10/22/19
Hi dad…
um… nagsusulat ako ngayon kasi bigla ko lang naisip yung dati… nakwento ko sa ka opisina ko kanina yung tungkol sa kinalas sa Lagonoy. Yung pinupuntahan natin dati nung bata pa ako.
Tapos naalala bigla nung pinaalis mo ko sa bahay nyo dati. 3rd year highschool ako nun. Namatay palang si Daddy Barbs… alala mo yun? kasi ako oo.
Uwian na naming yun. Tapos kasama ko yung tatlo kong kaibigan nang bigla ako nakarecieve ng text…
“Kim bawal ka na daw tumira dito sabi ng daddy mo. Dun ka na daw sa bilaran. Kunin mo na yung mga gamit mo.” Text nung katulong sakin. Sa mga oras na yung di ko naman sya inisip masyado wala naman akong galit o kalungkutan na naramdaman. Wala lang.
Sunod na text sakin sa sunod na araw ko na daw kunin yung gamit ko dumiretso na lang ako sa Pili. Tinext ko naman yung nanay ko at sabay kami bumyahe pauwi.
Sunod na araw kasama ko si Manay pabalik ng Naga para kunin ko yung gamit ko. Pagpunta ko sa apartment wala ka dun. Yung asawa mo lang at yung mga kapamilya nya ang nandun. Hanggang garahe lang nga kami di na kami pinapasok kasi alam mo… nakalagay sa garbage bag lahat ng gamit ko…
Alam mo ba kung ganu nakakahiya yung sumakay ka ng bus na may dala dalang gamit mo na nakalagay sa garbage bag? Siguro hinde. Pero wala parin lang yun sakin kasi wala naman akong Karapatan diba?
Sabi nga ng teacher ko “anak ka lang, asawa yun.”
Tama nga naman sya.
Pero iniisip ko bakit n’yo kaya yun ginawa sakin. May ginawa ba akong mali? Sorry hindi ako nakapaalam nung Monday na di ako papasok kasi gusto ko magstay sa katabi ng tito ko kahit patay na sya…
Mahal na mahal ko yun kahit minsan nakakatakot pero ang bait nun mahal na mahal nya din ako na pamangkin nya. Tinuring nya ko na anak nya, namimiss ko parin si Daddy Barbs hanggang ngayon kapag naaalala ko sya. Ang hilig nya magbinggo sa emall. Tapos sabong sa Pili hahaha nakakamiss talaga.
I’m getting off topic na ba? Sorry haha.
Dad. Alala mo ba yung last time na nagcelebrate tayo ng birthday ko? Siguro nung 2nd year highschool ako. Naghanda din kayo nun tapos ininvite ko yung mga kaibigan ko… pagkatapos wala na… simula nung 3rd year ako di na tayo naka celebrate.
Palagi mong text na lang sakin “sorry aki. Noodles na muna tayo wala kasing pera si daddy. Hehe” pero di naman tayo magkikita. Ilang taon mo na rin yan tinetext sakin hanggang ngayon na grumaduate na ako ng college… okay lang naman sakin dad. Alam kong busy at inilalaan mo ang pera mo para sa birthday ng mga anak mo at ng pamilya mo.
Pero sana wag mo na lang akong dramahan at paasahin na may next time na mangyayari. Nakakapagod din kasi umasa.
Recently din nga nagugulat ako na nag cha-chat ka sakin.
“hi aki di mo lamang namimiss si daddy? Di ka man lang nagttxt.”
Makiki joke din ako pero minsan gusto ko rin magreply na
“bakit ngayon lang dad? Diba ilang taon na din tayong di naman talaga nagccommunicate? Bakit magbabago pa tayo ngayon?”
Mas sanay na ko dun dad. Kasi di ko din naman alam kung anu pag uusapan natin.
Yung tungkol ba sa pagod ka na magtrabaho? Or yung wala kang pera? Or yung gusto mo umuwi sa pamilya mo pero wala kang pampamasahe? Or yung magpapadala si Nanay ng pera kasi kailangan ng pamilya mo?
Ako kaya? Anong tungkol sakin?
Pero well sanay na ako. Okay lang ako dad.
Alam kong di na mababalik yung dati dad. Yung pag gabi dati sa barracks sa San Felipe kasama yung mga kaibigan mong pulis. Mag uusap usap kayo tapos makikinig lang ako pero nakaka enjoy. Yung madaling araw na nagbbyahe tayo tapos makaka rating tayo sa may San Francisco para kumain sa karinderya doon.
Yung mga panahon na wala pa akong pinuprublema sa mundo. Pero masaya parin ako kasi naging tatay kita. Thanks dad. Sana maging masaya ka lagi.
KAMU SEDANG MEMBACA
Dear No one...
AcakIsang librong naglalaman ng mga bagay na gusto kong sabihin sa mga tao pero... wag na lang...😂😅
