CHAPTER SIXTEEN

Magsimula sa umpisa
                                    

Ngunit agad ding tinanggal ni Trinity ang mga kamay, kitang-kita ni Driego ang nasunog na balat sa palad ni Trinity.

"Walang-hiya kayo pakawalan niyo ako dito! Isa kang taksil Driego sa ating lahi. Hindi ka na nakuntentong ipinahamak mo si Marcuss, ngayon naman ako at ang mag-ina naman niya ang balak mong isunod"marahas na sigaw ni Trinity patungkol kay Driego. Nanatili lamang nakatitig si Driego sa kanya.

Napakurap si Driego ng makitang hinataw ito ng makapal na lubid ng kanyang hari,  mula sa kinalalagyan nito.

"Ahhh! Tama na! Ahhhh!!!"Hiyaw nito dahil sa sakit at hapdi mula sa mga sugat at latay sa makapal na lubid na patuloy na humahagupit sa katawan nito.

Bigla siyang napapikit ng makita niyang natamaan sa magkabilang mata ito. Naghumiyaw ito ng naghumiyaw, tumigil lamang ito ng tuluyan ng namamaos ang tinig nito.

Ibinukas niya lamang ang mga mata ng wala na siyang marinig na tinig ni Trinity. Parang linakumos ang puso niya ng makitang nakahandusay at wala na itong malay, napuno ang katawan nito ng latay. Lalo siyang nahabag ng makita niyang duguan din ang mga mata nitong nakapikit na.

Tila naman nabasa ng kanyang katabi ang nasa isip niya, "Tuluyan ko ng binulag ang babaeng iyan Driego para magtanda. Masyado niya akong pinahirapan, napakadami ng nalagas sa aking mga alagad, mabuti nalang at may mga reserba na uli sa kaharian."ngising-demonyo nito.

Hindi nalang siya nagsalita mabilis niyang inilihis ang tingin kay Trinity, nag-alis muna siya ng bara sa lalamunan bago magsalita. Tila nanuyo iyon.

"A-ano ng balak mo ngayon?"tanong niya rito kapag-daka.

Naglakad naman ng ilang dipa ito bago siya sinagot. Tila pinag-aaralan nito ang bawat katagang sasabihin sa kanya.

"Tapos na ako rito, isusunod ko naman ang pagtupad sa nauna kong plano. Kaunting panahon na lang mapapasakamay ko na ang matagal ko nang inaasam. Ang mapagharian ang magkabilang mundo!"Kasabay nito ang matinis nitong tawang may bahid ng tagumpay.

Mayamaya'y iniwan na si Driego ng kanyang hari, binilinan siya nitong bantayan ng maigi si Trinity.

HABANG naglalakad naman si Hanzul sa buong siyudad ng zowol, kasama ang mga nagtataasang Lobo at Zombie sa kanilang kaharian ay bigla siyang nakaramdam ng kaba.

Bigla siyang napahinto at matamang nakiramdam sa paligid. Sa mga sandaling iyon ay tuluyan na siyang naligalig.

Hindi niya maintindihan ang lahat tila ba'y may hindi nangyayaring maganda sa paligid niya. Bigla siyang kinutuban ng masama sa mga sandaling iyon.

Mabilis siyang pumihit pabalik ng kaharian.

"Sumunod kayo sa akin at may pag-uusapan tayong lahat sa bulwagan!"marahas nitong utos kasabay ng pagpapalit nito ng anyong lobo.  Mabilis itong nagtatakbo, nakasunod naman ang ibang kasama niya.

Nang makitng makumpleto ang lahat ay inumpishan na niyang pulungin ang lahat.

Nilukuban ng pag-aalala ang itsura ni Hanzu sapagkat nag-uumpisa ng gumalaw ang mga kasama niya sa dating pinanggalingan hukbo.

Marahas siyang napabuntong-hininga, sa mga oras na iyon ay tuluyan na siyang hindi mapakali. Nang makita niyang kumpleto na ang lahat ay nag-umpisa na siyang magsalita sa harapan. Maski ang mga kasamahan niyang naroroon ay larawan din ng pagtataka.

"Pinatawag ko kayo d-dahil may mahalaga akong iaanunsyo, kailangan maghanda ang lahat. Sa susunod na kabilugan ng buwan ay darating ang mga Ganella!"

Nag-umpisang magbulungan ang lahat na lalong ikinairita ni Hanzul.

"Walang-hiya kayo pakawalan niyo ako dito! Isa kang taksil Driego sa ating lahi. Hindi ka na nakuntentong ipinahamak mo si Marcuss, ngayomabalasik na awat niya sa lahat kaya upang tuluyang manahimik ang lahat.

Mabilis na binalingan ni Hanzul ang katabing si Merlous nasa mukha rin nito ang labis na kalituhan sa nagaganap.

