Chapter 17:

583 16 0
                                    

She’s A Boyfriend Stealer by MyrrhRamirez

 

 

Chapter 17:

Gilbert’s POV:

“Anong ginagawa ng lalaking  yan dito?”  tanong ko kay Princess.

Magsasalita pa lamang sya ng  sumingit sa usapan si Rence.

 

“May pag-uusapan lang kaming importante, wag mo syang pagisipan ng masama.. O Anna Banana! Nandyan ka pala!!” sabi nito at lumapit kay Anna.

“Hindi picture ko lang to!” sabi ni Anna at  nagcross arm naman ito.

At kinurot naman ni Rence ang pisngi nito at sabay hampas naman ni Anna sa braso nito.

Bakit parang nakakaramdam ako ng kirot? Yung tipong dinudurog ang puso ko?

Aist! Nababakla na naman ako. ..Ano na naman ba ang nangyayari sakin?

“Hon sa itaas tayo mukhang kailangan nilang magusap..” sabi ko, kahit na galit ako kay Rence kailangan nilang magusap na dalawa. Labas na ako sa usapan nila.

Bago ako umalis tumingin na muna ako sa direksyon ni Anna at Rence na patuloy sa asaran. Nagulat naman ako sa sunod na ginawa ni Rence, bigla na lang nya itong hinalikan. Ewan ko ba sa sarili ko at gusto kong sapakin yung mukha ni Rence.

Binaling ko na lang ang sarili ko kay Princess at naglakad na lang patungo sa kwarto nito. Pagkarating namin sa kwarto nya ay bigla naman syang humawak sa batok ko. Napatingin naman ako sa paligid dahil sa bigla na lang akong nailang sa ginawa ni Princess sakin ewan ko ba sa sarili ko at napakaweird ng nangyayari sakin. Napansin ko namang may itinago sya sa ilalim ng kama nya, kung hindi ako nagkakamali underwear ng lalaki yun.

"Are you hiding something Princess?" tanong ko rito.

"Hiding? W-Wala ah!! Ano bang pinagsasabi mo Gil?"

"Then ano yung tinatago mo sa ilalim ng kama mo? I think kung hindi ako nagkakamali underwear ng isang lalaki yun hindi ba?" napabitaw naman sya sa pagkahawak sakin.

"You what Gil, kay Papa yung nakita mo kaya ko lang naman itinago yun nakakahiya naman diba kung makita mo diba? And i think hindi ko na matatago yun kasi nakita mo na.." sabi nito at sabay ngiti sakin.

Pero bakit parang pakiramdam ko may tinatago si Princess sakin?

Anna Marie's POV:

 "Yuck! Kadiri ka! Eww!" at pinusan ko yung pisngi ko ng mariin, kainis naiwan pa yung laway sa pisngi ko! Yuck!!

Sino ba naman ang hindi maiinis kung nakawan ka ng lalaking kinaiinisan mo di ba? Sige nga ikaw hindi magalit?

She's A Boyfriend Stealer [CGS #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon