close nama kami kaya okay lang na ganyanin ko sya.

"Ito nga pala ang bago nyong teacher. Mr. Gavin Alfonso, ito naman si Claire Devon." Pagpapakilala saamin ni tanda, hindi pa ako natingin sa bago naming teacher dahil busy ako sa pag aayos nag necktie ko. May nakita naman akong kamay sa harapan ko.

"Good Morning" Parang nabuhayan ang kalandiang tinataglay ko sa boses nyang mapang akit. Agad akong napatingin sa may ari nang kamay at.....

Ang gwapo! Shemss! Halos kiligin ako nang maghawak ang aming kamay, agad din naman napabitaw dahil kay tanda. Istorbo naman 'to!

Sabi ni tanda ihatid ko daw si sir sa room namin. Agad naman kaming lumabas at nagaimulang maglakad.

Kalma kalang pepe, teacher mo yan. Sabi ko habang kinakalma ang sarili dahil sa sobrang pogi talaga ni sir!

Magiging akin ka din sir! Sabi ko sabay ngisi sa hangin.

---
Kimlyshane22

Affair 1: My Hot Teacher [SPG]✔️Where stories live. Discover now