"Nasaan na si i-Timothy hindi ba't binigyan ko lamang ng ilang araw iyon para madala niya rito si Kendra."may bahid ng galit ang tinig ni Hanzul.

Napatid na ng tuluyan ang pagtitimpi nito sa mga sandaling iyon. Bigla namang hindi nakahuma si Merlous sa mga sandaling iyon ay napuno na ng kakaibang kaba sa dib-dib si Merlous para kay Timothy. Iba na ang tingin niya sa ibinabadyang galit ng Hari nilang si Hanzul.

"Hmmm ipagpatawad mo Hanzul p-pero kasi,"ang kinakabahang paputol-putol na pagsasalita ni Merlous.

"Ang alin Merlous! Magsalita ka kung ayaw mong ikaw ang una kong lagutan ng hininga!"marahas at nanggagalaiting sigaw ni Hanzul. Umalingawngaw ang nakasisindak na boses nito sa buong bulwagan.

Napabuntong-hininga si Merlous kasabay ng pagbulong nito sa tainga ni Hanzul.

Unti-unting nagsalubong ang kilay nito, ang mga kamao nito'y napakuyom dahil sa labis na himutok.

Mabilis nitong ibinaling sa labas ang pansin, kasabay ng pagtutok ng mga mata nito sa kakahuyan kung saan naroroon ang talon..

"Kung ganoon ay wala na akong magagawa..."halos naibulong na lang sa sarili ni Hanzul. Magkahalong emosyon ang nangibabaw sa kanya ng mga sandaling iyon.

Hindi niya alam kung bakit nangingibabaw pa rin ang malasakit niya kay Timothy dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na nagtaksil ito sa lahi ng mga Lobo at binali nito ang kanyang ipinaguutos.

"Sige maari na muna kayong umuwi, bukas bago magdapit-hapon ay pupunta tayo sa mundo ng mga mortal. Ako na mismo ang dadakip sa huling bampira na si Kendra!"malakas nitong anunsyo na ikinagulat ng lahat.

Agad na nagsalita ang isa mga Lobo. "Paano po tayo makakapunta sa mundo ng mga tao kung hindi tayo maaring makadaan sa kakahuyan kung saan tanging doon lamang ang daan papunta sa mundo nila."

Agad na ibinalik ni Hanzul ang pansin sa kakahuyan, nasa mga mata pa rin niya ang halo-halong emosyon.

"Malalaman niyo rin kung papaano."halos pabulong nalang na sabi ni Hanzul.

Nagpatango-tango nalang ang lahat, kasabay ng pag-uumpisang magsialisan ng lahat. Tanging si Hanzul at Merlous na lang ang naiwan sa bulwagan.

"S-Sigurado ka ba sa gagawin mo Hanzul, 'wag mong sabihin na hihingi ka ng tulong sa mga Ganella?"wala sa loob na naitanong ni Merlous dito.

"Hindi ako humihingi ng pabor sa kahit na sino Merlous..."ang tangimg sagot ni Hanzul dito.

"Kung ganoon maari mo bang ipaliwanag kung paano tayo makakadaan sa mundo ng mga mortal."patuloy na pag-uusisa nito.

"Makikita mo bukas Merlous, sige na't nais kong mapag-isa na muna. Maari ka ng umalis Merlous."taboy ni Hanzul dito.

Wala namang nagawa si Merlous, agad itong umalis matapos pa ang ilang paalala ni Hanzul para sa pagpunta nila sa mundo ng mga tao.

Nanatili lamang nakatanaw sa malayo si Hanzul, biglang sumagi sa kanyang isip ang ibinulong ni Merlous kanina... na tuluyan na talagang nahulog si Timothy sa prinsesa ng mga bampira na si Kendra. Kaya upang hindi na nito maihandog sa kanya ang babae.

Bigla ay naalala niya ang naging sitwasyon niya noon, kung paano siya nabaliw sa pag-ibig niya kay Trinity. May isang bahagi ng isip niya na hayaan nalang ang mga ito, pero paano niya gagawin iyon. Tiyak alam na ng mga Gallena ang nangyayari sa kabilang mundo.

Mahigpit siyang humawak sa pasimano ng terasa. Dahan-dahan naglandas sa pisngi nito ang luha, napapikit siya kasabay ng paglitaw ng maamong mukha ni Trinity.

"Kung sana naririto ka lamang..."tigib ng kalungkutang saad niya sa kawalan.

Nakikinita na niya ang susunod na mangyayari kung saan mawawasak ng tuluyan ang lahat dahil sa muling pagsuway ng isang lahi.

Na maski ang mga Bathala'y baba mula sa kaharian ng mga ito at babawiin ang lahat ng kakayahan nasa kanila ngayon.

HUNTING KENDRA(The Last Vampire)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon