Hindi ko alam kung dapat na maging masaya ako kasi nakita ko siya. Hindi talaga ako naniniwala kay nanay pero kilala niya si Grant? Baka nakita niya kaming magkasama kanina.

Humigpit ang pagkakahawak ni nanay sa braso ko. Ibinalik ko ang tingin sa kanya. "Kasama siya doon, hi'ja. Mag-iingat ka."

Kasama siya doon, hi'ja. Mag-iingat ka.

Nag-echo sa pandinig ko ang sinabi niya kahit na nakalayo na siya. Hindi ko alam kung hihinga pa ba ako. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa dibdib. Tinakasan na ako ng lahat ng dugo sa pamumutla.

Kasama siya doon, hi'ja. Mag-iingat ka.

Is this some kind of a sick joke?

"Heather..." Dahan-dahan akong pumihit paharap kay Grant. Kumakaway siya sa 'kin. Agad ding ibinaba ang kamay nang makita ang aura ng mukha ko. Nabura rin ang ngiti niya. "W-what happened?"

Tumingin ako sa taas ng hotel para mapigilan ang pagpatak ng luha. Napabuga ako ng hangin. Nginitian ko siya at umiling. "Nothing."

Hindi dapat ako naniniwala sa mga pinagsasabi ng ibang tao. Sabi nga ng mommy ko: 'Don't talk to strangers and don't you ever believe them 'coz you don't know them.'

Humakbang papalapit sa 'kin si Grant. Nahigit ko pa ang hininga nang muntikan na siyang madapa. "Pahamak na sintas!" singhal niya at umupo sa tapat ng hotel. Tinitingnan ko lang siya habang nag-aayos ng sintas.

Hindi na ako nag-abalang maglakad papalapit. Tulala pa rin kasi ako sa mga nangyari ngayon lang.

Sweet Grant. Mysterious guy. Creepy stranger.

Muli akong tumingin sa tuktok ng de Carpio Hotel. Para bang may humahatak sa mata ko na tumingin ako sa itaas.

May isang crane na nakahang sa ibabaw ng building. May nakasabit ditong malaking tipak ng semento. Pero dahil mataas ang kinalalagyan nito, maliit na lang ito sa paningin ko. Hindi ko nga alam kung may tao sa taas. Pero siguradong meron at baka may inaayos sila sa tuktok ng hotel sapagkat may crane o 'di kaya inililipat nila 'yong semento sa katabing building.

Hindi ko pa rin matukoy kung bakit hindi ko maalis ang tingin dito. Ang weird. Hindi ko rin nagustuhan ang muling pagsalakay ng kaba sa buong sistema ko.

Mas hindi ko inaasahan ang masasaksihan ko. Kumalas ang pagkakasabit ng malaking tipak ng semento sa crane. Nakita ko kung paano 'yon dahan-dahang nalaglag pababa.

Dilat ang mga matang napabalik ang tingin ko kay Grant. Katatayo niya lang mula sa pagkakaayos ng sintas. Napanganga ako at muling ibinalik ang tingin sa itaas at sa kanya.

"Grant, look out!" Lahat ng atensiyon, nakuha ko sa sobrang lakas ng sigaw ko. Tumingin siya sa itaas. Gano'n din ang ginawa ng ibang tao na nakarinig.

Napapikit ako. Napahagulhol ng iyak nang marinig ang malakas na crash pagkabagsak ng malaking tipak ng semento.

Nanginginig. Namumutla. Nanghihina. Nagtatayuan ang lahat ng balahibo sa katawan. Shocked. Hindi ko alam kung ano'ng dapat maramdaman. Ayaw kong dumilat. Natatakot ako. Ayaw kong alamin kung ano'ng nangyari. Aatakehin ako sa puso.

Maraming nagsisigawan. Pero mas nakakabingi ang bawat tambol ng puso ko.

Naririnig ko ang pagkakagulo ng mga tao sa paligid.

May mga nagsisigawan. Maiingay ang busina ng mga sasakyan. Lakas-loob akong dumilat kahit na takot ang aking nararamdaman. Hinanap ng mga mata ko si Grant. Hindi ko siya nakita. Mga nag-uumpukang tao lang ang tumambad sa paningin ko na nagkakagulo sa kinatatayuan niya kanina.

Humakbang ako kaso bawat hakbang, unti-unting bumibigay ang aking mga tuhod. Habang lumalapit ako sa kinaroroonan niya, lumalakas ang paghikbi ko.

No! He can't be dead. No! No!

Impit akong napasigaw nang may makabangga sa 'kin. Natumba na ako nang tuluyan. Ni hindi man lang ako nagawang tingnan at tulungan ng lalaking nakabungo dahil sa pagmamadali niyang makaechoso sa nangyari.

"Parang kilala ko ang lalaking 'yan."

"Loriete 'yan, 'di ba? Tama! Si Grant Loriete 'yan."

"Siya nga! Tumawag kayo ng ambulansiya."

"Bilisan n'yo."

Lalong nagkagulo ang mga tao. Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko. Sobra ang panginginig ng katawan ko.

Muli akong tumayo. Ginawa ang lahat para makarating sa nagkukumpulan. Nabuwal ako sa sahig nang makita si Grant na nakahiga katabi ang nagkadurog-durog na bitak ng mga semento.

"No! G-Grant..." Lalong nanginig ang aking katawan. Wala nang lumalabas na tunog ang pag-iyak ko. "G-Grant, please... wake up!" Hinahabol ko ang hininga. Narinig ko ang pagdating ng ambulansiya bago ako panawan ng ulirat.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن