Nang muli siyang umapak sa lupa ay muli na niyang iminulat ang mga mata, nanggilalas siya sa namumalatan--- sapagkat tumigil ang lahat. Umapaw sa tuwa ang puso niya, ngunit hindi rin nagtagal... agad na siyang nagpatuloy.

"Kapit lang Tita, malapit na tayo!"anas niya rito ngunit nanatili lamang itong nakapikit at hindi na umiimik.

Mabilis ang ginawa niyang pagtalon, hanggang sa higupin na sila ng tubig pailalim papunta sa mundo ng Acceria.

BIGLA ang pagsagap ng sariwang hangin ni Kendra, mula sa kinaroroonan. Kitang-kita niya ang wasak na lupain, naagaw ang pansin niya sa paglalaban ng dalawang nilalang.

Nagmadali siyang umahon, kasabay ang pagtapak ng kanyang mga paa sa lupa ay ang pagsulyap ni Timothy sa kanyang kinaroroonan. Kaya upang hindi nito nasangga ang pagtama ng puwersadong atake ni Hanzul.

Sumadsad ito sa lupa, naghumiyaw ito dahil sa malakas na pagkabagsak nito.

Mabilis na ibinaling ni Hanzul ang mga mata kay Kendra nasa mga mata nito ang pinaghalong galit at poot. Umangil ito kasabay ng mahaba at nakakakilabot na huni, naglabasan ang mga pangil nito; handa na itong manakmal anumang oras.

Si Kendra naman ay inihanda na rin ang sarili sa pakikipagsagupaan sa nilalang na kalaban ni Timothy. Ngayon niya lang napagtanto na si Timothy ang nilalang na napasadsad sa lupa.

Isang mabilisang galaw ang ginawa niya, agad niyang ibinaba si Trinity, napakagat-labi siya. Hindi na niya maramdam ito, pati ang pagtibok ng puso nito'y hindi na niya naririnig. Bigla niyang pinatigil ang oras. Muli ay binalikan niya sa isip ang huling usap nila.

Si Timothy ang anak ng Tita Trinity niya habang ang pasalakay sa kanya na Lobo ay si Hanzul, ang Hari ng mga Lobo. Ito ang nag-iisang minahal ng Tita niya.

Mula sa malayo ay kitang-kita niya si Merlous. Napuno ng hinanakit ang buong pagkatao ni Kendra. Mabilis niyang nilapitan si Merlous, muli nagsigalawan ang lahat.

Nagtagpo ang mga mata nila ni Merlous mabilis niyang dinakma ang leeg nito. Itinaas niya ito sa ere, pilit nitong tinatanggal ang kamay ni Kendra na mahigpit ang pagkakahawak sa leeg niya. Nagpapalag si Merlous habang nanlalaki ang mga mata nito.

"Bitiwan mo ako!"marahas nitong anas sa pagitan ng pag-ubo.

Unti-unting nagdilim ang buong kaisipan ni Kendra. Wala na siyang ibang pinakikinggan kung 'di ang sarili na lamang. Mabilis niyang hinawakan ito at ibinalibag, lahat ng ginawang pagpapahirap nito sa kanilang lahi at sa Tita niya'y biglang dumaan sa kanyang isipan. Hindi niya ito tinigilan kahit nagmakaawa na ito. Malakas niya itong ibinato sa isang matayog na puno, napaigik ito matapos tumama ang katawan nito roon. Agad niyang nilapitan ito.

Nag-ipon siya ng puwersa papunta sa kanyang kamay. Balak niya'y baliin na ang leeg ni Merlous.

Natigil sa binabalak si Kendra ng maramdaman niya ang paghawak ng isang kamay sa kanyang balikat.

"Huwag Kendra, tama na."

Nilingon niya si Timothy, umiling pa ito. Unti-unti ay nagbalik sa dati ang kulay ng mata niya. Muli ay naging itim iyon.

Niyakap siya ni Timothy kaya upang tuluyang mapaluha sa bisig ni Timothy si Kendra.

Napatingin si Kendra sa kinaroroonan ng Tita Trinity niya. Magkayakap sina Hanzul at ito. Sa tingin niya'y nasabi na rin ng Tita niya kay Hanzul na si Timothy ay anak nila.

