Chapter 35:

546 15 0
                                    

She's A Boyfriend Stealer by MyrrhRamirez

Chapter 35:

Princess POV: 

*pakk* 

Isang malutong na sampal ang natanggap ko kay Anna kaya naman napahawak ako sa psingi ko sa sobrang sakit.

"Tumigil ka nga Princess, wag kang gumawa ng eskandalo rito.." malamig na sabi nito.

"Huh? Talaga lang Anna? Totoo namang boyfriend stealer ka. Hindi ka pa ba nagtataka sa sarili mo? Isa kang ah-" bago ko pa matuloy ang susunod kong sasabihin ay isang sampal na naman ang dumapo sa pisngi ko.

*pakk*

"Sige lang sampalin mo ako hanggang gusto mo Anna, total panalo ka na! Nakuha mo na yung gusto mo, sige sayo na sya...Pero pag oras na may mangyari uli sa kanya, hinding-hindi ako magdadalawang isip na agawin sya sayo.." at umalis na ako sa harapan nila.

Pero bago ako makalabas....

"Bakit mo ba ginagawa to sakin Princess?" tanong nito.

Napalingon naman ako sa kanya.

"Sorry?"

"Yung pangyayari sa school? Hindi ba ikaw ang may gawa nun?"

"Believe it or not, hindi ako ang may gawa nun, maliban na lang sa taong may gustong manira sayo..." sabi ko bago ako tuluyan na makalabas ng kwarto.

Bumalik naman ako sa school at hinanap yung taong may gawa nito. Kilala ako ang may  gawa nito....Sya lang ang taong gagawa nito wala ng iba.

"Hinahanap mo ba ako?" napalingon naman ako.

"Sabihin mo sakin Rizalina, bakit mo ginagawa to?"

"Hindi ka ba natutuwa sa nakita mo ate? Sayo na uli si Gilbert.."

"Rizalina, hindi sa ganitong paraan, sana hindi ka na-"

"Tapos iiyak ka na naman? Ate tama na yung minsan na nagsayang ka ng luha sa taong yun.."

"Pero.." at bigla naman akong niyakap nito.

"Ate umuwi ako ng Amerika dahil kailangan kitang ligtas.."

"Iigtas saan?"

"Ikakasal ka sa iba Ate, kaya nandito sila Daddy sa Pilipinas, kaya ate hayaan mo akong gawin to sayo.." nanghina naman ang tuhod ko sa sinabi nito.

"Kailan pa sila bumalik rito?"

"Kahapon lang kaya nandito ako.."

"No way.." sabay buntong hininga ko.

She's A Boyfriend Stealer [CGS #2]Where stories live. Discover now