PD #3

7.6K 222 21
                                    

Maximillian Oz Mondragon
 
Ayun nagwalk-out nanaman si Astrid, tatlo nalang kaming naiwan dito sa rooftop, as usual tulala nanaman si Nagisa, si Inosuke naglalaro ng cell phone. Nasanay nalang sila sa ugali ni Astrid.
 
”Kuya bakit umalis si Ate Wren” tanong ni Theo na kakarating lang
 
“Paano, napagtripan nanaman ni Zachary.” Sabat ni Inosuke
 
“Kaya naman pala mukhang badtrip iyon eh”
 
“Nagisa, tulala ka nanaman. Tara punta tayo UNDERGROUND GYM, naboboring ako e.” sabi ni Inosuke
 
“Sige, go ako jan.” sabi ko at tumayo na kaming tatlo, at bumaba ng ng rooftop.
 
We are the CInco Sangrientos, in English, Bloody Five. We are currently the top 1 gang in the world, and the UNDERGROUND is our playground.
 
I am Maximillian “Max” Oz Mondragon, known as M in the UG, and I am in charge of sniping and long range shooting.
 
Wren Astrid Mondragon, my sister, is the leader of the gang, known as W in the UG and she’s exceptional at everything, all around combat and such.
 
Theo Augustus Mondragon, known as T in the UG, the brains of our gang, he is known for technologies and stuff, and he’s awesome combat skills.
 
Inosuke Hashibira, known as I in the UG, he is excellent in archery and martial art skills.
 
Nagisa Shiota, known as N in the UG, he is the best blade user you’ll ever know, and he’s marvelous at short range shooting too.
 
And we are the “Cinco Sangrientos”
 
“Whoever comes first, will have 10,000 pesos at ang mahuhuli, sya magbabayad, game?” sabi ni Inosuke sa call through our cars. Ang isip bata kahit kelan pero sige patulan na natin to.
 
“G!” sabay sabay naming sabi at nagpaunahan na sa HQ ng CS (Cinco Sangrientos)
 
NAGISA SHIOTA
 
Kasalukuyan kaming nagpapaunahan sa HQ dahil sa kalokohan ng mokong na yun. Btw, I am half Japanese just like Inosuke and we have names from anime, ewan ko sa trip ng mga magulang namin porke’t same yung last names namin sa mga yun. Nagisa Shiota from Assassination Classroom and Inosuke Hashibira form Demon Slayer (Kimetsu no yaiba). Weird ayt? But nevermind.
 
 
“Hoy Theo!” –Inosuke
 
“Ano nanaman ba hapones?!”
 
“Mananalo ako ngayon! Bwahahahahahaha”
 
“Well, let’s see”
 
Isip bata talaga to si Inosuke kahil kelan. He’s my best buddy by the way, halos magkapalit na kami ng mukha nyan eh, paano magkapit-bahay na nga kami, magbestfriend pa mga magulang namin.
 
Wala pang sampung minuto, narating na namin yung entrance ng HQ namin. Well, ako ang nanalo, sumunod sakin si Max, si Theo at syempre sinong talo? Kundi ang nanghamon. Hahaha. Yes hello 10K.
 
“Hoy Inosuke, akin na 10K” sabi ko habang nakalahad kamay ko sa kanya pagbaba naming lahat ng sasakyan.
 
“Bwiset talaga oh!”
 
Sabi nya sabay kamot sa ulo, bago kami pumasok ng elevator paakyat sa first floor inabot nya sakin yung 10K.
 
“Ayan maghamon ka pa ulit, di ka na natuto” sambit ni Max, nag-tsk nalang ang talo. Pfft.
 
Our headquarters consists of 2 floors and an underground parking lot just like from other malls, if you’re familiar with that. The first floor has house-like design, consisting of 2 rooms; bedroom for the 5 of us and a walk-in closet. The second floor was our training grounds.
 
Pumasok kaming apat sa walk-in closet, nagpalit ng mga damit namin at sinuot ang jacket at maskara  na may simbolo ng grupo namin sa likod. Kumuha na rin kami ng kanya kanyang mga armas at dumiretso na sa parking lot. Kanya-kanyang sakay sa ibang sasakyan at dumiretso na sa UNDERGROUND.
 
Hindi umabot ng labinglimang minuto narating na namin ang pakay namin. Ang dami paring tao, daming iligalista sa lugar na to e. Paliko na kami sa UNDERGROUND GYM nang may naaninag akong babaeng nakasakay sa Ducati na nakamaskara, teka lang, si Wren ba yun? Shit. Pagbaba namin ng sasakyan, agad kong nilapitan si Max.
 
“Max, di ako sigurado pero parang nakita ko si Wren kanina”
 
“Shit. Saan mo siya nakita banda?” sabi niya habang sinusubukang tawagan si Wren.
 
