VII

70.7K 2.8K 2.1K
                                    

NANGINGINIG NA LUMAKAD papalapit si Isaac sa madilim na parte ng kalsada

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NANGINGINIG NA LUMAKAD papalapit si Isaac sa madilim na parte ng kalsada. Tangan niya ang kanyang baril na nakatutok sa daan. Ngayon lang siya kinabahan nang ganito. Ano ba ang nilalang na ito? Mayroon din kasi itong mga matang kumukurap.

Ngunit nang mapagtanto niya kung ano ito ay napaayos siya nang tayo upang isuksok sa kanyang tagiliran ang kanyang sandata. Nakahinga siya nang maluwag kahit kamuntik na siyang takasan ng dugo. Isa lang pala itong – kambing.

"Kambing!" napapahalakhak pa ang anak niyang si Madelle matapos niyang ipaalam rito kung ano iyong nakita niya.

Minamaneho na niya ngayon ang sasakyan niya patungong presinto. Napapailing na lang siya sa pambubuska ng kanyang anak. Samantalang si Red ay nananatiling tahimik lamang sa backseat.

Pinagmasdan niya ang binatilyo sa rearview mirror. Nangangatog pa rin ito. Napakalikot ng mga mata nito.

Ano nga kaya talaga ang nangyari? Totoo kaya ang mga pinagsasabi nito? Hindi naman ito mukhang manloloko, hindi rin mukhang adik. Mukha nga itong matino.

Kung pagmamasdan si Red ay mukha itong may kaya sa buhay. Parang rich kid. Sa tantsa niya pa ay baka kasalukuyan itong nag-aaral din sa high school na tulad ni Madelle. Ang tanong lang ay kung paano ito naligaw sa lugar nila?

Naisipan niya itong tanungin. "Sino ang tinutukoy mong pumatay sa mga kaibigan mo?"

Tumingin lang ito sa kanya na para bang hindi nauunawaan ang kanyang tanong.

Nilingon ito ni Madelle. "Red, sino raw ba ang pumatay sa mga kaibigan mo? Kilala mo ba? Namukhaan mo ba?"

Napapikit muna ito bago tumingin sa kanya. "H-Hindi ko po kilala. Basta na lang po siya humarang sa sinasakyan naming van, pagkatapos... pagkatapos... pinatay niya na ang mga kasama ko."

"Hindi mo ba namukhaan?" tanong agad niya.

Umiling ito.

"Hindi mo ba maide-describe sa amin?"

Napaisip ito. "M-Mabilis siya... Malakas... N-Nakakatakot."

Nagkatinginan sila ng anak niya.

Muling nagsalita ang lalaki. "P-Parang awa nyo na po. U -Umalis na tayo sa lugar na 'to. S-Sigurado po akong uubusin niya ang lahat ng naninirahan dito..."

Ayaw niya itong paniwalaan pero hindi niya rin maintindihan ang sarili niya kung bakit siya kinakabahan. Wala pang nare-report na kahit anong krimen dito sa lugar nila, maliban noong nakaraang labing apat na taon sa may dulo ng bukirin. Noon ay may ni-rape at pinatay raw r'on. Pero last na ang crime na iyon, wala ng kasunod.

Nakita niya rin ang takot sa mukha ni Madelle. "Pa?" nangungusap ang mga mata nitong tumingin sa kanya.

Napabuntong-hininga siya. "Malapit na tayo sa presinto." Iyon na lang ang naisagot niya.

InsanusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon