chapter 5 - makalimutan

140 37 3
                                    

--Luke--

"Ano? Game na?" Tanong ni Charity. Nakapabilog kaming nakaupo sa sala ng condo namin.

"Oo." Walang gana kong sagot. Pano ba naman kasi nag-away ulit kami ni Dalet.

Anong nangyari?

*flashback*

"Wait, babe!" Sabi ko habang hinahabol siya papasok sa condo.

"Oh? Kayako na 'to." Sabi niya habang naglalakad parin papasok ng condo. Ni hindi nga siya lumingon eh.

"I said WAIT!" Naiinis na ako kakahabol sa kanya ah.

Oo alam kong panget yung sinabi ko kanina, ayoko lang kasing ititigil nila yung game dahil sakin. Mga bata palang kami magkakaibigan na kami. Kaya matibay ang pagsasamahan namin eh. Si Kevin at Lian sila na for 2years. Sila Charity at Zach naman almost 3years na. Kasi kilala na namin ang ugali isa-isa.

"Okay nga lang ako sabi eh! LASING LANG NAMAN AKO. KAYA 'WAG NA!" galit niyang utas. Pumasok na siya ng elevator na agad naman niyang isinara kaya wala akong choice kundi sumakay sa isang elevator.

Sumakay agad ako at pinindot ang floor kung nasaan yung condo unit niya.

Ting!

Pagkalabas na pagkalabas ko agad ko namang nakita si Dalet na palabas na din ng elevator. Nanlaki ang mata niya nung nakita ako. Agad siyang tumakbo palapit sa pinto ng condo unit niya habang tumatakbo siya nakahawak ang kamay niya sa ulo yung isang kamay naman hawak-hawak ang purse niya.

"Ba-" Bago ko pa matapos yung sasabihin ko isinarado na niya ng padabog ang pinto niya. Hindi ko dala yung spare key ng condo niya kaya bumaba na lang ako.

"Oh? Anong nangyari?" Tanong ni Kevin nung makalabas na ako ng condo.

Umiling ako kita parin siguro yung pagkadismaya sa mukha ko. "Halika na baka magsimula na."

*end of flashback *

Tinext ko din si Ivy na pabantayan si, Dalet kasi nag-away kami.

Unang bumunot ng papel si Tyra sa isang garapon na may nalasulat na 'Dares'. Binasa ni Tyra yung nalasulat.

"Mag... WHAT?!" Agad namang napa-sigaw si Tyra sa nabasa niya.

"Go on. Tuloy mo." Sabi naman ni Ella.

"Mag... S-strip sa tropa ng i-isa sa wala pang g-girlfriend or b-boyfriend. Hindi pwedeng b-bumunot ulit?"

I'M NOT THE ONLY ONEWhere stories live. Discover now