Rest. If not, try & don't give up. Rest :)

Start from the beginning
                                        

Nung nakaharap ko ang pari, di ko alam kung saan ako magsisimula. Di ko alam kung paano i-explain ang pagpunta ko roon. Ipapakita ko ba ang verse sa Bible? Sasabihin ko ba sa kanya kung ano ang mararamdaman ko? Matutulungan kaya ako ng pari?

Pagkatapos naaalala ko ang nasabi sa Bible. Baka matulungan ako ni Kiko sa pagsabi nito. Tutal puro "Ihayag, Ihayag" ang nasasabi ni Kiko.

Sa mga oras na ito, nagmamadali ang pari. Panay ang ayos nga niya sa kanyang gamit pero hinayaan niya akong makausap siya kahit ilang minuto lang. Kaya hinayaan ko si Kiko na magsalita pero ang lumabas ay yung parang Chinese na salita. Tongues of fire na kaya ito?

Hinawakan ng pari ang ulo ko. Ipinatong niya ang kamay niya sa aking ulo at tumigil ako sa pananalita ng tongues of fire. Ipinakita ko sa kanya ang verse at ang sabi ng pari na... Well nakalimutan ko ang buong sinabi niya. Basta ang sabi niya na ang ginagawa ko ay bible flipping. Binubuklat ko ang Bible sa iba't ibang pages. Baka sa sobrang dami nun, baka di ko naintindihan iyon. It takes a lot of time and learning para maintindihan ang Bible. Mag-aral na lang daw ako para sa Bar exam. There is nothing to worry. Worry? Eh ano ang nararamdaman ko na iyon? Pero nagpasalamat ako sa kanya kasi kahit paano nawala ng saglit ang kaba ko at naintindihan ko ng kaunti ang tongues of fire. Basta kung ano ang baptism nasa Bible iyon.. in the name of the Father, of the Son and of the Holy Spirit.

Sa tingin ko, marami pa akong matutunan sa pagbabasa ng Bible. Mas maganda na magbasa muna sa New Testament. Baka bumalik kasi ang pagkakaba ko o panginginig ng katawan ko kapag magbabasa ako ng Old Testament. Ang book ni Jeremiah ay nasa Old Testament. Matagal ko itong binabasa at nararamdaman ko ang sobrang bigat ng mga salita. Salita ni Diyos Ama. Madalas sa sobrang bigat, nahihirapan kong ibigkas ang mga salita dito. Nawawala pa minsan ang ilang salita. O di kaya  lumalaki o gumagalaw ang mga salita. Paminsan nagiiba ang boses ko kapag binibigkas ko ang salita. Para bang matandang tao ang aking boses? Pagkatapos kikilabutan ako at manginginig ang katawan ko. Nakakarinig pa ako ng static sa right ear. Nararamdaman ko pa na may humahaplos sa right cheek ng aking mukha. Pataas ang ramdam ko na hawak niya sa aking pisngi. Kaya akala ko na nakangisi ang bibig ko. Sneering o ngisi ang aking look. Kaya panay ang tingin ko sa salamin kung tumabingi ang aking bibig.

Siguro po na pagod na ako sa pagbabasa pero pinipilit ko lang basahin ang Old Testament kaya nararamdaman ko iyon noon. Akala ko may ibig sabihin ito pero wala naman. Itinatanong ko ito kay Kiko pero puro "Ihayag, ihayag" ang kanyang sinasabi.

Ang ibang verse ay shine-share ko sa Facebook, Wattpad at sa notebook. For research at baka makatulong ito sa mga tao. Baka sakaling matulungan ako. May sinusulat ako noon sa notebook. Nilagyan ko ng instructions kung paano ito babasahin pero sa sobrang dami nun, baka maguluhan ang magbabasa nun. Kaya ang mga notebooks, itinapon ko na lang. May ilan pa natira. Napansin ko kasi na kapag uulitin kong basahin ang verse sa Bible nagbabago rin bigat ng salita, ibang tunog sa pagsasabi ng salita at pagkawala ng salita. Siguro naguguluhan kayo, readers, sa sinasabi ko. Hahaha!

Nilagyan ko na lang kasi ng mga guhit, bilog, square at kung anong figure sa mga salita sa Bible habang sinusulat ko ang mga salita sa notebook. Baka maguluhan kayo sa pagbabasa nito kaya minabuti ko na lang itigil ang pagsusulat ng ganito sa notebook. Itinapon ko na rin. Baka mahanap ninyo pa iyon at baka maguluhan pa kayo.

Hindi ko naman alam kung para saan ang sinusulat ko sa notebook. Baka mapasama pa ito sa inyo. Kaya huwag na lang.

Naghahanap na lang ako ng paraan para mai-share ko ang mga salita sa Bible. May time kasi na nakakaramdam pa ako ng takot at kaba. At siguro nga ito ang gustong ihayag ni Kiko para sa akin at para sa lahat. Well, di ko sure kung para sa inyo rin ito. In-assume ko lang. Siyempre gusto ko na i-share ang nabasa, napag-aralan at na-research ko. Wala lang. Gusto ko lang i-share. Baka makatulong. Kaya kung na-offend, naivnis, nang-asar, nalungkot, natuwa, maguluhan, natakot o kung ano man ang naramdaman ninyo sa pagbabasa ng mga sulat ko, pasensya po.

FollowersWhere stories live. Discover now