Sixteen

131K 2.8K 147
                                    

WALA nang kasama si Sab sa master suite ng bonggang sex pad nila ni Phin nang magising siya. Hindi na siya nabigla. Magtatanghali na kasi at umaalis ito bago tumirik ang araw para samahang mag-breakfast ang mga VIP client nito sa casino. Ginigising siya nito kanina at umuungot na mag-shower na sila pero nagtakip siya ng comforter at sinabing hayaan siyang matulog pa. Hindi siya katulad nito na sanay magpuyat araw-araw at kahit ilang oras lang ang tulog ay nakakapag-function nang maayos.

Pumunta siya sa bathroom. Wala naman si Phin kaya magagamit niya iyon nang matiwasay kaya nagpasya siyang gamitin ang bath tub sa kauna-unahang pagkakataon. Nagbabad siya doon nang matagal, pina-pamper ang katawan niyang lamog na naman dahil sa mga ginawa nila ni Phin magdamag.

"I swear, hindi lang one million a night ang katumbas ng serbisyong ibinibigay ko sa iyo, devil." Baka dapat siyang mag-strike. Diamonds. Kailangan pa niyang humingi ng mas maraming bonus na diamonds. And his Bugatti—she wanted that too. Hindi na sapat ang Lambo. Did he think she was that cheap? The nerve.

Nang malapit na siyang maging pasas ay umalis na siya sa tub, nagbanlaw sa shower bago nagpatuyo. Dumiretso siya sa walk-in closet, now filled with clothes, bags and other accessories fresh off the runway from overseas. Nang nakalipas na mga araw, doon na siya kumukuha ng mga isinusuot. Still not enough, devil. Hindi pa ako satisfied. I need more.

Nagbihis siya ng silk blouse at white pants, then slipped on a pair of red heels. May appointment kasi siya mamaya sa potential client kaya hindi siya puwedeng magpa-sexy masyado. Kumuha rin siya ng shades at Himalayan Birkin.

Lumabas siya ng master suite.

"Omgosh!" Napahawak siya sa dibdib nang makitang may tao sa living room, nakaupo sa malaking white leather couch. Ulo lang nito ang nakikita niya.

Lumingon ito. It was Phoebe. Nakahinga siya nang maluwag.

"You finally came out of your room," sabi nito.

"Phoebe, what are you doing here?" Dinala ba ito doon ni Phin? "Kasama mo ang daddy mo?" Nagpalinga-linga siya, although duda na dadalhin doon ni Phin ang anak.

"No. Nagpahatid ako dito kay Rigor."

"Oh. So, hindi talaga alam ng daddy mo na nandito ka?"

Umiling ito. "He doesn't know."

"Err, how did you find out about this place?" Lumapit siya rito.

"Rigor."

"Um, elaborate?" Hindi siya manghuhula para malaman ang buong pangyayari base sa matipid na sagot nito.

"Tinanong ko siya kung nagkikita pa rin kayo ni Dad. He said yes, and that he bought you a house, and so I asked him na samahan ako rito."

"Pumayag si Rigor? Did he ask for your father's permission bago kayo pumunta rito?"

"No. Alam namin pareho na hindi papayag si Dad. Pinilit ko si Rigor."

Nakumbinse ng isang fourteen-year-old ang stoic at kick-assing—lit!—bodyguard na si Rigor na ihatid ito roon kahit may posibilidad na mapagalitan ni Phin pagkatapos? Huh. Phoebe must have really good convincing skills. Either that, o nagmana ito sa ama na hindi marunong makinig at kailangang palaging nasusunod ang gusto.

"Okay... Paano ka naman nakapasok rito?"

"Tinakot ni Rigor ang mga tao sa reception para ibigay sa amin ang key card," nagkibit-balikat na tugon ni Phoebe. "So... are you and dad, like, in a serious relationship right now?"

"Oh no, no, no! We're not. We're just f*cki— I mean, we're FBs. Do you know what that means?"

Tumango ito, nakatitig sa kanya na parang binabasa ang kaluluwa niya. "I think you like him though."

SLEEPING WITH THE DEVIL ✔️Where stories live. Discover now