Chapter 23:

566 19 0
                                    

She's A Boyfriend Stealer by MyrrhRamirez

Chapter 23:

Gilbert's POV:

"Kuya, pwede bang pakibantay na muna si Tristan? Masusunong na kasi yung lulutuin ko.." sabi ni Elaine at agad ko namang kinuha si Tristan na kalong nya.

"Bebe!" napalingon naman ako dun sa dalawa na kakapasok lang sa loob.

"Kuya Gil, nandyan na si Anna?" tanong ni Elica sakin.

Hindi ko na lang pinansin yung sinabi nya, at tinuon ko na lang yung sarili ko sa pag-aalaga kay Tristan.

"Ok nice talking to you Kuya Gil, eh si Elaine nasaan?" sabi ni Myrrh na nakapoker face sakin.

"Nasa kusina.." matipid kong sabi.

Umalis naman yung dalawa sa harapan ko at tinungo si Elaine sa loob ng kusina, narinig kong nagsigawan sila sa loob pero hindi ko na pinansin kung ano yun, maya-maya lang ay nakabalik na yung dalawa galing sa kusina dala-dala yung bote ng soju.

"Okay!! Wait...Teka, tinext mo na ba si Anna, Myrrh?" -Elica.

"O, sabi nya paparating palang sya rito, kasama daw yung boyfriend nya. Kaloka tong babaeng to naiintriga tuloy ako kung sinong tong boyfie nito.." sabi ni Myrrh na tila parang bakla, kaya naman napatingin ako rito.

"Yo!" napalingon naman kami ng sabay-sabay at tumambad sa harapan namin sila Regie.

"Bakit? Ngayon lang ba kayo nakakita ng pogi?" sabi ni Regie at nagpose pa ito habang papalapit samin.

Kaya naman binato ko ng unan si Regie, umaatake na naman ang pagkamahingin ng isang to.

"Yabang.." sabi ko at binuhat ko si Tristan at umalis kami patungo ng kwarto para patulugin to.

Ilang oras din akong nasa kwarto ni Tristan at buti naman at nakatulog ito. Maya-maya rin ay nakababa ng arin ako ng kwarto at nakita ko namang masaya silang nagiinuman.

Nilibot ko ng tingin ang mata ko at napukaw ang tingin ko kay Anna habang nakikitawa kila Myrrh habang si Rence naman ay nakaakbay rito.

"Kayo ha! Hindi nyo man lang sinabi na kayo na pala.." -Elica.

"Kainis ka girl! Buti ka pa may lovelife ka na ako still waiting pa rin.." sabi ni Myrrh.

"Nandito naman ako sweet ha, naghahanap ka pa ng iba.." sabi ni Regie sabay akbay kay Myrrh.

"Yiii!!" bulyawng lahat sa ginawa ni Regie kay Myrrh kaya naman lumapit na ako rito para sumali.

"Kuya join us!! Upo ka dito dali!!" sabi ni Elaine kaya naman umupo ako sa tabi ni Elaine.

Nagtama naman ang tingin namin ni Anna pero agad naman nyang iniwas ito.

"Shot ka muna Kuya Gil!!" at inabot naman ni Van yung maliit na baso sakin at saka ininom ito.

"Astig!!" sabi nila at sabay lapag ko sa baso.

At napatingin naman ako kay Anna, hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya, pero pag tuwing magtatama ang tingin namin panay naman ang iwas nito. Nagsisi tuloy ako kung bakit ko pa sinabi sa kanya yun. At hindi ko alam sa sarili na  sa tuwing makikita ko silang magkasama ni Rence, nakakaramdam ako ng inis.

She's A Boyfriend Stealer [CGS #2]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum