Kabanata VIII

Magsimula sa umpisa
                                    

  "Nababaliw na rin 'yan," nakangising sabi ni Jenina. "Biruin mo, laging straight duty 'yan. Wala pang off. Halos dito na tumira sa mental, malamang talaga nababaliw na rin 'yan."

  "Mag off ka naman, Riri," ani Denise. Nasa mukha niya ang concern. "Kahit wala kang kasama sa house niyo, umuwi ka pa rin. Magpahinga ka. Or mag-unwind."

  "Asa ka," sabat ni Jenina. "Ayaw niya kamong iwan si Fafa Z sa atin."

  Napabungisngis si Denise. "Crush namin siya pero hindi namin siya aagawin sa 'yo."

  Natawa si Jenina. "Kahit baliw iyon, mukhang choosy e."

  Inirapan ko silang dalawa. "Babalik na ako sa alaga ko." Tumayo na ako. "See you later."

  "Seriously, Ri. You need a rest," pahabol ni Denise sa akin. "Namumutla ka na."

  "Thanks but I'm fine, girls." Iniwan ko na sila.

  "Wag mong sayangin araw mo, mabuti sana kung bayad ka kahit off mo!"

  May point sila. Iyong ibang trabaho ko rito, no pay iyong iba. Kasi kahit off ko, nandito pa rin ako. Pero mas gusto ko rito kaysa umuwi ng Cainta. Kung ibang pagkakataon ay baka nagmumukmok ako dahil umalis na naman si Mama. Kaso hindi ako nagmumukmok. Paano ako magmumukmok e ubos ang oras ko sa pasyente ko na ngayon ay ginugulo ang sistema ko.

  Napatingin ako sa wall clock na nadaanan ko. Eight a.m. na. Gising na kaya siya?

♚♚♚

GISING NA GISING NA NGA.

  Hindi ako makatingin sa kanya nang balikan ko siya sa kuwarto. Pinadalhan ko lang siya ng food kanina sa ibang nurse, kasi nga nahihiya ako sa kanya. Kahit naman wala sa tamang pag-iisip ang poging ito, dyahe pa rin ako sa kanya.

  But I need to be professional. He's my patient and I am his nurse.

  Nakaupo siya sa gilid ng kama at nakatingin sa bintana. Naka-pajama pa rin siya, pero ang presko niyang tingnan. Kahit yata hindi maligo ng isang buwan ang lalaking ito at hindi ito mamamaho.

  Saka isa pang nakakapagtaka sa kanya, kahit bagong gising ay mabango ang hininga niya. Posible pala iyon?

  "Ehem." Tumikhim ako at lumapit sa kanya.

  Sa itsura niya na payapang-payapa, parang wala siyang kaproble-problema sa buhay, mukhang wala lang naman sa kanya iyong nangyari kagabi. Mabuti naman. Pero maalala niya kaya iyon kapag bumalik na siya sa dati?

  Idemanda niya kaya ako ng sexual harassment kapag gumaling na siya? Pero it will his words against mine. Walang CCTV itong kuwarto niya at isa pa, baliw siya, sino ang maniniwala sa kanya? Pwede kong lusutan ang kahit anong sasabihin niya laban sa akin. Baka nga pati mismo sarili niya, hindi niya mapaniwalaan. Hindi ako makokonsensiya dahil siya naman ang nagsimulang manlandi. Hindi ako.

  Marupok lang talaga ako.

  "Kumusta?" siniglahan ko ang boses ko. Saka ko na iisipin ang bukas. "Bat di ka kumain?"

  Nasa mesita pa rin ang tray na pinaglalagyan ng pagkain niya, ni hindi pa iyon nagagalaw. Pero iyong baso ng tubig ay ubos na ang laman.

  "Z, paano ka iinom ng gamot niyan?"

  Wala siyang kakibo-kibo.

  Isa sa mga napansin ko sa kanya ay malakas siya sa tubig. Saka matibay ang balat niya sa lamig. Palaging nakatodo ang aircon ng kuwarto niya at balewala lang iyon sa kanya.

  "Z, ayaw mo ba nitong pagkain mo?"

  Hindi pa rin siya kumikibo. Hangin na naman ako sa paningin niya.

His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon