Hanggang Saan?

154 12 3
                                    

"Tara. Samahan mo ako," ang sabi niya.

Alam kong tinotopak na naman siya. Malapit na naman kasi ang araw na hinihintay ng kanyang mga kaibigan, mga magulang, mga taong ang tingin nila'y isa siyang napakahalagang kayamanan.

"Hayan ka na naman eh."

"Oo ito nga na naman ako, at hindi ka na nasanay pati!"

"So saan naman tayo pupunta? Tagaytay? Zambales? Tarlac?" tanong ko. Hinithit ko ang kakaunting kasalanan na hawak ng aking mga kamay.

"Ito panay pa ang yosi. Bawal na nga 'yan eh."

"Hirap na hirap na nga ako eh," sagot ko.

"Sa pagtigil?" nakangisi niyang tanong.

"Hindi," sagot ko.

"Eh saan ka nahihirapan?" tanong niyang muli.

"Nahihirapan na akong magyosi in public. Paano ba naman, panay ang huli! Bawal na kasi," natatawa kong sambit. Tumawa rin siya at pinaghahampas pa ang aking balikat.

"Pahingi nga, Daks!" bigla niyang sambit.

"Kasalanan 'to 'di ba? 'Wag ka nga! Pagkatapos mo akong punain eh saka ka hihingi."

"Sige na!"

"Oh, ayan na!" wika ko sabay abot ng kalahati nang stick ng yosi. Nalalaglag lamang ang upos nito sa semento sa sahig ng rooftop kung saan kami nakatambay.

"So ano bang plano, Baks?" tanong ko muli sa kanya. Ngumiti lamang siya na parang isang pusa. Idinikit niya ang mamula-mula niyang labi sa aking balikat habang nagniningning ang kanyang mga mata sa liwanag ng mga poste ng ilaw sa malapit.

"Happy birthday to me!" wika niya habang nakangiti. Ngumisi na lamang ako at muling tumingin sa kalawakan. May kaunting pait sa lalamunan na sinubukan kong lunukin. Pinilit ngumiti at muling tumingin sa kanya.

*****

"Kada magbi-birthday ka lagi ka na lang ganito!" sambit ko habang ineempake ang aking mga gamit sa kwarto. Siya naman ay nakapangalong-baba at pinapanood ang aking ginagawa.

"Well wala kang choice, Daks. Hindi na nga naging tayo tapos ganyan ka pa umasta. Aba bumawi ka naman!" pang-aasar niya. Napangiti lang ako at napailing.

"Siraulo ka talaga, Baks!" wika ko sabay bato ng aking gamit na t-shirt.

"Aray! Hoy in fairness Renz, ang bango ah!" pang-iinis niyang muli na tila inaamoy pa ang aking t-shirt.

"Siraulo! Akin na nga 'yan!"

"Walang bawian! Hinagis mo na sa 'kin 'to eh!"

"Para namang makukuha mo talaga 'yan!" sambit ko. Agad akong tumayo at kinuha ang t-shirt mula sa kanya.

"So wala ka pa ngang sinasabi tungkol sa plano mo bukas. I have no idea," sambit kong muli.

"You like surprises 'di ba?" wika niya na parang nang-aasar na naman.

"Seryoso na ako. Saan mo ba gustong pumunta ngayong birthday mo?" tanong ko.

"Bring me there. One last time," malungkot niyang tugon.

Nakatalikod na ako sa pagkakataong iyon nang mapatigil ako dahil sa aking narinig. Humulas ang ngiti sa aking labi at tila bumagal ang lahat. May mga imaheng muling nagbabalik, mga imaheng noon ay inakala ko'y nakalimutan ko na. Ang isang masayang pagkakataon noong kami ay nagtatampisaw sa asul na dagat at dinarama ang mainit na buhangin sa aming mga paa, ang huni ng mga ibon sa paligid, ang lagaslas ng mga dahon ng mga puno ng niyog sa paligid dahil sa malamig na hangin.

Hanggang Saan? (Short Story)Where stories live. Discover now