ONE

1.5K 21 10

CHAPTER 1

Anykka Sierra /a-nik-ka/

Leche. Makalayas na nga dito sa shop. Nagsanib pwersa na naman ang mga trash talker kong schoolmates at idagdag mo pa ang mga babaeng to na kanina pa pinaguusapan ang isang video sa youtube.

"Oh Anykka! San ka pupunta?" si Jheann, typical bestfriend. Sheʼs not perfect, but i really love her. Period. Maybe weʼre just comfortable with the company of each other. And we trust each other that much..

"Aalis na ko bago pa, maubos ang earwax ko sa tenga. Nakakabingi na dito, di ka ba aalis?" lumapit ako sa tenga nya, para ibulong ang mga yan dahil alam kong magsisigawan lang kami kung hindi ko ilalapit ang bibig ko sa tenga nya. Hello? Mukang nabili na kasi nitong mga adik sa dota ang buong computer shop na to. Mura dito, mura dyan. Lait dito, lait dyan. Akala mo mga magpapatayan, para lang sa DOTA.

"Ah, sige susunod na lang ako sa school, tatapusin ko lang ʻtong time ko." tinanguan ko na lang sya. If i know, dahil lang andun yung crush nyang si Jared kaya sya nagpaiwan. Hay Jheann ako pa talaga, alam na alam ko na yang mga damoves mong ganyan. Anyway, suportado naman kita sa pangarap mong yan.

Isa akong tourism student habang ang bestfriend ko naman ay accounting student.

Half hour pa naman bago ang first class ko. Magbabasa muna ko sa library pagdating sa campus. Walking distance lang naman from school yung computer shop, so mas okay kung maglakad nalang ako, exercise na din.



SCREEEETCHHHH!!!

BEEEEEEEPPPPP!!!

BEEEEEEEEEEEPPP!!!

"Ay! Pucha naman oh! Aray ang sakit ah!" badtrip. Asa gilid na nga ako ng kalsada, kamuntikan pa kong madale. Pag sinuswerte ka nga naman oh.

Isang lalaking nakasuot ng Rayban shades, nakatucked in ang plaid polo sa dark blue pants nya. May stud din sya sa kaliwang tenga.Tapos yung buhok nya hindi ko alam kung sadyang gulo o nagulo lang. Messy, in short. At higit sa lahat, pati ngipin binakuran-- may braces. Sya ang lalaking sakay ng kotseng muntik ng bumangga sakin. Nice.

"Miss, are you alright?" am i alright? Seryoso ba ʻtong si kuya? Nagtanong pa talaga sya ha.

Ah alam ko na, baka naman bulag sya? Ah oo tama kaya sya nakashades! "Okay lang bulag ka naman e, pakisabi nalang sa driver mo na ayos ayusin ang pagmamaneho. Dahil hindi buong parte ng kalsada sakop para sa mga sasakyan. Yung gilid para daanan ng mga ordinaryong taong walang sasakyan, kung sakaling di kayo nainform tungkol don."

"Miss, hindi ako bulag." medyo iritableng sagot naman nya.

"Kung hindi ka bulag bakit tinatanong mo pa kung okay lang ako kanina? Hello? Kung ikaw ako, tapos kunyare muntikan ka na ding masagasaan, nagasgasan ka, naout of balance tapos natumba. Sa tingin mo okay ka pa din? Stupid? Sa tingin mo masarap magkaron ng ganito kadaming gasgas?" bwiset tong lalaki na to. Feeling gwapo. Porket naka-plaid polo at shades sya feeling nya kinagwapo nya na.


Tinulungan nya kong pulutin ang mga librong bitbit ko pati na din ang mga notebook na nalaglag sa backpack ko.

Pagtapos non, ay inoffer nya ang kamay nya sakin upang tulungan akong tumayo. Hindi ko nalang pinansin ang kamay nya. At pinilit ko nalang tumayo magisa. Kaso..


Ouch ansakit! Puro gasgas din pala ang binti ko. Ano ba yan, hindi na nga ako makinis nagasgasan pa. Badtrip! Nagulat ako ng hawakan nya ko sa braso at beywang ko, at tinulungan pa ding itayo kahit na obvious na ayaw kong magpatulong sakanya.

Once A FANGIRL (A Marcelo Santos III's lovestory)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!