“Bago tayo lumiko nakita ko syang nakamotor, di ko alam kung saan siya didiretso. Suot nya yung maskara nya Max, mukhang may papatayin nanaman siya.”
 
“Tangina talagang Zachary to. Iniiwas ko sana muna sa gulo si Astrid eh. Sobrang nadedelikado na buhay nya. Fuck! Out of reach cell phone ni Astrid. Walang tutuloy sa gym, hahanapin muna natin sya”
 
Sumangayon naman ako at pinaliwanag sa dalawa ang nangyare. Si Theo sobrang tahimik habang nagpapaliwanag ako, mukhang alam niyang pumunta dito si Astrid. Nilapitan ko sya.
 
“Theo”
 
“Oo na. Alam kong pumunta sya dito Kuya Nagi. Ayoko sanang sabihin kasi pinagkatiwalaan ako ni Ate na wag sabihin sa inyo tsaka ayokong mag-alala nanaman ng sobra si Kuya. Pasensya na. Di ko naman akalain na makikita mo siya ditto.”
 
“Hays. Wag ka nalang maingay sa Kuya mo, baka kayo pa mag-away. Tara na hanapin natin ate mo.”
 
 
Wren Astrid Mondragon
 
Shit. Bakit nandito sila kuya? Fuck! Sana di nila ako nakita, ayokong masermunan nanaman tss. Pinarada ko na yung motor ko sa tagong eskinita na limang metro lang ang layo sa gusali na aakyatin ko. Nakaitim ako simula ulo hanggang paa at yung baril ko nakalagay sa bag na nakasabit sa balikat ko. Walang pakialaman ang mga tao dito, kaya kahit na makasalubong nila ako na ganito ang itsura ko, wala nlang sa kanila yun dahil syempre UNDERGROUND to.
 
 
Umakyat na ako sa gusali na pakay ko, katapat ito ng gusali na pagmamay-ari nila Cacius Axel Gerard. Merong anim na palapag itong gusali, mas mataas ng isang gusali kumpara kila Mr. Gerard at pinili ko ang pinakatuktok na palapag.
 
 
“Hoy, sino ka at anong gingawa mo dito?” argh, what nowwww?! Humarap ako sa kanya at bigla naman siyang napaatras, yan ganyan, matakot ka sa taong nasa harapan mo ngayon.
 
“P-pasensya na po. Hindi ko nakita na kayo pala iyan. Patawarin niyo ko sa kabastusan ng ugali ko” nanginginig na sabi ng lalaking di ko kilala kung sino. Baka naghahari harian dito.
 
“Tandaan mo, wala kang nakita. Kapag may nangyaring hindi maganda, hahanapin agad kita.” Sabi ko habang hinahawakan ang kwelyo nya. Tumango naman siya at tumakbo agad ng mabilis.
 
Meron akong tatlong maskara. Itong suot ko ngayon, sa Cinco Sangrientos at sa Amperor Corporation. At itong suot ko ay kilala bilang “Unknown Reaper” ng UNDERGROUND, kaya ganoon na lamang ang reaksyon ng lalaki kanina. Tss. Abandonado na tong gusali na to pero ang dami paring pumupunta dito.
 
Pumasok ako sa isang kwarto at siniguradong walang makakapasok dito. I set the McMillan Tac50 at the middle window, I checked if the aim is locked-on to the victim. Well, ang gago eh pranteng nakaupo sa swivel chair nya na para bang walang mangyayare sa kanya ngayong araw. Pfft. SUmilip ako sa telescope ng baril ko, hindi ko na papataglin to. Hingang malalim at bang! Fucking shit gumalaw sya. Tangina. Delikado to. Dali-dali kong niligpit ang baril ko at tinapon sa labas, kung saan malapit nakaparada ang motor ko. Tangina talaga. Kung minamalas ka nga naman talaga oo.
 
Pagtingin ko sa kabilang building, nakita kong andaming taong bumababa na may dalang baril. Shit talagaaaaa.
 
“Rain, call Kuya Max”
 
Dialling…..
 
“ASTRID! NASAAN KA NGAYON?!”
 
*Bang bang bang* ayan na pinapaputukan na nila yung building na to.
 
“Kuya, sa tapat ng building nila Cacius Axel Gerard.”
 
*bang bang bang*
 
“Shit. Antayin mo kami, papunta na kami”
 
End Call.
 
 
Tinawagan ko si Kuya kasi kahit na kakayanin ko silang lahat kalabanin, matatalo nila ako sa sobrang dami nila.
 
Oh shit!
 
Agad akong yumuko nang may nakita akong lumilipad na kutsilyo. Sampu silang nakaharang sa hagdanan ngayon at alam kong dadami sila nang dadami.

Pretty DeadlyWhere stories live. Discover now