Seven

151K 3.3K 209
                                    

"OH HI, darling. You look happy to see me." Lumapit si Sab kay Phin at nakangiting kumapit sa braso nito.

"Stop flirting with every guy you see!"

The hell? Ang ganda-ganda ng bati niya rito, bubulyawan lang uli siya?

"You're such a wh—"

Isinupalpal niya sa bibig nito ang kamay niya dahil ayaw na niyang marinig ang salitang iyon mula rito, kahit pa nga ba pinaninindigan niya ang persona na iyon sa harapan nito. "I know, but what can I do? I can't help being like that around gorgeous men like Rigor. Hindi naman kasama sa usapan natin na sa iyo lang ako puwedeng mag-flirt, 'di ba? In fact, I can still sleep with anyone I want."

"Hindi ako pumayag diyan!" Dumagundong ang sigaw nito.

"Hindi ko kailangan ng permiso mo. Ninety-day access lang ang ipinambayad ko sa utang ko sa iyo, hindi titulo ng vagina ko. Now, nasaan ang VIP game room? Ito ba?" Lumapit siya sa malaking pinto at binuksan iyon para makapasok siya.

Mukhang VIP game room nga iyon dahil sobrang luxurious ng ambience. May tatlong lamesa kung saan may mga naglalaro ng poker, karamihan ay mga lalaking nasa mid-fifties and above. May mga nag-iikot-ikot na staff, nakahandang mag-assist sa VIP clients ni Phin anytime.

"Oooh. Bakit feeling ko nasa James Bond movie ako?"

Tumabi sa kanya si Phin. Definitely not James Bond, no matter how dashing he looked in his expensive black suit. Baka villain pa.

"Hindi ka magpapahawak sa kahit sinong lalaki habang nakakomisyon pa sa akin ang katawan mo, Sabrina."

"Tsk! Iyan pa rin ang nasa isip mo? I-satisfy mo ako sa kama, baka makinig pa ako sa iyo."

"Na-satisfy kita the first time. I gave you the best fuck of your life." Tumaas ang sulok ng mga labi nito, looking smug.

"Baka sa ilusyon mo lang, devil." Muling tumingin si Sab sa mga naglalaro ng poker. "Wait, isn't that Senator Amari? I knew it, totoo ang balita na sugarol siya. Nasa aura niya naman."

"Magaganda lang ang sasabihin mo kapag kinausap ka nila," babala sa kanya ni Phin.

"Of course. Hindi ako engot."

Inilagay ni Phin ang palad nito sa likod niya bago sila naglakad. "Why are you overdressed?"

"Ganito ang napapanood ko na suot ng mga babae sa malalaking casino."

"Hindi dito. But I like it. You look so fuckable in this dress." Bumaba ang kamay nito sa pang-upo niya. He really thought he owned her. Never, devil.

Tumingin sa kanila ang mga VIP client sa poker table na nilapitan nila. Bukod sa sugarol na senador, may dalawang mukhang businessmen at isang sikat at award-winning character actor. Gambler din pala ito. He was probably in his sixties, but still good-looking. Parang palangiti dahil may laugh lines sa paligid ng mga mata.

Kaya pala crush ka ni Mama nang dalaga siya. She smiled at the old male actor.

Ngumiti rin ito sa kanya. "Who's this stunning lady?" Tumayo ito at kinuha ang kamay niya, hinalikan iyon.

"Sabrina," pakilala niya.

"You're like a goddess, Sabrina. Macoy Fajardo."

"Of course, everyone knows your name, Macoy."

Kumislap lalo ang mga mata nito, charmed.

Poker-faced na kinuha ni Phin ang kamay niya kay Macoy. "Bakit hindi ka bumalik sa upuan mo at pag-aralan uli ang mga baraha mo, Macoy? Malaki na ang naipapatalo mo at nagsisimula pa lang ang gabi."

SLEEPING WITH THE DEVIL ✔️Where stories live. Discover now