Napapairap nalang ako sa mga taong nakikipagsiksikan para lang makalapit sakanya. Ay jusko, heto na naman ang mga kabaliwan nila. Isa pa 'tong adik kong kaibigan e, lakas tama sa not so famous Marcelo Santos III na ito.

Teka nasan na yung babaeng yon? Nasa tabi ko lang yon kanina ah? Luminga linga ako, to find her. Pero. . .

Our eyes, met again. At heto na naman yung pakiramdam kong tumitigil ang mundo. Yung totoo, galing din ba sya sa bituin katulad ni Matteo Do, at may kakayahan syang patigilin ng saglit ang oras sa simpleng titig lang nya? Pero shit naman, hindi pa ko nakakarecover sa pagkakatitigan namin ng bigla syang ngumiti. Kung pede lang malaglag ang panty ko, kanina pa nalaglag!

Ayan na naman tayo sa isang ngiti na yan e. Anong hiwaga meron ang ngiti nya? Bakit nakakahypnotize?

Seryoso, hindi ako OA dito. Nakakahypnotize talaga. Grabe yung ngiti nya bakit ganon, asim kilig nararamdaman ko sa tuwing makikita ko yung pamosong ngiti nya. Ni hindi ko nga namalayan na nakikipagpatayan na ko ngayon eh. . .

"Pucha! Tabi nga ate! Kanina pa kayo diyan eh!" ay mga bwisit talaga 'tong malalanding linta na 'to oh. Ako nauna e, at take note ang wagas nilang manulak ha? Wrestling-in ko kaya ang mga 'to?

Bago pa maunahan ang beauty ng lola nyo. Kailangan ko nang umaskyon, pinilit kong pumunta sa pinakagitna kung saan nandon si Marcelo. Walang pag-aalinlangang hinila ko sya sa braso at sinabing, " Kuya, papicture?"

"Ah sige, mamaya na may mga nauna pa kasi e." sagot nya.

Dafak? Inisnob nya ba ang beauty ko? Grabe sya.

Dun ko lang narealize na, oo nga may mas nauna pala sakin, yun yung mga babaeng nasa kaliwa nya. At nakatingin sila ng masama sakin ngayon, na akala mo ninakawan ko sila ng ginto. Leche sarap gilitan sa leeg.

"Game?" napaigtad naman ako ng magsalita sya. Shet bakit nakakakilig kahit yun lang naman yung sinabi nya? Grabe, normal pa bang kiligin kahit na simpleng 'game?' lang naman yung sinabi nya?

Sa sobrang kilig ko nung katabi ko na sya, muka akong natatae sa picture plus the fact na muka akong hindi nakapagsuklay. Ang saya diba?

--------

I don't know when and how it all started...

Basta ang alam ko lang. . .

"Ah hindi pala sikat? Hindi pala gwapo? At hindi mo pala trip? So, anong meron at nilike mo ang page nya?" Jheann teased me when she saw me, staring at the monitor.

Parang kanina lang kami nagkita, pero bakit pakiramdam ko gusto ko na kaagad sya? Seryoso walang halong biro! Sabihin nyo nang ang OA ko. Pero he looks really familiar. Parang nakita ko na sya pero hindi ko maalala. Bakit pakiramdam ko, matagal ko nang syang kilala, at matagal ko na syang nakasama. Epekto ba 'to ng kakabasa ko ng libro? Totoo pala ang love at first sight? Ngayon ko lang napatunayan. And there's something in his eyes, pero hindi ko mabasa.

Andito na kami ni Jheann sa dorm. At ilang oras na kong tutok sa computer para lang magscroll at magstalk sa page ni Marcelo, hindi ko kasi mahanap yung account nya talaga sa fb.

Nagsearch din ako ng something personal about him sa wikipedia kaso wala namang nalabas.

"Oy kinakausap kita? Bat bigla kang naging interesado kay Em?" pangungulit ni Jheann nang hindi ko sya sagutin sa unang tanong.

"Grabe ang cute nyang ngumiti..." i answered absentmindedly that made her chuckle for a moment.

"Hindi ako makapaniwalang naririnig ko yan sa'yo ngayon te." she paused for awhile then uttered. "Ay grabe DP mo na kaagad yung picture nyong dalawa?!"

"Wala kang pake, matulog ka na. Ang ingay mo."

"Ay grabe ang sungit ah? Wag kang mag-alala sa'yo na yang si Em. May Jared naman na ko." pang-aasar nya bago nagtalukbong ng kumot.

Bakit ang bilis? Karma ba 'to kasi kung ano anong sinabi ko sakanya? E sa totoo namang hindi ko sya talaga kilala eh.

Hindi ako naniniwala. Baka dahil lang sa ngiti nya, period.

--------

"Hala anong nangyare? Marcelo invasion ba ito?" si Jheann.

"Anong pinagsasabi mo na naman dyan?" i said rolling my eyes.

"Wallpaper sa phone, picture sa locker, bookmark sa libro, background sa desktop, ano pa? Baka pati bra at panty mo may picture na ni Marcelo ah?" she said narrowing her eyes on me.

"Ano naman?"

"Te parang kahapon lang hindi mo kilala tapos ngayon, ganyan ka na? Yung totoo?"

"Ang oa ah, nung nakaraan parang halos ipagduldulan mo sakin si Marcelo ngayon naman nagiinarte ka. Pero te, fangirl na talaga nya ko. Promise! Suportahan mo ko ah?"  nilingon ko sya pagkasara ng locker. Kinuha ko ang phone sa bulsa ng skirt ko just to check some updates sa page ni Marcelo my loves.

Smile flashed on my face after i read the announcement...

Marcelo Santos III shared Psicom Publishing's photo 5 seconds ago.

GOLD RISING 2!!! Are you guys ready? More than 25 books available! Plus surprises from our gold writers!!! See you all on January 29, 2014, 1pm

Where: Event center-Trinoma

you, Jhester Ann Pacinos and 1,130 people like this

like . comment . share

load previous comments

_______________________

Anykka Sierra: See you <3

like . reply . report

---------------------------------------

Jhester Ann Pacinos: Ay

malala ka na besty AnykkaSAMA KO AH!? :))

like . reply . report

---------------------------------------

Author's Note:

Dahil madaming nagmamahal kay Marcelo. Sige ipupush na natin ang story na 'to kahit hindi pa tapos yung BBI :)) Salamat sa lahat ng sumusuporta dito. Next time nalang yung mention ng username nung mga nagfollow, nagvotes, nagadd nito sa reading list nila. Basta alam nyo na kung sino kayo, salamat! Sa next chapter nalang, ililista ko pa kasi. Hihi :)

Click external link kung gusto nyong makita ang natataeng picture ni Anykka. Ang first picture nila ni Em togethaa! Go click it! (Kung may problema at hindi nyo makita, comment kayo or post sa mb, ke? Thanks!)

PS: Para kay superlove @garianna baby. Ang matiyagang nananalig sakin from the very start. Thank you! :*

**Hi din kay besty jhejhe! :))

PPS: Nov.05 na, HAPPY BIRTHDAY TO MEEEE! :)

Kamsahamnida,



HIME

Once A FANGIRL (A Marcelo Santos III's lovestory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon