TWO

911 17 8

CHAPTER 2

Anykka Sierra /a-nik-ka/

Leche. Nagsisisi na ko bat ko pa sinamahan 'to si Jheann? Yung totoo? 'Talk' o concert? Sige na naniniwala na ko na sikat sya, pero WATDAHEK? I didn't expect it na ganito kalakas ang hatak nya sa mga tao. Kahit mga mahihinhin at demure na kilala ko dito sa school naging wild just because 'The Marcelo Santos III' is here?

"AAAAAAAHHHH! Ayan na si Marcelo Santos!!!! Ang cute nya! KYAAAAAAAA~"

"Marcelo, papicture!!!!"

"Em! Kuya Em! Hellooooo!"

"Aaaaack! Marcelo ang gwapo mo talaga!"

"Sana sya nalang ang maging boyfriend ko!"

"Grabe! Hindi na ko makahinga sa kilig!"

"Sana akin nalang sya!"

"Crush kitaaaaaaa! Kuya EM!"

"KYAAAAAAAAAAAAHHH!!!"

This is totally and absolutely ridiculous! If madness, addiction and insanity had a face, the crowd are actually wearing it now..

Nakakabinging tilian, lahat ng tao nakatayo na. Maski ito mismong babaeng kasama ko na patay na patay kay Jared del Cruz, wagas na wagas magwala, na tipong pati ata tonsil at esophagus nya kalas kalas na sa sobrang lakas nyang sumigaw. Sino ba talaga sya? Bakit sya pinagkakaguluhan? Si Lee Min Ho ba sya? Kasing gwapo ba sya ni TOP ng BIGBANG? Kasing pogi ba nya si Jang geun Suk? Kamuka ba siya ni Mario Maurer? Or kasing hot ni James Reid?

Curiosity kills me. Kailangan ko nang makigulo kaya tumayo ako sa mismong upuan ko, pero hindi para makisigaw, titingnan ko lang kung anong itsura ni 'The Marcelo Santos III'. Good thing dahil nasa unahan kami ng stage, ang aga ba naman akong niyaya dito ni Jheann, ewan ko lang kung hindi mo makuha ang first slot malapit sa stage.

Standing in front of us, is just an ordinary man with ordinary looks. Nothing's special about him, actually.

The moment na hawakan nya ang microphone ay umpisa na din ng pagtahimik ng mga tao. At nagstand out ako, dahil ako lang ang kaisa isang babaeng nakatungtong sa upuan. Pababa na sana ko ng upuan when our gaze met then he gave me a sincere smile...

Isang ngiti...

Isang ngiti na nagpakilabot sakin hindi dahil sa takot kundi sa hindi maipaliwanag na kabang nararamdaman ko ngayon. Akala ko sa libro ko lang mararamdaman yung ganitong feeling. Pero akalain mo yon ng dahil sa estrangherong 'to, pakiramdam ko nasa mundo ko ng libro.

Ang cliche mang pakinggan pero ng dahil sa isang ngiti, pakiramdam ko nagslowmotion na ang paligid. Pakiramdam ko bigla akong nakuryente. Pakiramdam ko napuno ng paru-paro ang paligid. Pakiramdam ko may mga choir na kumakanta kasabay ng orchestra sa gilid ng stage. Higit sa lahat pakiramdam ko lumulutang ako...

PAK!!!

"Aray!" hiyaw ko ng bigla akong makaramdam ng pagpalo sa binti ko, pagtingin ko si Mrs. Pelaez pala, tapos lahat ng tao nakatingin na sakin, including Marcelo na natatawa sakin. And that brought me back to reality.

"Ms. Sierra, sit down! The program is about to start, so wag ka nang gumawa ng eksena. Nakakahiya kay Mr. Marcelo, agaw atensyon ka." agad akong bumaba sa upuan saka umupo ng maayos. Great. Shame on me.

--------

"Hoy bakla ka, halika bilis! Picturan mo kami ni Em. Pang DP ko din 'to sa facebook! Shocks! Tara tara bilis!" i am about to protest pero bigla na kong hinila ni Jheann sa crowd kung saan nirereyp si Marcelo ng mga estudyanteng katulad ko, most of them are girls, though, meron din namang mga konting lalaki at pusong babae.

Once A FANGIRL (A Marcelo Santos III's lovestory)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!