Twenty-Two

142K 3.2K 377
                                    

"WHY the fucking not?!"

Luh. Nagpo-propose ba ito o namimilit? Bakit galit pa, siya na nga ang ginulat nito sa "Marry me, vixen" nito?

"Bakit kita pakakasalan? Jeez, devil. Magpatingin ka nga, baka hindi lang makina mo ang sira. Nadamay na rin yata ang ulo mo. Oh wait, matagal na nga palang questionable ang katinuan mo." Tatalikod sana siya para umiwas at makabawi sa pambibigla nito sa kanya, pero hinapit siya nito sa beywang para ibalik siya sa harapan nito.

"Goddamnit, vixen! Seryoso ako! I fucking want to marry you!"

"Eh ano ngayon?"

Lumabas na naman ang mga pangil nito, pero medyo na-throw off balance rin sa sagot niya kaya hindi maitodo ang galit. Sheesh. Sala sa init, sala sa lamig. Lalambing 'tapos magiging demonyo uli. Pero kung tutuusin, big deal na rin na nagagawa niyang ilabas ang softer side nito dahil may palagay siyang nakabaon at nakasemento na iyon dati. Ang magkaroon ng change sa character nito sa loob ng maikling panahon dahil sa kanya, somehow she felt proud of that. Maybe... she meant a lot to him para maimpluwensiyahan niya ito nang ganoon.

"You don't want to get married?"

"Sheesh. Bakit kita pakakasalan, devil? Boyfriend ba kita? 'Yon ngang last boyfriend ko, binreak ko nang mag-propose sa akin dahil hindi ko nakikita ang sarili ko bilang asawa niya, 'tapos ikaw pakakasalan ko? Hindi naman tayo nagkaroon ng relasyon."

"But I'd been your man too, vixen. Wala lang tayong naging relasyon, but we've shared more than just a few fucks in bed. Mayroon tayong connection."

"Really? Hindi ko ramdam. Akala ko hanggang sex lang tayo. In fact, sabi mo sa akin a few days ago, huwag akong mag-ilusyong maging mommy ng anak mo, 'di ba?"

"Goddamnit. Naguguluhan lang ako nang mga panahong iyon. I wanted you more than I was willing to admit to myself, at hindi iyon nagugustuhan ng parte ko na ayaw hubarin ang shield ko sa mga babae. Hindi ko gustong matapos ang usapan natin, but at the same time gusto kong isipin na hindi kita kailangan maliban sa kama ko. Nang nalaman ko na nakikipagkita ka sa anak ko, nataranta ako dahil parang nagiging natural na parte ka na ng mundo ko, kaya ginawan ko ng paraan para maputol ang pinapangambahan ko na mangyari."

"You made me cry," sabi niyang nakatingin sa mga mata nito.

He winced. "Shit. I'm sorry, vixen. You know I'm a real bastard. Bakit mo pinaniwalaan ang mga lumabas sa bibig ko?" Lalo siyang hinapit nito against him. "Never ever listen to me. Just feel how much I want you. How mad I am about you. And then watch, watch as I keep you by my side, makatwiran man iyon o hindi. Dahil hindi kita kayang pakawalan, vixen. Kakainin ko lahat ng sinabi ko the past ten years tungkol sa mga babae at kasal, pero hindi ako papayag na hindi na tayo magkita.

"Nang i-trap ka ni Anton, papunta ako n'on sa apartment mo dahil pinagsisisihan ko na ang mga sinabi ko. I tried, pero hindi ko nakumbinse ang sarili ko na mas mabuting wala ka. I'd forgotten how to smile and laugh, but you came into my life and made me happy like a child again. Every single day. Paako ko iyon mapapakawalan? Paano kita mapapakawalan, vixen? I simply can't."

Deymit. Dapat yata hindi na niya ito pinrovoke. Because now that he was sharing his feelings without hesitation, nawala ang devil at napalitan ng romantic na lalaking ito na nagpapalambot ng puso niya. Ugh. Baka pumayag siyang magpakasal dito nang di-oras.

Itinulak niya ito para makakalas siya sa yakap nito. Muli lang nitong hinigpitan ang mga braso nito sa kanya, still staring at her face with that soft expression in his eyes.

"Devil! Bitaw na! Puwede tayong umupo."

"Hindi mo ba ako narinig? Sabi ko hindi kita bibitiwan."

SLEEPING WITH THE DEVIL ✔️Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora