Hindi ko na namalayan na magkasalikop na pala ang mga daliri namin habang naglalakad-lakad kami sa hardin. Nang mapagod ay niyaya ko naman siyang magpahinga sa sirang fountain na nasa gilid ng hardin. Naupo kami sa gilid niyon habang magkahawak-kamay pa rin.

  "What's the date today, Z?" Tumingin ako sa suot kong Casio. May petsa ang analog clock sa itaas ng pinakamahabang kamay niyon. "Twenty-five."

  Ipinakita ko sa kanya ang wrist watch ko.

  "Twenty-five ang monthsary natin. Tandaan mo 'yan, ah?"

  Nakatingin lang siya sa akin.

  "Every 25th of the month, we will celebrate. Just like the other lovers out there, we have our own monthsary. Pwede tayong kumain ng cake, uminom ng wine at makinig ng love songs. Since we can't go to the mall and movie houses, we can watch Netflix instead. Basta gagawan natin ng paraan para maging memorable at romantic ang petsang 'yan. Dahil sa petsang 'yan, diyan tayo naging mag-on."

  Kontentong sumandal ako sa matigas niyang balikat.

  "Z, saka na natin isipin ang bukas. Let's just enjoy the moment." For the first time in my life, ngayon lang ako nakaramdam nang ganitong fulfillment sa puso ko.

  May boyfriend na ako... At kahit ano pa itong conflict na pinasok ko, I know and I can feel that it's worth the try, the fight and the pain. And I'm happy. I have no regrets.

  Ngayon lang ako naging ganito kasaya. Pakiramdam ko, iyong matagal nang kulang sa pagkatao ko ay natagpuan ko na.

  "Huy, Riri!"

  Napapiksi ako nang sumulpot sa harapan namin si Denise. Nakabungisngis ang balingkinitan at metisahing nurse.

  Agad akong napalayo kay Z. "Ano ba? Nanggugulat ka naman, e!"

  "Anong ibig sabihin ng holding hands while walking niyo ng patient mo, ah? Nakita ko kayo from second floor! Ginagawa niyong PBB House itong mental!"

  "Anong gusto mo? Hayaan kong maglakad mag-isa 'to?" Inirapan ko siya. "Mamaya manakbo pa 'to, e di nahirapan ako humabol."

  "Weh?"

  "Bakit ka ba nandito? Wala ka bang pasyente?"

  "Tulog. Saka tinulungan ko si Jenina at Heart sa report nila kanina."

  "Oo nga pala, palabas na ang mga pasyente nila."

  "Yup. Iyong akin kaya, kailan? Gusto ko nang mapalitan e." Tiningnan niya si Z na tahimik lang sa tabi ko. "Sana naman kasing pogi ni Z iyong pumalit sa alaga ko."

  "Asa ka."

  "Medyo salbahe ka na, Riri!"

  "Joke lang." Nginitian ko siya. Pero agad ding napalis ang ngiti ko nang maisip ko si Z. Kapag gumaling siya, katulad ng iba ay kailangan niya na ring umalis sa institusyong ito.

  "Sige na, bye na," ani Denise. "Baka makaistorbo ako sa moment niyo."

  "'Buti alam mo."

  Nalukot ang mukha niya. "Nalintikan ka na talaga, Maria Santiago!"

  "Bakit?" maang-maangan ko.

  Dinuro niya ako. "Hindi porket wala kang boyfriend, kung kani-kanino ka na lang. Given na guwapo 'yang si Z, pero remember, he's not in his right mind. Naku 'wag mo nang ituloy kung ano man 'yang nafifeel mo sa lalaking iyan! Sinasabi ko sa 'yo, masasaktan ka lang."

  "I know what I'm doing, Denise. Saka wag ka ngang advanced mag-isip diyan."

  "Hmp. Ewan ko lang, ha? Iba ang naaamoy ko sa 'yo, Riri. Basta tandaan mo lang, napakadaming lalaki sa mundo. Maraming-marami. Lumabas-labas ka ng makasalamuha mo sila nang hindi ka nagtatiyaga sa ganyan."

His QueenWo Geschichten leben. Entdecke jetzt