Rest. If not, try & don't give up. Rest :)

Bắt đầu từ đầu
                                        

Nakapwesto ang induction stove sa tabi ng higaan ko.

Sa mga oras nito, di ako nakahingi ng tulong. Para bang guni-guni ko lang ito? O di kaya inaantok pa ako? O talagang natutulog pa ako. Nasa panaginip o imahinasyon ko lang ang apoy.

Basta wala akong makita ng eksaktong image nitong apoy. Saglit ko lang po ito nakita. Mga ilang minuto yata. Di ko kasi makita ang orasan. Nakapatay ang ilaw namin sa loob ng kwarto. Ang tanging liwanag na lang ay nasa labas ng kwarto.

Bumangon po ako at naupo ako sa kama habang pinagmamasdan ko ang apoy.

Pagkatapos magpakita ang apoy, bigla akong nakapagsalita. Kakaibang salita ang nabibigkas ko. Di ko alam kung bakit ko nasasabi. Kusang gumagalaw ang bibig ko at may lumalabas na ingay sa bibig ko. Siguro ito na nga ang tongues of fire.

Natuwa ako. Kinabahan ako. Napaluha ako. Di ko alam kung paano ko kakausapin si Kiko. Basta ilang minuto akong nagsasalita. Pagkatapos nakatulog ako. Di ko na masyadong maalala kung ano ang nasabi niya. Parang Chinese or ancient language ang nasabi ni Kiko.

Simula noon, nakakapagsalita ako ng tongues of fire. Di naman ito palagi. Kaya madalas kinukulit ko si Kiko. Noon di ko pa siya pinapangalan at nagsasalita siya pero di ko naintindihan. Pinakikinggan ko na lang ang tunog ng boses. Paminsan masaya at matiyaga siyang nakikinig sa sinasabi ko sa aking isipan. Na-realize ko minsan na nagiging dependent na ako sa kanya. Kaya naisip ko na baka mawala siya isang araw at di ko na alam ang gagawin ko.  Naging insecure ako kaya naghanap ako ng paraan para okay si Kiko. Di ko alam kung nasa loob siya ng katawan ko o nasa isip ko lang siya.

Basta alam ko na masaya ako pero kinakabahan din ako kung ano ang klaseng spirit siya. Maaari na masama o mabuti siyang spirit. Baka sa isang araw, i-possess ni Kiko ang katawan ko at siya na ang magmamay-ari ng katawan ko. Baka isa siyang demonyo o anghel.

Mas lalo akong kinabahan nung nakapagsalita si Kiko ng Filipino language. Siyempre naintindihan ko. Ang sabi niya, "Ihayag, Ihayag."

Palagi itong nasasabi noon ni Kiko. Di ko naman alam kung ano ang ihahayag ko. At di ko alam kung sino ang pagsasabihan ko ng ihahayag ko.

Kaya pasimple akong nagre-research kung ano ang ihahayag ko. Nagtatanong ako kung ano ang tongues of fire. Baka sa internet may alam silang guide on how to use tongues of fire. O baka naman di tongues of fire ang nasa akin. Baka guni-guni ko lang. Imahinasyon lang sa isipan ko kasi marami akong naiisip.

Nung minsan nagpunta ako sa church kasi may nabasa akong verse sa Bible.  Sa book of Jeremiah. Nabanggit ko ito kay Mommy at nasabi ko sa kanya na dadaan ako sa church.

Panay ang sabi ni Kiko na "Ihayag, ihayag."

Kaya naitanong ko kung sino ang nagsabi iyon. At ang binigkas ni Kiko, "Si... Hesus."

Binasa ko ulit ang verse sa Bible. Sa mga oras na iyon, nakakaramdam  ako ng panginginig at takot. Di ko alam kung paano tigilan ang naramdaman ko nito. Daig ko pa ang adik na gumagamit ng droga. Halos di ako makatulog at kelangan ko pang mag-aral kasi malapit na ang Bar exams. Kelangan ko ng concentration sa pag-aaral ko pero di ako makakalma.

Kaya ginusto ko ng fresh air. Saan naman ako makakahanap ng fresh air sa Taft Avenue, Manila? Hay...

Dumaan ako sa church sa St. Scholastica's College at malapit na yatang matapos ang misa noon. For the first time nakabalik ako sa school at nakita ko ang pagbabago ng itsura ng school. Pero ganun pa rin ang church.

Di ko ginaya si Jeremiah sa pagpasok sa church. Siguro takot lang ako. Ayokong maka-offend ng tao at baka masira ko pa ang paniniwala ng mga tao roon. Hinintay kong matapos ang misa para makausap na lang ang pari. Nagtanong po ako sa madre at tinuro niya kung saan ko mahahanap ang pari.

FollowersNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