chapter 10 - paranoid

82 35 2
                                    

--Luke--

Nanlaki mata ko kung anong nakita ko sa sala ng condo niya.

Ang gulo lalo na yung sofa,nagkalat na unan at... Sh1t! At may panty na sa tingin ko kay Dalet.

Totoo na kayang ipinagpalit niya ako.

Dahan-dahan akong lumapit sa kwarto niya may narinig akong tawa ni Dalet.

"Ahh! Baby, 'wag kang magulo masakit. Ahh. Masakit kuko mo, baby. Ahh!"

Medyo naluluha na ako. Unti-unti kong binuksan yung pinto at tumambad sakin ang taong may talukbong na comforter niya.

Napasinghap ako. Sh1t! How she can betray me?

"D-dalet?" Nanginginig boses ko. Ramdam ko ang init ng luha sa gilid ng mata ko.

Tinanggal niya yung talukbong at tiningnan ako sa gulat na ekspresyon. Oo, di ka makapaniwala na nandito ako?

"L-luke, hibabe." Umupo siya at mas lalong nanlaki mata ko naka-bra lang siya. Tuluyan ng bumagsak yung luha ko. "Oh, sh1t! Babe bakit ka umiiyak?" Lumapit siya sakin. Naka-short at bra siya. Pinunasan niya luha ko at hinalikan ng mabilis. "Shh! Ganyan mo ba ako ka-miss? Hahaha!" Pano niya nagagawang tumawa?

"You... You betray me."

"WHAT?!" Lumayo siya sakin at tiningnan ako ng nagtatakang ekspresyon.

"You...–"

"F*ck! Ano ba pinagsasabi mo?" Hindi ako sumagot at nag-iwas ng tingin. Ayoko makita yung mata ng babaeng pinaka-mahal ko at niloko ako. "Do you even here yourself? Huh?!"

"Dalet, kitang-kitako–" Napatigil ako sa pagsasalita nung lumabas ng comforter si Luitzski. Soo? Masyado akong naging emosyonal.

"What" Napatingin din siya sa tinitingnan ko at. "Hahahahahahahaha!"

Walang katapusang tawa ang sinalubong niya sakin. Pano ba naman kasi kung maka-ungol kala mo umaano. Tapos may nakakalat pang panty niya at naka-bra lang siya.

Ano ka ba Luke? Bakit mo naisip na magagawa niya 'yun?

Oo nga eh, sorry!

Namula na ako sa sobrang kahihiyan.

"Hahahahahaha!" Nasa sala na kami at tumatawa parin siya. But this time maayos na siya.

I'M NOT THE ONLY ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon