Ch. 14

5.9K 96 4
                                    

CICERO


"Zaldy, what the fuck!?" hiyaw ko ng ipadampot niya ko sa apat na bodyguard niya at sapilitang ipinasok sa kotse niya.

"Shut up, bro. I'm just doing what Paps told me to." hikab niya. Kauuwi ko lang matapos kong ihatid si Henri sa bahay nila ng madatnan ko siya na nakaabang sa labas ng bahay ko at pinapakain ng pagkain ang mga aso ko.

"Fuck you, sinabi ko nang uuwi ako. Maybe after a week!" singhal ko at napahilamos nalang ng isara nila ang pinto.

"I don't give a damn, dude. Gawin mo ang gusto mo pagtapos kitang maihatid sa bahay, but for now, shut your filthy mouth first. You're a pain in the ass, ya' know?" sabi niya at umupo sa passenger seat.

"Fuck it." nai-ungol ko nalang dahil sa asar.

"Tsk. I don't know what comes to your mind to do those shits. But then, I want to ask you," tumingin siya sa'kin mula sa review mirror. "Anong balak mo sa babaeng 'yon?" seryoso ang mukhang tanong niya.

"I don't know what you are talking about, Zaldy. Basta Girlfriend ko 'yon." sagot ko.

He smirk then shake his head twice, "Anak siya ng kalaban natin sa negosyo.." mahinang sabi niya bago senyasan ang driver na magmaneho na. "Distance yourself to her, Zero. Bago pa mahuli ang lahat."

Huminga ako ng malalim at isinandal ang likod ko sa upuan, naalala ko na naman ang napaka-gandang mukha ni Henri sanhi para mapangiti ako.

Ulol, asa kayong susunod ako sa inyo. Akin si Henri. Wala akong pakielam sa away na 'yan, basta sa'kin ang bagsak niya.




...

HENRIETTE


Mugto ang mata, malaki ang eye bag, halatado rin ang dark circles sa ilalim ng mga mata ko. Para akong sabog sa rugby na ang part time job ay pagiging zombie.

Putangina lang.

Tatlong araw na ang nakakalipas pero hindi naman tinupad ni Zero ang sinabi niyang liligawan niya ko, at ang matindi pa..

..Hindi ko na makita maski anino niya!

Tangina ng gagong 'yon, mukhang virginity ko lang talaga ang habol. Paksyet siya, manggagamit!

Pinangako kong pag nakita ko siya, dudurugin ko talaga ang junjun niya! Hayup ang lalaking 'yun.

Pati ang selpon ko, dala niya! Naiwan ko kasi yun nung huling gabing may nangyari sa'min, at kinabukasan nga noon ay hindi ko na siya nakita pa.

Dapat talaga'y hindi ako naniwala sa mga pinagsasabi niya, manloloko siya at niloko niya 'ko!

Sa loob ng tatlong araw na 'yun ay takang-taka na sila Mama kung bakit mugto ang mata ko at para lagi akong namatayan. Ang ginagawa ko nalang na dahilan ay nanonood ako ng K-drama na sobrang nakakaiyak, si Asher naman ay tahimik lang at laging naka-obserba sa'kin tuwing lalabas ako ng kwarto ko.

Alam ko namang may alam siya at mas pinipili niya lang na manahimik.

"Oy! Ikaw naman ang magbantay sa bakery, ako na kahapon at nung isang araw tapos ako parin ngayon? Ano, ako na lagi? Baka gusto mo namang kumilos! Puro ka pasarap d'yan ah!" rinig kong lintanya ni Diday sa labas ng kwarto ko matapos ang tatlong malalakas na katok.

Pinahid ko ang luha ko at inayos ang buhok ko, "Pabantayan mo muna kay Asher!" pasigaw na sagot ko para marinig niya.

"Boploks ka ba? Alam mo namang pag yun ang nagtitinda laging mali-mali ang ibinibigay!" sagot niya pabalik. Napahilamos ako.

Lewd And Lust | CompletedOnde histórias criam vida. Descubra agora