JH:"Hindi ko din alam Unnie-"

Nakita ko namang namumula din ang mga mata niya, hindi kaya nag away sila?

NY:"Jihyo, pwede mo akong kwentohan"

Ngumiti naman siya, linapitan ko sita at niyakap para naman gumaan ang nararamdaman niya, naalala ko tuloy si Mina nong nasaktan din siya, ganitong ganito din siya umiyak noon at niyakap ako.

JH:"Unnie, nasaktan ko siya, mianhae~"

Humihikbi siya habang sinasabi ang mga salitang iyon, ang unang pumasok sa isip ko ay SINO?

NY:"uh ha? At paano mo siya nasaktan?"

JH:"Sinabi ko sakaniyang hintayin niya ako, hanggang sa ready na ako, lagi ko siyang kasama kaya hindi ko na itatanggi na napapamahal na din ako sakaniya... Kaya lang parang mali, parang maling mahalin ko siya unnie, parang maling ginusto ko siya, at ang pinaka mali sa lahat ng mali ay, nangako ako pero wala namang kasiguruhan."

NY:"Normal lang yan, akala mong maling mahalin ang isang tao, pero ang totoo ay tama naman pala"

JH:"Pero? Paano? Kong dalawa silang mahal ko?"

NY:"Hindi pwede yon, dapat isa lang ang piliin mo, iisa lang ang puso mo, dapat isa lang din ang nasa loob... Teka sino ba pala?"

JH:"Hindi ko na sasabihin yong isa dahil hindi mo naman siya siguro kilala, pero yong isa kilala mo kaya siguro sasabihin ko nalang."

Humarap naman ako sakaniya at hinawakan ang kamay niya, siguro ang sakit sa dibdib ng dinadala niya.

JH:"Si J-jeongyeon-unnie"

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig kong pangalan, ang ibig sabihin? Gusto din siya ni Jeong? Ang sayang marinig na ang taong gusto ni Jeong ay may gusto din sakaniya, pero bakit? Bakit parang ang sakit? Kahit masaya ako para sakanila, malungkot naman ako para sakin?... Bakit ako pa?

JH:"Unnie? Nagulat ka din ba?"

NY:"H-hindi naman masyado, bagay naman kayo eh, kaya din pala siguro umiiyak siya habang tumakbo kanina, nalaman niyang bang dalawa sila ang mahal mo?"

JH:"Hindi niya alam na mahal ko siya, ang alam niya lang ay mahal ko yong isa"

Tumahan na siya at pinunasan ang luha niya, hindi na ako mag tataka kong bakit nag kagusto sakaniya si Jeong, maganda siya.

JH:"Thank you unnie, sa pakikinig saak-"

Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya ng may tumawag sakaniya.

JH:"Sige na unnie, tumawag na si Dad, pupuntan ko na siya"

Umalis na siya at naiwan na akong mag isa.

Parang mawawalan ako ng ganang lumangoy mamaya ah? Parang ayaw kong maka punta next meet, parang ayaw kong makita si Jeongyeon, parang ayaw ko ng mag laro, hindi ko alam kong bakit...

Tumayo naman ako at bumalik sa room namin, Hindi ko alam pero bigla nalang akong umiyak, hindi ko alam kong bakit, sa takot? Sa lungkot? O sa galit? Hindi ko na din maintindihan.

SANA'S P.O.V

SN:"Tzuyu-ah"

TZ:"Ne?"

SN:"Papanoorin mo din ba ako mamaya?"

Nag pout ako, para naman pumayag siya, hahaah atyaka para may inspirasyon ako no, duh.

TZ:"Ah diba sabi mo kanina 4? Sige sige manonood ako unnie"

Ngumiti namam ako, siyempre masaya ako.

TZ:"Unnie pumasok kana sa room mo, at papasok na din ako"

Ah oo, nasa tapat na kami ng mga room namin, sa room 66 siya at 67 naman ako, tinanguan ko naman siya, sabay kaming pumasok sa room, pero mag kaibqng room siyempre.

Habang naka ngiti akong pumasok ay nakita ko si Nayeon Unnie na umiiyak.

"Unnie?" Lumapit ako sakaniya, hindi siya tumingin, umiyak pa siya ng mas malala kaya nag alala ako "Unnie, bakit ka umiiyak?"

NY:"S-sana, w-wala kinakabahan lang ako p-para mamaya, baka matalo ako."

Ngumiti naman siya, pero alam kong peke yon, atyaka? Ngayon ko lang siya nakitang umiyak dahil sa laban namin, dahil halos ilang taon na din kaming ganito pero puro positive lang ang sinasabi niya pero ngayon?

Hmm kailagan kong malaman kong bakit siya umiiyak, hindi naman yata ako mamamatay kong tatanongin ko si Jeongyeon diba? Siya ang huling kasama ni Unnie ng makita ko siya eh, pero bago yon, kailangan ko munang patahanin si Nayeon.

.|End Of Chapter 8|.

~

Oinkyyyy~ sorry ngayon lang :) may test kami sa lunes, ICT , SCIENCE AT MAPEH T_T

At malapit na ant periodical test:(
Sana lahat kagaya kong problemado ng gumawa ng reviewer at mag review ahhaha damay damay!

-A

The Athletic LoveWhere stories live. Discover now