chapter 1 - maganda ka naman

280 42 6
                                    

--Dalet--

"Babe samahan mo muna ako sa mall may bibilhin lang ako saglit wala kasi akong kasa ma eh." Wika ko sa cellphone habang kausap ko si Luke.

Narinig ko ang ingay ng mga kaibigan niya sa cellphone. Nandito ako ngayon sa condo ko mag-isa wala kasi si Ivy,pinsan ko, kasama ang boyfriend niya kaya heto ako sakanya mag papasama sa mall.

"Uhm... Babe..." Nagaalinlangan niyang sabi. Syempre kasama niya yung tropa niya. Hindi naman siya nawawalan ng time sakin kaylangan ko lang talaga ng kasama.

"Sige na pleaseeee." Pagmamakaawa ko alam kong hindi ako matitiis niyang Luke James Bryle na 'yan kaya i pu-push ko na.

"Hayy. O siya,siya pasalamat kamahal kita."

"Yehey! I love you too." Sabi na nga ba hindi ako matitiis niyan eh.

5years na kami ni Luke 18years old palang ako kami na. Matibay ang pinagsamahan namin. Minsan under ako sakanya pero madalas siyang under sakin. Nag-kakilala kami sa school kaibigan ko kasi si Kevin-isa sa mga tropa niya- pinakilala niya ako sa tropa niya and then naging ka-close ko si Luke and voila! Niligawan niya ako dahil matagal ko narin siyang crush sinagot ko Hihihi! Kakilig.

"Sunduin na lang kita diyan sa condo mo. Hintayin mo ko."

"Sige, sige! Ingat ka." Pagkatapos nung tawagan namin binaba ko na at naligo muna. Late talaga ako maligo tanghali kasi ako magising kaya ayun.

Mahilig akong kumanta... Sa banyo lang maganda naman daw boses ko sabi nung inidoro pati nung shower ko. Hahaha! Joke lang. May concert nga ako ngayon eh. Hehehe!

Sa gitna ng pagkanta at pagligo ko may narinig akong doorbell. Siguro si Luke na. Nag-tapis nalang muna ako ng twalya at lumabas sa banyo tumutulo pa nga yung tubig sa buhok ko eh.

Binuksan ko ang pintuan at tumambad sakin ang pinaka gwapo kong boyfriend. Naka pantalon lang siya at white v-neck t-shirt pero ang hot niya parin tignan. Nakangiti siya abot tenga nung binuksan ko yung pinto.

"Oh! Hello babe." Sabi ko sakanya at binuksan pa ng mas malawak ang pinto para makapasok siya.

Pumasok muna siya bago ako batiin. "Hello babe." Hinawakan niya muna yung baywang ko bago ako hinalikan sa labi. Matagal yung halikan namin habang umabot yung halik niya sa leeg ko. "Ang bango mo talaga." Sabay singhap sa leeg ko sinarado ko naman yung pinto sa likod ko.

"Luke~" Hindi ko alam kung bakit naging ungol yung pagtawag ko sa pangalan niya.

Hinawakan niya yung binti ko at nilagay sa baywang niya at pumunta sa sofa ng hindi tinitigil ang halikan.

I'M NOT THE ONLY ONEWhere stories live. Discover now