Bigla siyang naiyak sa isiping iyon, masakit pala ang katotohanang hindi talaga sila puwe-puwedi ni Timothy. Tila naman nabasa ng binata iyon, magsasalita na sana ito ng bigla ay napalingon sila sa kalangitan. Nahati ito sa gitna, kasunod niyon ang malakas na pagyanig at pamumula ng langit na sinabayan ng matatalim na kidlat at malakas na tunog ng kulog.

Kitang-kita nila ang pagbaba ng mga nilalang na walang mukha, ngunit kung titignan; anyong tao ang mga ito. Ang pagkakaiba lamang ay nakakasilaw ang kaanyuan ng mga ito at tila kasing tayog ng puno ang laki ng mga ito.

Sa pagtapak sa lupa ng mga ito ay biglaang may hindi nakikitang puwersang gumapang sa kanila. Nangilabot ang bawat-isa sa kanila.

Tila nanlalambot at nawalan ang lahat ng lakas.

"Mga lapastangan, ang mabuti pa'y mawala na kayong lahat..."

Kasabay ng pagtingin ng mga ito sa bughaw na langit na tila humihingi sila ng permiso sa ama ng lahat.

Mabilis na nagdilim ang kalangitan, unti-unti ay tila may namumuong itim na butas, mayamaya'y isa-isa ng hinihigop ang mga ilang zombie sa karatig na lugar sa Acerria papasok sa butas. Maki ang ilang mga puno at lupa'y napapasama na sa paghigop ng malawak na butas.

Biglang nangamba silang lahat, napatingin si Kendra ng marinig niya ang mahinang pagtawag sa kanyang ngalan ni Trinity.

"Kendra n-nasaan ang banal na bato?"tanong nito sa kanya.

Bigla ay lumipad ang tingin niya kay Merlous na tuluyan ng napatulala sa itim na butas.

"Merlous akin na ang bato!"mariing sigaw at utos ni Kendra.

Ngunit sinamaan lang siya ng tingin nito.

"Akin lamang ang banal na bato!"sigaw nito, nagtatakbo ito palayo ngunit hindi pa ito nakakalayo ay humarang na ang isa sa mga nilalang na nanggaling sa itaas.

"Isa kang lapastangan ang batong hawak-hawak mo ay sagrado at hindi maaring mapasa-iyo. Dahil masama ang budhi mo, tanging hindi mapag-imbot at malinis ang puso ang maaring humawak nito! Galing pa ito sa kasamahan namin na si Herriena."

Hindi na nito hinayaang makapagsalita si Merlous. Sa isang pitik ng hintuturo nito sa noo ni Merlous ay naging abo ito.

Lumipad ang tingin nito sa kanila, bigla'y naramdaman na ni Kendra ang katapusan ng kanilang buhay. Naluha si Kendra dahil tuluyan niyang nabigo ang amang Hari.

Ngunit bigla silang natigilan na sa isang kisap-mata'y pumagitna si Trinity. Natigilan ang mga nilalang sa paglapit sa kanila, nanlaki ang mga mata ni Kendra ng lubusan niyang maintindihan ang nangyayari.

Nakikipag-usap si Trinity gamit ang isip nito, napalingon siya kay Hanzul na kasalukuyang nanigas sa kinaroroonan.
Napakagat-labi si Kendra, nasa kasukdulan na ang paggamit ng Tita Trinity niya ng kapangyarihan nito.

Maski si Timothy na katabi niya'y unti-unti ng naluha.

"Mama!"mariing sigaw ni Timothy.

Napasulyap ang mga mata ni Trinity sa gawi ng anak niyang si Timothy may bahid na ng luhang dumadaloy sa pisngi nito.

Huling sulyap ng inang nagmamahal sa anak na handang isakripisyo ang lahat-lahat.

Sa isang iglap ay napuno ng liwanag ang buong paligid, hanggang sa tuluyan silang nasilaw sa liwanag na hatid ng isang malagim na katapusan.

HUNTING KENDRA(The Last Vampire)COMPLETEDWhere stories live. Discover now